20050912

THREESOME

Nagpunta akong bookstore kanina para mamili ng ilang mga bagay. At sa sukli kong 20 pesos++ ay nakabili ako ng tatlong lumang aklat sa halagang 3 for 10.00 . Yung isa French (L'enfant du Cinquieme Nord ni Pierre Billon) na ibibigay ko kay Kaye bilang regalo. Sana mabasa niya yun balang araw. Wahahaha. Yung dalawa (The Enthusiast at Stuck up a Tree), sana mabasa ko rin, malamang kaya ko nga binili.

----------

Tatlo yung mga napagtripan ko. Wala lang. Haha. Uy mahahalata na to. Haha.

----------

Magtatatlong taon na ang blog na ito base sa archives ng mga entries. Nakakatuwa talaga basahin yung mga kawirduhan ng lumang entries. Sayang lang at yung ibang mga litrato, tuluyang nawala. Sabi naman ni kaibigang Richard, consistent word daw ang sunken sa mga posts ko. Sunken nga naman.

[edit. edit]
putcha, mali, dalawang taon lang pala ayon sa archives. damn.

----------

Nakipagtunggali na naman ako sa YM Guhit Bulilit. Tatlo na ang nakakalaban ko sa mga YM Guhit Bulilit sessions. At si Joyce ang ikatlong taong iyon. Nanalo naman ako kasi umalis na siyang bigla. Pero panalo pa rin ang lemonaide niya.



----------

Sa paggagala ko kanina sa kahabaan ng Quezon Ave. para kumuha ng mga litrato, isang eskandalo ang natunghayan ko. May tatlong babae na bumaba mula sa isang MMDA footbridge. At nagsimulang umiyak ang isa. Niyakap niya yung kasama niya. Humihingi siya ng sorry nang pasigaw ngunit para siyang gustong itaboy nung isa. At yung isa, walang pakialam kaya naghintay na lang ng mapaparang sasakyan. Hanggang sa makasakay na sila sa isang sitak. At hindi ko na nasundan ang drama ng kanilang buhay. Haay.

----------

May pasok ba mamaya? Tatlong tao na ang nagtanong sa akin kung meron ba o wala? Malamang meron. Sigurado ikalulungkot iyon ng King dahil hindi siya makakapag-bingo sa Megamall! Wahahaha. Balato!

----------

Tatlong araw na lang at critique na naman kay Ma'am Anne.

----------

Balak kong baguhin yung plano ko ukol sa isang maikling kuwentong nais kong isulat. Gagawa na lang ako ng tila isang trilogy ng isang katha kung saan ang tatlong bahagi ay nasusulat sa iba't ibang anyo. Yung una, nagawa ko na sa anyong tula. Yung pangalawa siguro yung maikling kuwento. At yung panghuli, di ko pa alam. Awit?

----------

Kailangan ko pala ng tatlong bagong textile paints. Asul, Dilaw at Puti. Antanga ko kasi, di na lang ako bumili ng primary colors noon pa. Wahaha. May naisip na naman ako. Wahahahaha. Mga naiisip nga naman. Wahahahahha.

----------

Ako ang pinakakyut sa aming tatlo. Pero malay ko kung bakit nga ba 8 ang bilang sa mga daliri ko. Peace sign ba iyan na nasobrahan?



----------

May nabalitaan na naman akong namatay na estudyante sa Prince David Condominium. Taga-UP naman ito. Yung una ko kasing nabalitaan na namatay sa gusaling iyon ay yung tumalon last sem pa. Ako naman ang gagawa ng paraan para maging tatlo. Bwahaaha.

----------

Threesome. Sure.

----------

13.


[dahil sa mahiwaga ang bagong tuklas na trinity]

1 Comments:

Blogger Ria Verdolaga said...

kilala ko yung nagpakamatay. not personally pero naaalala ko mukha niya. philo student siya.

12:54 AM  

Post a Comment

<< Home