20051206

PAGOD LANG 'TO

pagod na ako.
pagod na ako para sa pamilya ko.
pagod na ako para sa mga kaibigan ko.
pagod na ako para sa ibang tao sa paligid ko.
pagod na rin ako.

pero bawat pagod namang tinamo ko,
nagbubunga [na] ng mga makahulugang bagay.
marami pa akong gustong magawa,
maitulong,
maitaguyod,
malikha.
kaya ngayon, hinahanda ko na rin ang sarili ko
sa mas marami pang kapaguran.

pagod na rin silang lahat,
pero ang mga pagod nila
ang nakaka-inspire sa aking
magpakapagod din at gumawa pa ng mga mas makahulugang mga bagay.

salamat sa inyong lahat.


***gusto ko lang magtype, marami akong iniisip na ang ilan ay hindi ko rin naman masulat. natutuwa pa rin ako sa maraming mga bagay na nangyayari sa akin at sa mga tao sa paligid.

***tinatamad na pala akong magblog dahil sawa na ako sa layout na ito. oh well.

[makulay]

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

oks lang mapagod. nauubusan din ng battery pati robot. ang nakakatakot, pag napundi na ang bumbilya. nawa'y hindi humantong sa pagsasawa, at pagsuko. pero anuman ang gawin mo, patuloy akong mananantiya tulad ng nakasanayan. haha. tarantado ka talaga. sulong jojo! ~cha-cha

11:33 AM  
Blogger Kepi said...

ayan tayo e, after a week kung magcomment. wahahaha.

10:15 PM  

Post a Comment

<< Home