20040527

ETEAM

wala lang magpopromote lang sana ako ng magaganda at astig na musika...subukan nyo sila...

click nyo ito at kilalanin ang alternative band na aphasia

at ito naman ang trapt

at syempre di mawawala ang isa sa mga peborit kong

THE USED at lalabas na ang sophomore album nila sa august

subukan nyo din ang my chemical romance astig yan.

at syempre di mawawala yung astig na lumikha ng time is running out ...ang MUSE

at last but not d least ang astig na funeral for a friend




anu ayos no!


mabuhay ang musika nilang lahat...subukan nyong pakinggan baka kayo din ay maastigan..hehe..

sana makuha ko na pera ko pambili ng cds, damit, bag, pangdevelop nung mga films na di ko pa pala napapadebelop

ayos wala akong masabi
sa blog kong nakakadiri

hheehe nahawa na ng tugmatugmang laro namin sa #upis04 na bunga ng kabagutan...ehe anyway, inaatupag na nga pala ng staff ang pag gawa ng #upis04 site..sana makagawa din site para tlga sa batch...at sana matapos na ang sulyap sa tamang panahon bago pa maGUPIT yung mga pics na di naman sapat gupitin wahaha..pis!

teka me naalala ako..ahehhe..cge na nga maikling komento ko na lang..tungkol dun sa basta un...

ehe ung artik na un ..anak ng stone age pa un a...ehe chaka bago pa napublish un sa p***** nakalimutan ko na un...trilogy pa nga yun e...pero wag na ..wala na sa isip ko un..kinalimutan ko na..hahah..walang pakialaman kanya kanya yan...i know my part of the story...un lang d end.

END nga makulit!

[iba ung taong nakilala ko dati sa taong kilala nila ngayon...basta iba...ibang iba]





20040526

KATAM

kantang trip sa araw na to: HUDAS ng bamboo

mood: ehe ewan

hayup..inatake na naman ako ng katamaran...ehehe..ok lang..mas ok na ibuhos katamaran ngayon kasi sa pagkatapos ng 2 linggo ..pasukan na..

pero bago un..tambay muna kung san..trabaho sa june1-4.. at parti para sa mga lilisan..ehe...

kelangan ko na ng pera..gusto ko bumili ng cds,damit,at bag...at mag fudtrip..ehehe

bat ba adik ang kapatid ko sa sims...
bat engot ate ko gumamit ng pc, kaya siguro nagshift siya agad from comsci...
bat kaya ako nag bs math...
mga wala na namang kwentang tanong mula sa walang kwentang utak na para sa mga may kwentang tao na binibigyang oras ang pagbabasa sa blogs ko..hehe

4:38 na sa pc ko..hehe

ayus talaga ung mr. clay , light years at hudas ng bamboo.salamat pala wina sa pagpapahiram ng cd...ayos

mayang 5 pag nahuli pa kong gising, pagsasabihan na naman ako ..bakit daw di na naman ako natutulog..ehe di naman talaga ako natutulog kasi d ako makatulog..ehe bakit kaya...hmmmm

wala na namang kwenta blog kong ito..teka
me naalala ako ..check nyo pala ung blog ni janzen [pakitignan na lang sa ispaykilinks kung san ang link]..meron syang astig na kung anu mang project dun..ung prendster nya..ehehe

bat di pa din ako makapasok sa pulpcomm?

wala lang..sige..hayup

[di kaya't isang tropa lang sila, ang demonyo, si san pedro at ang diyos...tintawanan lang ni hudas, tinatagayan lang ni hudas...-HUDAS ng BAMBOO]


20040521

BUSY

oo busy nga saka na..heheheh

[how many lives are living strange...where were you while we were gettin high...]

20040517

BLANK CD

matagal ko siyang hinanap nung oras na kailanganin ko siya...hinanap ko kung saan...ilang lugar ang nadaanan ...ilang oras ang lumipas...at sa isang sulok doon ko siya nadatnan...nakahandusay...walang saplot...sugatan...dali dali ko siyang inabot upang matignang mabuti..wala na siya..wala ng buhay...napakasakit talaga mawalan ng minamahal..lalo na kung isang cd na punong puno ng magagandang grunge na tugtugan!!!!!!!! waaaahhhh!!! cno kaya sumira nun langya!!! hoy YAPI kung asan ka man...nais kong ibalita na nasira yung compilation natin ng grunge rock..ung compilation 3 natin.....waaaahhh... tsaka yung compilation 2 natin di mo pa binibigay.....

teka yung magandang astig na babae na nakita ko dati sa isang gig..haha nahanap ko sa prendster..haha..ayos...

taena d na talaga makatulog...

3:00 na halos ng umaga..at dapat 5:00 gising na ako..RA na naman pala uli bukas...at hapi bertdey pala ke lani!...punta ko jan sa mcdo party mo ..hehhe.. ayos na trip yan a!!!!

hehehe

[teka 15 mins. ...kaya ko ba yun?]

20040516

OVERSLEEPING

hhehhehe 3 araw nung huli kong blog....hmmm saka ko na ikkwento ang buhay RA ko nung lumipas na mga araw..

nakakagutom buti na lang nakadekwat ako ng junkfoods sa secret compartment ng utol ko..wahahha...tapos un..sinabay ko sa lemonade ...langya kasi di ako binilhan ng softdrinks nung nagpabili ako kanina..

boring weekends

gusto ko mag beach... mag-isa...sana

haaaaayy ok trabaho na naman bukas...

shiyet sana walang dyahe sa enrolment ko sa 19..sana

un na lang muna..hehe

taenang kaboringan to...

hmmm AFI soundtrip muna...

[hmmmm bat me awayan hanggang ngayon? anak ng...]

20040513

BADTRIP

badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...
badtrip...


[badtrip]
BAGSAK

malungkot ako..dismayado..pero masaya...ahehe

"lift your hair it's everywhere...screaming infidelities"

hehe dashboard confessionals...

hmmm new song..medyo emo yung tunog...

way home

Pushed myself to what I wanted
To the passion that got me haunted
Sought my way just to find it
I tried alone
Tried to trust and believe
What my mind could feed
And my hands could give

but it’s not enough
It’s far again for me to catch

And now i'm walking home
Through were I have started
As I was thinking where I must really go
If only I don’t have to walk back
But the clouds was back in my head
Just have to walk
Till my shadow fades

Got a reason , just got to understand
Keeping away doubts on this demand
A choice on which I stand
I tried alone
Tried to trust and believe
What my mind could feed
And my hands could give

but it’s not enough
It’s far again for me to catch

And now im walking home
Through were I have started
As I was thinking where I must really go
If only I don’t have to walk back
But the clouds was back in my head
Just have to walk
Till my shadow fades
Till the shadows fade



ayon....teka tulog ako maaga dapat ngayon kasi me trabaho pa ako sa enrolment mamaya..hehe pero baka kahit hanggang 5 na naman ako magpaikot ikot , gulong gulong sa kama..d na naman ako makatulog..ehe buti na lang me gitara at me bagong kanta..hehe

o sya ...o tama ang hula nyo... bagsak ako sa FINE ARTS...

[teka seryoso ako, gawa tayo kanta...]





20040512

ROOM

eehheeh ang MOOD: $$___$$ masayang masaya!!!

MUSIC: Wonderwall by Oasis...

"today is gonna be the day..."..hehe isa yan sa mga kantang paborito kong gitarahin..eeehehe..

teka i woke up 12:30..turned the TV on..saw an afternoon variety show..turned the computer on..playlist..then went to eat lunch..heheh...then to the sala..TV...bat nanonood na naman ako ng TV...errr...punta ako kwarto then....

WAAAAAAAAHHH..anak ng pucha whatta mess!!!

inayos ko agad..
badtrip akala ko si ate nanggulo at nakialam...tapos naglagay ako ng malaking note sa door...ehe...tapos yun pala nanay ko pala nakialam sa kwarto ko ..me hinagilap syang kung anung bagay..nagalit tuloy sa kin, nabastusan ata sa sinulat kong note...
anyway..taena pinakaayaw ko sa lahat nakikialam at nanggugulo ng gamit ko!!..langya..ako na ata me pinaka maayos na kwarto sa bahay...magulong organized na astig...hehehe tapos papakialaman mo...langya..ehe

naku mamya labas na ng f.a...
tapos nakapasok din ako sa pagreregistration assistant...hmmm me bayad daw to a ..ayos...me briefing mamaya..tapos bukas start na ng registration..hehehe ayus tlga....pagdadasal ko na lang uli yung f.a

nga pala new links sa ispaykilinks...check nyo yang mga yan astig yang mga yan pramis..ehe hhhmmmmm

usapang hentai sa #upis04 kani kanina lang..haha

teka dapat popost ko pala yung maikling tula at kantang natapos ko..kaso asa papel yun, nakalimutan ko kung saan..hehe bukas na lang...mapapaaga ako ng tulog ngayun a..ehe me adbentyur pa kasi ako mamaya..hehe

[pero ganun pa man, the end justifies the means--machiavelli]

20040511

THE DAY AFTER TOMORROW

oo pota..the day after tomorrow..anu kaya ginagawa ko...hmmmm

teka mood muna : ##__## bakit bumalik ako sa panonood ng tv?

music: minority by green day

option 1: nagluluksa dahil sa hindi pagkapasa sa f.a.

option 2: wala lang.hindi pumasa.bs math na lang

option 3: inuman kasama ang mga kaibigan dahil pumasa ako

option 4: asa cubao nagpapalaboy laboy at namamalimos

option 5: bahala na

!!!!!!!!
option 3 sana...basta sana pumasa lahat kami...
teka wirdo nga pala..sabay sabay nagbago ang mga looks ng mga website na nadaanan ko online...at pati tong blogger..ehehe..

hmm daily updates...check nyo yung mga bagong link sa ispaykilinks...mga astig yan..at patuloy lang po ang pagbisita sa ispaykipics..at pwede sign kayo lagi sa ispaykilogs salamat...

teka me nakita pala akong pamilyar sa website ni rocker girl..check her site.astig... pareho kami ng isang gitara nya..astig..parehong pareho...ehehe..wala lang..mabuhay ka!...

as usual isang boring na araw..d bale makakalabas na ako ng bahay bukas...sana lang di masayang mga trip ang matripan namin bukas..hehe

hmmm si sanya..kakaiba tlga sya kausap..basta kontakin na lang kita kung kelangan ko yung mga kaibigan mo..hahahaha

maliban sa pagpollute ni sanya sa utak kong matagal na namang polluted...kung anu anong kakaibang bagay na ang pumasok sa isipan ko ...bumalik ang mga kakaibang interes ko sa mga makarimlang mga bagay..ehehe shiyet babalik na naman ata ako sa pagkabampira..hehehe

teka err..d ko napanood yung music video ng soundgarden kanina naputol..ngaun ko nga lang mapapanood yun naputol pa...

ah ehh errr...la ako masabi a...teka eleksyon...hmmmm



ikaw! oo! kaw! bumoto ka ba??!!?!!

ako hindi kasi d pa ako 18...tska hmmmmm ...sasama na lang ako ke pepe smith at magiging mandirigma ng pulp summerslam army...ehehhhee...teka me naiisip akong magandang lyrics ng kanta kani-kanina lang kaso langya nakalimutan ko...ok pa naman sana yung title...dahil dun sa mga kung anu anong salitang pinagbubuo ni jose sa #upis04 kanina...

teka wala na ko masabi..astig..sulat na lang muna ako ng kanta

[talong cake...kangkong kendi...repolyo shake...choko okra lollipops...ampalaya frappe...dinuguan pizza...kalabasa ice cream]

20040510

STRANGERS

ahhaha..eleksyon na...
cno magwawagi? hintayin na lang natin

hmmm...una sa lahat..ang mood at music por d day muna..hahahaa
pauso talaga ako amp!

MOOD: ^^__^^ sabog!!!

MUSIC: Heart Shaped Box by Nirvana

hehe teka updates muna...ay teka uli spiking of heart shaped box ..hehe napanood ko yung video nyan nung isang araw ata..ehe ayus tlga yun..isa sa mga pinakapaborito kong music video..the cross..the fetus..hmmm ehe...lumalalim na naman utak ko...

back to the updates...hmmm ispaykipics me piktyurs na 3 days ago pa!!! hehee..tska ispaykilinks mas maraming links ngayon.subukan nyo lahat..astig lahat pramis...from bloggers to pulpers, to livejournal users to lots of fuckin good local and foreign bands! astig..hehe bisitahin nyo po sila at kilalanin sila sa pamamagitan ng kanilang mga webpage...

teka knina, i mean kahapon, nagsimba uli ako after 3 sundays na walang mass...err bumisita naman ako sa simbahan last wednesday ah..ehe..hmm dati naman relihiyoso ako a, pero madaming nangyari kaya ganto ako ngayon wirdong heretic na agnostic..labo..kasi nagsimula yan grade 7 ....teka wag na ikwento , irereserba ko na lang yun sa isa pang blog...

kanina din me debate sa #upis04 sa pagitan ni inggo at ni gelo...hmmm guess what topic...hentai vs art...hmmm masyadong mahabang talakayan...bottomline: Hentai is art...Pornography is art...Sex is art......ehe eh kasi naman para sa kin lahat ay ART..ehe..kudos to Inggo!!!

hmmmm..araw ng mga ina pala kahapon..at wala akong nabating ina

teka sa isang araw na ang release ng f.a....nananalangin pa din ako para sa lahat ng taga i.s na nagtake...pumasa nawa tayo...lakad na naman sa miyerkules..tska after 1 week of clean air act baka mapacrayons na naman ako..hehehe...

hmm eto pa rin kausap si katty sa ym...hehe kulit nitong ulol na to..haha..gudlak pala ke *****...hehe meet the parents on tuesday..hehe
tska dun ke ginoong taga-up na probinsyano na mimeet mo..hehe
shiyet sana di na kelangan ng urinalysis sa medical certificate ko..arghhhhh langya alam nyo kung bakit kasi baka makitang....may tulo ako!!!!...hehehe jok lang mga ulol...i practice safe sex..jok lang uli..teka labo...

hehe...langya lagi na lang mahaba blog ko at wala pa ding kwenta..d ko nga alam kung me nagbabasa pa ng mga ganto..ehe..nebermind..lamats na lang kung meron...

teka alis na ko..hehe

[DECEMBER 2003 - ilang minuto makalipas ng hatinggabi: pagkatapos manood ng gig sa educ, nagpagulong gulong si ispayk sa sunken garden...napakasarap na gawain...astig]

20040509

SUPER MARIO

waw..anader sunday morning!!

hmmm

MOOD por d day:@$%^!&*)( HYPER!!!!

MUSIC por d early morning: HEADSTRONG by TRAPT

hehe ..langya walang orihinalidad..gayagaya sa lj...

walang pakialaman!

shiyet oversleep na naman ako kahapon..hahaha..at pagkagising ansakit ng ngipin!!! arghhhhhhh...hehe

teka hmmm gandang soundtrip din ng trapt kagabi..hehe
eto astig na pic..[hayufs pa pic pic na lang sa blogs]syempre salamat sa website na nakunan all credits to u! astig ka!



hehehe...echo echo echo!!!
hmmm ano pa ba...
sana uli matuloy yung tugtugan ng mga bandang opor ...mukhang me venue na at sana mahagilap ang iba pang opor para manood o kaya makahakot ng kung sino mang manonood...

kinausap ako ni sanya kagabi..at malamang sa malamang kung anu anu na naman pong napagusapan ...kakaiba talaga siya...dapat nga title nitong blog na to ******* ********..errr hindi pambata..hehe ..kasi ba naman meron daw malaking **** tapos si ****** ng jackass dun daw ipapasak..taena...hahahhaa..mabuting wag na ikwento ang iba pang mga detalye baka kung anu pang isipin ng mga mambabasa sa akin...ke sanya nga pala, gudlak sa iyong hanson getaway..whwhahaha...at ako'y mag-aaral ng australian accent mo, hehe , pero mas ok talaga yung indian..5-6 5-6!..hehehe

teka kanina ko lang narinig ng buo yung dialogue ni Ray Kurzweil tska ni Molly dun sa dulo ng Spiritual Machines album ng Our Lady Peace, salamat pala uli kingkongkulotafrodreadlocks sa cd...kahit na narealize ko na hindi pala Gravity yun...hehe...ispiking of Gravity, eto pala pic ng OLP sa Gravity..[hayups tlga pic daw uli o..syempre credits uli sa me -ari!]



ayun astig..hmmm anu pa ba nangyari...nangtrip pala ako sa GIF movie gear kaya gumawa ako ng kung anu anong GIF pero tska ko na popost yun gagamitin ko sa iamispayk na link ko..hehe..para kasi yan sa "all about the webmaster" area..hehe webmaster amputs...shiyet bukas na eleksyon at sa wednesday na release ng f.a...ako'y nananalangin na sana'y pumasa kami lahat..hehehe...teka eto pala yung gif na ginawa daw ni kingkongkulotafrodreadlocks..asteg yan!



kelangan ko lang ng astiging mga litrato at mkkgawa din ako ng ganyan..hehe

kani kani lang napamura ako!!!!!!!!!! shiyet talaga pootaaaannngg inaaaa!!!me pina dl sa kin si dong..shiyet super mario!! sa gitara!!! taenang gitarista yun anlupet!!!! salamat dong sa pagsend!!

teka bago pala ako mamaalam eto yung DIALOGUE OF RAY KURZWEIL with MOLLY the computer....me naalala akong artik sa anthology 9 dahil sa dialogue na to kaso nakalimutan ko title...d bale na


Ray: Anyway, you do look amazing
Molly: You say that every time we meet
Ray: I mean you look 20 again, only more beautiful than at the start of the book
Molly: I know that's how you'd want me
Ray: Ok, you were an attractive young woman when I first met you and you still project yourself as a beautiful young woman at least when I'm with you
Molly: Thanks
Ray: Are you saying that you're a machine now?
Molly: A machine? That's really not for me to say it's like asking me if I'm brilliant or inspiring
Ray: I guess the word machine in 2099 doesn't have quite the same connotations that it has here in 1999 Molly: It's hard for me to recall now Ray: Oh well
Molly: I'm really just dabbling but creating music is a great way for me to stay close with Jeremy and Emily
Ray: Creating music sounds like a good thing to do with your kids even if they are almost 90 years old. So could I hear it?
Molly: Uh I'm afraid you wouldn't understand it
Ray: So it requires enhancement to understand?
Molly: Yes most of it does. For starters, the symphonies and frequencies that a mosh can't hear and it has much too faster tempo and it uses musical structures that a mosh could never follow
Ray: Can't you create art for non-augmented humans? I mean there's still a lot of depth possible. Consider Beethoven, he wrote almost two centuries ago and we still find his music exhilarating
Molly: Yes there is a genre of music. All the arts actually, where we create music and art that a mosh is capable of understanding
Ray: And then you play mosh music for moshes?
Molly: hmm now that's an interesting idea. I suppose we could try that, although moshes are not that easy to find anymore. It's really not necessary though, we can certainly understand what a mosh is capable of understanding. The point though is to use the mosh limitations as an added constraint.
Ray: Sort of like composing new music for all instruments?
Molly: Yeah new music for old minds
Ray: Maybe we should kiss goodbye
Molly: Just a kiss?
Ray: We'll leave it at that for this book. I'll reconsider the ending for the movie
Molly: Here's my kiss. Now remember I'm ready to do anything or be anything you want or need
Ray: I'll keep that in mind
Molly: That's where you'll find me
Ray: Too bad I have to wait a century to meet you
Molly: Or to be me
Ray: Yes that too. Actually Molly, there are a few other questions that have occurred to me. What were those limitations that you referred to? What did you say you were anxious about? What are you afraid of? Do you feel pain? What about babies and children? Molly?


astig a..

teka habang blog na nito a badtrips!

[pakikiramay para sa yumaong gitarista na si allen cudal...]



20040508

ULOLS

hehehe..ayos na po ang ispaykipics ...sabog ang layout dahil sa mga piktyurs..nawa'y maiibigan nyo..tsaka kung me reklamo sabihin lang po sa akin..mga suhestyon at rekwest sabihin lamang..kung me pic na gusto ipababoy at ipapost sa kin dito..sabihin lang din...basta sabihin lang..

patapos na ang summer...tag-ulan na naman po!!! hahhahaha

teka makapunta kaya ako sa rock2metal sa 12...e yung sa 13 sa KSP..taena hmmmm...

matuloy kaya ang tugtugan ng mga bandang upis underground..ehehe upis underground e no...basta mga bandang upis 04...sayang astig din un...hmmm

makasali kaya ako sa RA para kumita naman ako....hmmmm

taena wala lang...

teka nakalimutan ko ang mood at music for the day

MOOD FOR THE DAY: **___** ewan basta tirik mata

MUSIC FOR THE DAY : siLverchair soundrip!

ok anyway...wala talaga ako magawa...

tsktsktsk

[buti pa sa 9th ring ng impiyerno, lalamigin ka lang..e sa 7th ring kung san ako mapupunta, makakasalamuha mo iba't ibang halimaw na kung anu anong trip gagawin sayo..nyahahha]



20040507

7TH LEVEL

MOOD for the day: --__-- bangag

MUSIC for the day: killing in the name by rAge agAinst the mAchine

hayup a parang livejournal..hekhek

hehe.umaga na naman mga repapips, tol, tsong, pards, prendsters, blah blah blah...ehe aus kahapon ng mga ganito ding oras naispatan akong online pa ng erpat ko..tapos d ako pinagalitan ...tapos ko magblog..abay napagtanto ko na lang na paakyat ako sa kwarto ko..aba pagkaraan ng 2 linggo na pagtulog sa sofa sa sala , ngaun lang uli ako matutulog sa kwarto ko..hehe..takte..ang init naman sa umaga...kaya 10 am pa lang gising na ako, lipat sa paborito kong sofa at tulog uli...

potaenang mga panaginip at bangungot yan..hmmm...ano kaya kinalaman nito sa buhay ko...meron pa lang alagang tigre c ******..tapos binigti pala ni **** si ****** sa isa sa mga adbentyurs ko..cno ba yung rabbi na me kung anung sinaunang relihiyon na namumuno sa mga taong kamukha ng mga tao dun sa texas chainsaw massacre...at kaya pala namin ng mga tropa ko na tumalon ng mga matataas na bldg...pano naging kotseng kuba yung sinasakyan namin fx mula ng tumakas kami dun sa mga halimaw...katabi ko pa si ***** dun sa kotseng kuba...kaya ko pala mag warp gamit ang aking computer..at kung anu ano pang kababalaghan na naglaro sa aking isipan habang ako'y nahihimbing...

bakit adik ako sa buttered sunflowerseeds?
bakit topak ang prendster lagi[ina nyo, mga testis ko!!..ehe]?
bakit nawala yung iba kong soundgarden audio files[pota sino nakialam dito..ehe]?
bakit naimbento ang audibles sa yahoo messenger[ina mo king?..ehe]?
bakit bumebenta pa rin sa mga taong online ang kung anu-anong quizzez[ah eh, katty, ria...ehe]?
bakit ako paranoid,schizotypal,obsessive-compulsive,etc[err...ehe]?

at kung anu ano pang bakit na umeepal sa utak ko...

sana pumasa ako f.a. kasama ang iba pang mga taga upis...
sana bumoto ng matalino ang mga tao sa eleksyon..ehe...
sana mawala na ang putanginang ubo na to...
sana d ako mahirapan sa pagkuha ng subjects dahil hindi ako umabot sa enlistment...
sana balang araw gumaling na ako sa gitara para tumino na at magimprove ang pagsulat ko ng kanta...
sana kumapal din ang mukha ko minsan at bumili ng maganda at malupit na electric guitar...
sana me magbasa pa ng blogs ko...

sana...sana..taenang sana..heheh

teka me piktyurs na sa ispaykipics pero onti pa lang
ayusin ko sorting ng pics tapos gagawa na lang ako ng sublinks ..anlalaki kasi ng piktyurs...malaking malaki..pero ok naman..haha..taena mga napapadaan nga dito mag sign kayo sa ispaykilogs para astig..hehe

tara sasama ko kayo sa ikapitong antas ng impiyerno...ah eh d nyo alam yun no...dun daw kasi ako mapupunta..mga lustful,wrathful,gloomy,fraudulent,violent, at kung anu ano pang kasamaang dulot ko...

hmmm mga death metal kaya ang mga tipong tugtugan sa antas na yon?[pasintabi sa mga raker ng ganoong genre]

langya..anghabang blog wala namang kwenta...

mag cheesy ending kaya ko sa blog nito...putcha walang pakialaman..ehehe

["shiyet gandang shooting star nun a.."--*********]
["ows?..ehe..mas maganda pa star ko jan..." --****]



20040506

VICTORY

5:29 bangon na sa sofa....oras na para maligo kumain magbihis at maghanda

6:25 sibat na sa bahay...maghintay na ng dyip

7:15 baba sa waiting shed..punta chapel...chapel?ako?...sindi ng kandila

7:45 nakapila sa pila ng mga magviviscom na magtetest

8:20 test na!

9:23 asa outline pa rin ako ng drawing na statue

10:40 bakit kaya ang pangit ng drawing ko sa pakpak

11:11 mukha namang kamukha nya yung statue

11:15 hmm..charcoal..craypas..colored pencil..crayons..

11:59 shiyet andumi

12:05 ok na to...gudlak

12:15 guia...darrem...jayjay

12:30 palabas ng chapel...kinuha na si guia ng ikot

12:40 naglalakad...watermelon shake

12:50 sasakay na ba?...teka crayons

1:50 bahay...diretso kain...buttered sunflower seeds..ayos

2:45 zzzzzZZZZ

6:00 tsokolate

1:10 202 points sa trivia

2:10 bagong kanta...war against the shadow

3:48 blog na to


[ang mga nakalagay na oras ay pawang pagtatantya...kalahating katotohanan...kalahating kabarberuhan]

bat daw victory?

yun daw pangalan ng estatwang babae na putol ang ulo at mga kamay na may pakpak na drinawing ko sa talent test sa f.a kanina langya anhirap!!!!

me mga bagong links...mga livejournal ng mga tao..takteng live journal bat d ko magawa..tapos tong blogs naayos ko...hmmm blog na nga lang ...

teka si keka, yung basta nag-add sa kin sa prendster...nakatabi ko pala ng matagal dun sa me pizza hut nung summerslam..tapos hindi kami magkakilala..kung di pa nagsendan ng message sa prendster...d pa malalaman...

summerslam...hmmm...ayos tlga ang bote

teka di pa pala ako nakakadaan ng pulpcomm...

[astig]


BRIP

isang umaga.sa isang mataong lansangan sa kamaynilaan.isang lalaki.artistahin ang hubog ng mukha.maputi.makinis.maginoo.kung titignan.nagpalaboylaboy sa lansangan.
tila may hinahanap.may inaasam.
lahat ng mata.titig sa kanya.sa kanyang anyong taas noo.
ngunit hubo.kahubarang naglantad ng kanyang kakulangan.salat sa laman.balat na itinagpi na lamang sa kanyang mga buto.naglalakad.palingonlingon.napahinto sa isang munting sarisari store.nagtanong.nadismaya.tumakbo at nadapa sa isang
tiangge.pumasok ng walang kahiya
hiya.nagtanong.natuwa.nagtatalon at umuwi.
tangan ang isang plastik.narating ang magarang tahanan.
binuksan ang supot.hawak ang munting puting saplot.sinukat.pinaglaruan.
napaisip.hindi ito ang kanyang kailangan.mali.iba.iba.




hehehhehe...nakausap ko si sanya...wala lang..d ko alam kung pano namin napagusapan...pero me balak na kaming gumawa ng isang munting pelikula na mag-aangat sa pangalan ng Pilipino sa buong mundo...ito ay pinamagatang "Brip"..kuwento ng isang lalaking artistahin at mayaman ngunit hubaran mo at makikita mo ang mga pagkukulang sa kanyang buhay at pagkatao...hinanap niya ang kakulangang iyon...na natagpuan sa isang brip na nabili sa isang tiangge...ngunit napagtanto niyang hindi iyon ang kanyang kailangan..kundi ang *****...sikret abangan nyo na lang ang grand premier ng pelikula namin..heheh..gaganapin ito sa isang sikretong lugar sa maynila...ang pelikula ay hindi black and white kundi sepia...ang taong gaganap bilang "hubad" , ayon kay sanya ay si *****..eekkkk...ampangit...saka na lamang kami pipili ng gaganap...sa mga gustong mag audition sa karakter na iyon...maaari lamang na kontakin si sanya...teka naisip ko bakit hindi gawang ng rakenrol na soundtrack ang pelikula..hmmm..kelangan ko pang kausapin si saya tungkol diyan...abangan na lamang po natin ang pelikula at nawa'y magkapondo kami...maraming salamat at suportahan po natin ang independent na pelikulang pilipino at ang underground na tugtugang rakenrol...hahahha..maraming salamat!
WAR AGAINST THE SHADOW

Woke up, Stood Up, Faced the mirror
To know how I looked like
Instead, your face of ashes is drawn
Half dead, half mystery
Trapped in glasses and nowhere to hide
Let me break the cold on your surface
And wipe the blood drops
Let me squeeze out the bitterness
But don’t let me heal you

I tried to hold you
Yet not enough control
Now take my knife and knock me down
Shatter what was brittle
Let your scream out
Ripping off your wounded skin
And burning it
Let me drain what was left of you
No one can save me
No one will hear you
No one knows

Knelt down, Looked down, Faced You
And the traces left asleep
Sweet revenge from your deep eyes
Shaking ragged hands
Within the shadow that reveals you
Let me see the pain of your guilt
And trigger them
Let me hold all the darkness
But don’t let me feel you

I tried to hold you
Yet not enough control
Now take my knife and stab my back
Destroy what was yours
Let your revenge out
Breaking your polluted mind
And burning it
Let me kill what’s inside you
No one can save me
No one will hear you
No one knows

I’m not supposed to fight back
But I have grown mad
Suffocated
Blinded
No one to turn to
No one to blame
But you.


....a new song...thinking of morbid and dark stuffs lately...listening to emo too much...reflecting on myself..oo sarili ko..hehe..wala lang...astig...

20040505

PHOTOGRAPHS

o nga pala...ang pics page ay topak pa...kumbaga under construction pa uli...pero kung gusto nyong magawa agad..sendan nyo ako ng mga astiging piktyur..kahit aong piktyur lalagay ko yan..basta send nyo sa email..ko o kaya i dcc lang sa akin sa pag online ako sa #upis..o kaya send file nyo sa yahoomessenger...o kaya message nyo ko sa friendster kung gusto nyo akong mameet in person at iabot ng personal ang mga astiging larawang iyan..hehe..astig..cge tulog nako.

20040504

GEE

ehehe..kitams..kahit medyo marami akong oras para magupdate nito..ehe ...nakakatamad pa din ... salamat uli pala ke sanya [see ispaykilinks at click nyo sa blog ni sanya]....salamat na din ke janzen sa pagsabing astig ang blog ko..haha [see ispaykilinks para sa mas astig na blog ni janzen]...hmmm cno pa pala pwede pasalamatan...salamat pala ke wina para sa ss4 id...salamat pala ke aryan at insan bodz nya sa inuman...salamat pala ke king para sa cd na astig!...salamat din ke L.A sa pagimbita sa kin sa bday ni kervin...at sa mga dati kong kaklase sa gradeskul na nakainuman ko...salamat ke gelo at dana na nagupload ng gradsbol pix sa yahoogroups ng batch...sa lahat ng gumawa ng testi ko sa prendster salamat...sa may-ari ng laway na tumalsik sa kin nung summerslam...sobrang daming salamat sa yo!...at sa mga walang magawang napapadaan sa blogsite ko...astig kayo salamat!...ang aga, matutulog na ako at me talent test pa sa f.a. mamyang 8...haaaay...gudlak na lang sa tin mga tsong...



so here i am, it's in my hands...and i'll savor every moment of this...so here i am, alive at last...and i'll savor every moment of this...

20040502

ANINO

hmmm....matagal din bago ako muling napadpad dito...salamat pala ke sanya...bat nga ba ako nawala...

Sa kaibuturan ng kadiliman
Ako’y nagluluksa
Tangan ang kandilang
Niliyaban ng kasalanan
Walang nagawa
Sa pagiwas
Kumakaripas
Tumatakas
Hinahabol ng mga maskara
Mga mukhang makulay
Ngunit pawang ipininta
Mga huwad at walang kasing huwad
Mga mapagkunwari
Pawang balat kayo
Na hayok sa paghusga
Pagwasak
Pagdurog
Pagsira
Ng mga kaluluwang tunay na malaya
At sa alingawngaw ng kanilang mga yabag
Nabibingi sa mga bulong
Na unti-unting sumisigaw
Nanghahatak
Mga boses
Mga salita
Na pilit pumipigil sa bawat pag-apak
Bumabagal sa pagtakbo
At biglang nadadapa
Sa pagkakalugmok sa abo
At sa paglapit ng mga mukha
Nanliliit
Nababaon
Nanlalabong muli ang destinasyon
Ang mga mukhang makulay
Ngayon ay nakatitig
Habang naglalaho
Ang bawat hininga
Ng kinawawang pagkatao
Ngunit bago pa malagutan
Sa ilalim ng kanilang kalupitan
Kailangang umahon
Hanapin ang lakas
Maghiganti at mag-alab
At lumitaw ang ningas
Na bumulag sa mga maskara
Muling tumayo
Tumakbo
Naglalakbay sa dilim
Ngayon ang katauhan
Ninakawan ng kabalintunaan
Nais pagkaitan ng kalayaan
Sinusundan
Hinahabol
Mga nilalang na nagmamaktol
Makulay mang maituturing
Ngunit tunaw na ang mga maskara
Pero hindi nagpapasupil
Nagpatuloy sa pagtahak
Upang ako’y hagilapin
Wala akong inalintana
Sa pagsuyod sa dilim
Kundi ang aking panaghoy
Mula sa pilit na litid
Naghahanap
Naghihintay
Hinahabol
Tumatakas
Habang ang ningas
Sa kadilima’y nag-aaliwalas
Ngunit sila din ay may katapusan
Sa tanging magliligtas
Upang ang mga kulay ng mukha
Ay tuluyang malunod at mabura
Sa pusod ng karimlan
At doon
Doon kung saan walang wakas
Wala ng magniningas
At ang mga tulad nila’y kakalimutan
At ang mga tulad ko’y doon mananatili
Mananahimik
Hindi na muling matatakot
Hindi na magpapabuso
Sa ilalim ng kapangyarihan ng nagiisang anino
[]






[nawa'y ito na ang maging pagbabalik..ehe]