20050929

2D

angaling. may isang bagay pa lang pareho sa kanila.
at may kinalaman iyon sa isa sa mga kaligayahan ko sa buhay.
haha.

madami dapat akong ipopost ngayon.
dahil maraming mga bagay ang sadyang nakakapagpaligaya.

bukas na lang.

mahusay.

[magiging madalas to.sana]

20050927

SALAMAT SA CRAYOLA GREEN NA T-SHIRT

at sa casaa at sa library at sa final paper at sa ym at sa at sa at sa at sa at sa at sa at sa...
bwahahahha.


anong nagagawa ng pagpupuyat..

[masaya to. :))]

20050926

BAKIT PULA ANG KULAY NG STOP?

Nakakapagod mag-isip at dumama. Wala na lang mabuti pa.

[malapit na raw kasi]

20050924

LIBRARY INCIDENT NO. 3

Lampas nang alas singko. Pumasok ako sa aklatan upang salsalin ang utak ko para sa isang rekisitos. Hinalukay ko ang aking bag at naglabas ng mga papel at saka iniwan ang aking bag sa may pasukan. Pagkatalikod ko, naroon siya. Isa sa mga aking nakaraan. Suot ang dilaw na pantaas, at halos dilaw ring shorts. Nakatingin siya sa akin. Nakangiti. Lagi naman siyang nakangiti. Isang segundo. Di ko alam ang sasabihin. Kung magsasalita man ako, yun siguro ang una naming pagbabatian. Di ko naman iyon nagawa dati sa pagkakaalala ko. Dalawang segundo. Alalang-alala ko pa ang ngiting iyon na kadalasan ay sa malayo ko lang tinitignan. Di ko alam ang iniisip niya. Alam kong namukhaan niya ako. Alam kong alam niyang kilala ko siya. Pero bago pa pumatak ang ikatlong segundo, sadyang umiwas ang mga mata ko. Humakbang. Pumasok sa loob. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon niya. Sigurado, nagmukha na naman akong suplado. Sayang rin kung tutuusin. Pero naisip ko, pagkalipas ng ilang buwan, sa susunod na taon, mas madalas ko naman siguro siyang makikita. Siguro. Naalala ko pa ang pangungulit ko sa kanya sa text. Nakakahiya. Naalala niya pa kaya?

p.s.
Pero wala na yun. Kasi mas nababagabag ako sa ngayon. Sana hindi naman maging cab one ang maging theme song ko pagkatapos.

----------

Para kay Ma'am Hermosa... sa mga lumang cartolina, sa usok ng sigarilyo, sa mga komentong nasa pulang panulat, sa pagsasabing dapat ko nang buksan ang door, para sa lahat ng mga papuri at kritisismo, libong huni ng pasasalamat. At sa paglipad mo at paglisan sa mundo, kasama ng mga librong pambata, nawa'y matagpuan mo si Laya.

[para naman sayo, ikaw kaya yung nakita ko kanina sa may...?]

20050923

PUPULUTIN/PUPULOT

no.2



----------

as for now, i'm gonna hear the saddest songs
and sit alone and wonder, how you're making out...
as for me i wish that i was anywhere
with anyone, making out...


jok lang ha. ehehe.

----------

tumingin ka sa langit.
pakinggan aking awit,
di mo ba naalala?
ang luma mong sapatos
ang luma kong gitara
yakap ko sa tuwing ika'y tatakbo...


verse 1.

----------

hoy pipaks kandis na ispesyal mensyon na naman!
ang kulit mo!
ikaw ang dahilan kung bakit tayo
malulunod sa pawis ng isang german.
bwahahhaha.

palibhasa big time. hehe. biro lang.

----------

di siguro malalantad ang tunay nilang pangalan,
at manantili muna silang mga numero
habang bahagi pa sila ng mga araw na ito.

por dat.

----------

at sa huli dalawa lang naman ang laging nangyayari.
nalalaglag.
o smiley.


[asa]

20050922

RANDOMS

what happens if you have 4 crazy horny kids together for 4 hours with one hell of a language?

ADAAF begins this friday and i won't be able to visit it.

the two will meet on saturday, what's going to happen will surely be the imaginary jam of a lifetime.

goodluck to you.

you didn't care, so I stripped you naked with that instance.

[no rain]

20050920

TSK

AYOKO NA NGA.


waaaah. shit naman. anlabo.
para akong natuluyan dun ah.
tinatamaan na kumbaga.
pero hanggang dun lang naman lagi.
waaaah. ikaw, anu ka ba!
ewan.


[edit]


4:04 am na. kani-kanina lang nagpapatugtog ako ng malulungkot na mga indierock na kanta. di ko nga alam kung bakit. antagal ko sa harap ng computer, as usual. pero wala na naman akong naaccomplish ng marami-rami. nagedit lang ako ng images sa main page ng durian flavored babolgam tapos inayos yung url nun. tapos nagpost ng article at announcements sa yahoogroups namin. at ngayon kakatapos ko lang makagawa ng 10 sentences sa isang take home exam na 7 questions-80 points. kay bagal ko mag-isip.
ansarap itulog.

tulog na naman?

---------------

mahal
kita
hindi
mo ba
alam
_________________________

alam
mo ba
hindi
kita
mahal



-Salamin ni Vanessa Mace Mateo

tula [na gawa ng ka-org kong di ko pa ata nakikilala] na ibinahagi sa kin ni ka-GATAKA [sabado na ang gataka mission natin, ipaghanda!] kanina.

wala lang. nakakatuwa. ang galing.

kapag tinanggal ko ang salitang mahal, at pinalitan ng gusto...alam na.

---------------

p.s.
para kang photocopying machine na bulok a,
i-unplug kaya kita. bwahahha.

---------------

sino yung luna na nag-tag? at bakit dinelete mo yung tag mo?


[haaaay]

20050918

A HEAD START

I woke up surprisingly earlier than usual this sunday morning [7:30]. I went downstairs, saw my sisters still sleeping, and assumed that my parents are still in church. I took some cream-O from the kitchen first before going in front of the computer. And while Piya's CD was spinning, I resumed working on my maximo review. And also, hoping to get started on other tasks from my to-do list by the end of the day.

I'll just see which things I'll accomplish and update this entry later.

[edit edit edit 2:52 am (monday)]

Haha. I'm so hyped that I accomplished my three target tasks this sunday. I wrapped up my Maxi review before lunch. Then researched and e-mailed my Sin City / Frank Miller report to my groupmate. After that, at around 7 pm, I started to edit graphics and do the layout of durian flavored babolgam. Amazingly, I finished a decent output before midnight. Still, I was not satisfied with that intro page so I tried to fix it. But suddenly the site refused to load, and i assumed that the host was down so i just have to try fixing it again monday night.

I'm now done with only 1/4 of my requirements for the rest of the sem. Deadlines are still waiting for me in the next two weeks. Thanks to Bogart, Panpil project is moved to Oct 3, giving our group enough extension to work on the website. Art Stud1 final group project bothers me though. I'm not quite interested working with those groupmates of mine. Plus, the take home exam. Tsk.

As for Film subjects, I do need the Sun in the coming days so that I could shoot for better photos for my Final PortFolio. Honestly, I want to satisfy/impress Ma'am Anne and show her that I understood what she has been telling me about my philosophy and visual style in my photographs. I also have a final paper and take home exam to pass next week for Baumgaertel's class. And I wish, IMDB can post my review for bonus points.

While in Econ, damn! , I still have to sign attendance in the lectures / discussions eventhough the last long exam was already over. Please, I don't want to take the Finals so please let The Force mark my exam passed. And another please, i hope she won't count absences.

Forget fencing. I think the masks caused the weird allergies / pimples on my right jaw. Kill!

By the way, I treated myself a load of twin popsies and a bottle of beer for finishing the maxi review, report, and intro page. Haha. Loser.

And do you think I forgot you?! Haha. I'll talk about you on the next entry.
Wahahahhahahahaa.


***Congrats UP PEP SQUAD. Kelan na tayo gagawa ng ating
Kepi [arrow down] plakards mga kaibigan? Wahahhahahaha.

[''']

20050916

TSK

tatawa na lang ako ng tatawa.

----------

aba napapadalas ka dito, ^__^ .
prospects?
tss,
wahahaha.

----------

gusto ko talaga yung lunggati.

[assuming]
TITIG

Ito siguro ang pinakamabigat na salita para sa mga lumipas na araw. Waw.
[bahagi na ng araw-araw kong masturbation sa casaa, talakayan pa sa cinema logbook, at sa mga pagkokonseptwalays ko ng mga proyekto]

Ako.

Kanino? Sa kawalan?

Di lang.

----------

Ngayon lang ata uli ako nagkaroon ng ganitong ramdam/super interes sa isang tao ala hayskul lablayp. Pero nahahati muli sa dalawa. Dalawa. Kaya naman lumitaw uli ang ang mga numero. Parang si no. 1, no. 2, no. 3, nung Grade 9. Ngayon, si Prospect 1 at Prospect 2. Bakit pa ba yan nasama sa pag-iisip ko? Pero at least nakakapagpangiti. Wahahaha

----------

Lagot ako sa susunod na linggo. Tiyak cramming bagsak ko nito. Dalawang articles, graphics at layout para sa isang website. Take home exam, report at final paper sa Film 100. New set of prints para sa port folio sa F110. ArtStud1 Tour Presentation at take home exam. Gudlak. Nakakatamad

----------

ansarap ng lamig.

[orange]

20050914

CHEESEBURGER

  • wahahaha. wonderful wednesday.

  • some things about the japanese horror film pulse bothered me,
    which brought me back to sartre's existence vs. essence.

  • i have to finish at least one article for my panpil17 tomorrow
    but i'm too sleepy to finish my maximo review.

  • wahahaha. wonderful wednesday.
    hoping thursday would be the same.
    and friday.
    and saturday.

    [red tape]
  • WAHAHAHAHA

    ansaya ng lunes at martes.
    salamat pala sa inyong tatlo.

    apir sa inyong lahat.

    ----------

    ^__^ ! abangan mo ang hello na maririnig mo mula sa kin balang araw. hahaa. aba naakit ka naman sa toddler pic ko. salamat pala sa pagdaan!

    o__o ! bonding malapit na. hahaha.

    x__x ! tumblingan ng mga kung anu-ano. hiwaga. bwaha.
    ----------

    SALSAL [ANG PAGKALUNOD NG MGA PASAHERO]

    Sumabit siya sa dyip sa balingkinitang kahubaran. Kaliwang kamay sa bakal, kanang kamay na gumagapang. Pinaglaro ang mga daliri at kamay. Walang alinlangan, nagsimulang magsalsal. Taas-baba. Labas-masok. Atras-abante. Umaakyat ang dugo sa laman. Naninikip ang kamay sa pagsakal. Pawisan ang mga palad sa panggigigil sa sariling burat. Salsal. Salsal. Humihigpit ang kapit sa malamig na bakal at sa nag-iinit na burat. Taas-baba. Labas-masok. Atras-abante. Salsal. Salsal. Hanggang sa tumirik ang mata niya sa naramdaman, at nanghina...nang nanghina. Nagmasid silang lahat at sila'y nalunod sa semilyang kanyang pinaagos, umagos at aagos...at aagos.
    Matutuyo.


    ***sana mas nagagawa kong androgynous ang mga ganitong likha. kahit mismo ang pagkaerotika nito. dapat erotika kung erotika. kailangan ko pang mapraktis.


    [bullet day]

    20050912

    THREESOME

    Nagpunta akong bookstore kanina para mamili ng ilang mga bagay. At sa sukli kong 20 pesos++ ay nakabili ako ng tatlong lumang aklat sa halagang 3 for 10.00 . Yung isa French (L'enfant du Cinquieme Nord ni Pierre Billon) na ibibigay ko kay Kaye bilang regalo. Sana mabasa niya yun balang araw. Wahahaha. Yung dalawa (The Enthusiast at Stuck up a Tree), sana mabasa ko rin, malamang kaya ko nga binili.

    ----------

    Tatlo yung mga napagtripan ko. Wala lang. Haha. Uy mahahalata na to. Haha.

    ----------

    Magtatatlong taon na ang blog na ito base sa archives ng mga entries. Nakakatuwa talaga basahin yung mga kawirduhan ng lumang entries. Sayang lang at yung ibang mga litrato, tuluyang nawala. Sabi naman ni kaibigang Richard, consistent word daw ang sunken sa mga posts ko. Sunken nga naman.

    [edit. edit]
    putcha, mali, dalawang taon lang pala ayon sa archives. damn.

    ----------

    Nakipagtunggali na naman ako sa YM Guhit Bulilit. Tatlo na ang nakakalaban ko sa mga YM Guhit Bulilit sessions. At si Joyce ang ikatlong taong iyon. Nanalo naman ako kasi umalis na siyang bigla. Pero panalo pa rin ang lemonaide niya.



    ----------

    Sa paggagala ko kanina sa kahabaan ng Quezon Ave. para kumuha ng mga litrato, isang eskandalo ang natunghayan ko. May tatlong babae na bumaba mula sa isang MMDA footbridge. At nagsimulang umiyak ang isa. Niyakap niya yung kasama niya. Humihingi siya ng sorry nang pasigaw ngunit para siyang gustong itaboy nung isa. At yung isa, walang pakialam kaya naghintay na lang ng mapaparang sasakyan. Hanggang sa makasakay na sila sa isang sitak. At hindi ko na nasundan ang drama ng kanilang buhay. Haay.

    ----------

    May pasok ba mamaya? Tatlong tao na ang nagtanong sa akin kung meron ba o wala? Malamang meron. Sigurado ikalulungkot iyon ng King dahil hindi siya makakapag-bingo sa Megamall! Wahahaha. Balato!

    ----------

    Tatlong araw na lang at critique na naman kay Ma'am Anne.

    ----------

    Balak kong baguhin yung plano ko ukol sa isang maikling kuwentong nais kong isulat. Gagawa na lang ako ng tila isang trilogy ng isang katha kung saan ang tatlong bahagi ay nasusulat sa iba't ibang anyo. Yung una, nagawa ko na sa anyong tula. Yung pangalawa siguro yung maikling kuwento. At yung panghuli, di ko pa alam. Awit?

    ----------

    Kailangan ko pala ng tatlong bagong textile paints. Asul, Dilaw at Puti. Antanga ko kasi, di na lang ako bumili ng primary colors noon pa. Wahaha. May naisip na naman ako. Wahahahaha. Mga naiisip nga naman. Wahahahahha.

    ----------

    Ako ang pinakakyut sa aming tatlo. Pero malay ko kung bakit nga ba 8 ang bilang sa mga daliri ko. Peace sign ba iyan na nasobrahan?



    ----------

    May nabalitaan na naman akong namatay na estudyante sa Prince David Condominium. Taga-UP naman ito. Yung una ko kasing nabalitaan na namatay sa gusaling iyon ay yung tumalon last sem pa. Ako naman ang gagawa ng paraan para maging tatlo. Bwahaaha.

    ----------

    Threesome. Sure.

    ----------

    13.


    [dahil sa mahiwaga ang bagong tuklas na trinity]

    20050909

    POST-SEPTEMBER 8









    skip this.











    ----------

    parang flashcards. wuhoo. hahaha.!

    uy! you know mee ^__^! haha, aba aba napadaan! ang kulit ng sorry. haha. game blow-out! apir!

    [edit.edit]
    Which tarot card are you?

    You are the Temperance card. Temperance is the blending of elements to produce stability. We say that someone is temperate when they are pleasant and easy going. Temperance achieves balance through merging, so a temperate person is one who feels whole. Creative genius is often found in the ability to unite two previously unconnected ideas. Aleister Crowley considers this one of the most important facets of this card and names the card Art. He refers to a generation of a third element out of two previously existing elements. In the same way, the artist has the ability to create a painting from canvas and some tubes of coloured paint. The temperate person is also inclined to think about philosophy. Temperance leads to a calm and rational logic but can also look beyond everyday knowledge for the truth.



    **

    What...?

    You scored Perfect.

    Perfect--------------------100%
    Sensitive-------------------25%
    Jerk--------------------------0%
    Controlling-----------------0%


    Hulaan ninyo kung ano ang tanong.
    Hahaha.

    [bullet]

    20050908

    IKA-8 NG SETYEMBRE



    nagdiriwang
    sa muli na namang paglapit
    sa pagyapos ng kamatayan
    ngayon muling isinilang
    walang hanggang kabataan
    walang lungkot
    walang ligaya
    purong kalayaan
    sa walang hanggang kabataan
    walang hanggan
    wala



    di matimbang na pasasalamat sa lahat.

    [edit.edit]
    oh shite! kakaibang [insert pakiramdam here]! wahahahha! ayus!

    [------------------]

    20050907

    PRE-SEPTEMBER 8

    Isang napakagandang araw ngayong pre-september 8.
    Salamat pala sa isang bangag na kaibigan diyan na
    muli akong tinulak para pagmuni-munihan ang ilang mga bagay.
    Nakatulong.

    Salamat na rin sa biglang nag-Hi.

    At biglang nagparamdam.

    ----------

    Isang magandang bagay na mapatunayan natin na buhay pa rin ang demokrasya sa pilipinas. Nakakalungkot lang kung paano bumagsak na naman ang mamamayan sa isa na namang people power. Ang mas nakakalungkot, isang bagay ang di nagbabago sa kabila ng mga nangyayari. Napakaraming mahihirap pa rin na namamatay na sa gutom habang nagaganap ang lahat. Pinakanakakalungkot, alam kong may magagawa ako pero bakit hindi ko nagagawa?

    ----------

    Makikita ko na naman siya bukas.

    [ahehehe]

    20050906

    []

    buti na lang, balanse kahit papano.

    []

    20050905

    RED DIRECTOR'S CHAIR

    July 15 nang pumunta ako sa FC AVR para umattend ng UP CINEMA orientation. September 3 naman nang nakablind-fold, basang-basa at nilalamig akong pinaupo sa isang kakaibang upuang iyon.

    And the rest... mga workshops [photography, indie-filmmaking, directing at acting], sigsheet signing, buddy date, pagtulong sa shoot, interviews, batch meetings, awards night...ay di lang history, kundi masasayang mga trabaho, bonding, at mga alaala na magpapatuloy pa habang buhay ang UP Cinema.

    Kaya naman maraming salamat uli sa pagaaruga ng mga super-duper-bait-members at sa mga walang-kasing-bangag-kulit-sipag-gulo-astig na batchmates [go silip!tama ba?] ko.
    Palakpakan. Apir sa inyong lahat!

    "...holistic formation of future movers of the Philippine cinema..."

    UP CINEMA. kapusok mo.



    p.s. ang mga links ng mga blogs
    ng mga cinemasters,
    ahehhe teka lang malapit
    na akong sipagin mag-edit ng links. ahihi.

    ----------

    di ko na marecover ang files ko sa angelfire account ko. pano na yung ibang blog images at audio files na binura ko na dito sa pc. lintek. eto, ginamit ko muna ang background music na composition ni chacha habang hinahanap ko ang when the levee breaks kong clip para dito sa blog. di ko lang alam kung tumutugtog dahil sira pa rin audio ng pc.salamat cha kahit di ko pa nasabi sayong hiniram ko. ehehe.

    ----------

    nakakaasar nang panoorin ang pinoy big brother. pero oks lang, gagamitin na lang namin siya sa panpil project.

    ----------

    nakakatawa kung pumapagitna ka sa dalawang grupo [2 lalaki sa kaliwa , 2 babae sa kana] ng mga tao na naglalandian/nagpapapansinan sa simbahan.

    ----------

    lahat na lang nagpalit na ng mga ilaw nila at gumamit ng yellow light. pagtitipid?ang acad sa up, at ang parokya sa kabilang barangay. so lahat ba yun? nyek.

    ----------

    nakakatawa/nakakatuwa ang mga panaginip ko ngayon linggo. lindol sa isang simbahan? duguang dana? mga taong iba-iba ang linggwahe? ano pa susunod?

    ----------

    kanina nagmumuni-muni ako sa kama. naalala ko yung binigay na kendi nung koreana kong klasmeyt sa 110. tapos naalala ko yung japanese exchange student nung highschool na binigyan din ako ng kendi. tapos naalala ko yung lotte na candymaker sa japan. tapos naalala ko yung bubblegum na lotte na uso dati. tapos pumasok sa isipan ko... yung isang maliit na tindahan sa isang iskinita malapit sa tirahan namin dati. naglalaman ang tindahan ng samu't saring kayamanang pambata. parang charlie and the chocolate factory. pero manang and the [ewan ko iisipin ko pa]. isa iyon sa mga kaligayahan ko nung bata ako. gagawan ko iyon ng entry bullet day.

    ----------

    ayoko matulog sa kwarto. may lumilipad na ipis. yaak. di ko makitil kitil at wala akong balak pisain at pasabugin ang mga baktirya sa kwarto ko. wahahahhaa.

    ----------

    nawiwili ako kahit na kulang ang mga smileys ng YM. wahaha.

    [peyborit ko na to
    >:D< ]

    20050904

    IN THE MOOD FOR [insert any word here]

    the red director's chair...

    Isa na akong ganap na Cinemaster.
    Kung paano at kung bakit, sa susunod na entry na lang.


    Salamat sa lahat. Kilala ninyo kung sino kayong lahat.
    GO UP CINEMA!

    ----------

    you're on your way home,
    walking with people outside a crowded fastfood.
    then you started to walk slow.
    then you asked yourself,
    "am i being stared at?"
    then you climbed up the overpass,
    and looked back to see who was there
    [maybe] staring at you.
    too late, you're too far now.

    confused.
    i don't know why.

    ----------

    sa wakas, nakagawa din ako ng ganito. inspired/gaya ito ng ibang sites dati na nakita at binibisita ko.

    naisip ko, ito na lang muna ang irerelease ko sa mga gawang eros.

    mga makulit na kapit-LJ, wag kayong magreact/magtag/magcomment kung alam niyo na ang mga kuwento ni eros!.wahahahaha

    sanya! remember eros? he's back! and he's up to something! wahahaha!

    *litratong kuha ni kandis.

    unang edisyon.



    [d]