LIBRARY INCIDENT NO. 3
Lampas nang alas singko. Pumasok ako sa aklatan upang salsalin ang utak ko para sa isang rekisitos. Hinalukay ko ang aking bag at naglabas ng mga papel at saka iniwan ang aking bag sa may pasukan. Pagkatalikod ko, naroon siya. Isa sa mga aking nakaraan. Suot ang dilaw na pantaas, at halos dilaw ring shorts. Nakatingin siya sa akin. Nakangiti. Lagi naman siyang nakangiti. Isang segundo. Di ko alam ang sasabihin. Kung magsasalita man ako, yun siguro ang una naming pagbabatian. Di ko naman iyon nagawa dati sa pagkakaalala ko. Dalawang segundo. Alalang-alala ko pa ang ngiting iyon na kadalasan ay sa malayo ko lang tinitignan. Di ko alam ang iniisip niya. Alam kong namukhaan niya ako. Alam kong alam niyang kilala ko siya. Pero bago pa pumatak ang ikatlong segundo, sadyang umiwas ang mga mata ko. Humakbang. Pumasok sa loob. Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon niya. Sigurado, nagmukha na naman akong suplado. Sayang rin kung tutuusin. Pero naisip ko, pagkalipas ng ilang buwan, sa susunod na taon, mas madalas ko naman siguro siyang makikita. Siguro. Naalala ko pa ang pangungulit ko sa kanya sa text. Nakakahiya. Naalala niya pa kaya?
p.s.
Pero wala na yun. Kasi mas nababagabag ako sa ngayon. Sana hindi naman maging cab one ang maging theme song ko pagkatapos.
----------
Para kay Ma'am Hermosa... sa mga lumang cartolina, sa usok ng sigarilyo, sa mga komentong nasa pulang panulat, sa pagsasabing dapat ko nang buksan ang door, para sa lahat ng mga papuri at kritisismo, libong huni ng pasasalamat. At sa paglipad mo at paglisan sa mundo, kasama ng mga librong pambata, nawa'y matagpuan mo si Laya.
[para naman sayo, ikaw kaya yung nakita ko kanina sa may...?]

2 Comments:
nice.. u got talent for writing. : ) Pag-igihan mo lang..
At sino naman ang nakita mo sa lib? hehe...
oo. english prof nung highschool na naging teacher ko sa creative writing elective ko nung highschool.
tsaka naging asssitant nya ako.
ayun lumisan na raw.
[kasalukuyan kong tinatapos ang unang page ng aking final paper ke german at bukas na deadline nito. bwhahahaha]
Post a Comment
<< Home