I DON'T CRAM [usaping acad]
Malabo ako sa acads. Pakiramdam ko nagkacram na ako, pero hindi naman talaga.
Kung tutuusin, napakarami kong libreng oras. Eh ano pa nga ba ang problema?
Katamaran. Pero kaunti na lang naman ang kelangan kong tapusin para magkamatinong grade sa dulo ng sem.
Deadline kahapon [Lunes] ng isang film review/critique ng Minsan Pa para sa PanPil17. Malamang na-move ang pasahan sa Huwebes. Pero eto ako, ilang salita na lang at 2 pages na ang paper ko. Limang pahina lang naman ang kailangan, pero hindi pa rin ako makapagsulat kahit na andami kong gustong ibahagi. Gusto ko na tapusin ngayon. O baka idaan ko na lang to sa library mamaya para makapagsulat na talaga ako.
May naisip na akong pamagat ng magiging website project namin sa Panpil17. Sana lang sumang-ayon mga kagrupo ko. Durian-flavored-babolgam. Swak naman sa pinaplano naming nilalaman ng project. Bala na.
Kanina pagkaligo ko sa hapon, dinampot ko yung kamera tapos naghanap ako ng makukunan kasi kailangan may madevelop na ako sa Huwebes. Nakaubos naman ako ng marami-raming shots sa 3 interesanteng bagay. Kahit medyo di ako satisfied sa kuha. Dinaan sa bracketing. Kasi naman patience talaga kailangan para makuha ko yung gusto ko. E asa pa ako sa timing ko kung kelan ko naiisipang damputin ang kamera. Ngayon kelangan ko pang ubusin yung film. At bumili ng isa pang film at photopaper na pagkamahal-mahal. May 3rd Critique pa ako sa kalagitnaan ng Setyembre. Tapos Finals/Portfolio sa pagbungad ng Oktubre. Gudlak sa mga kuha ko.
Di ko alam kung may exam pa kami kay German. Basta alam ko, magrereport kami tungkol sa Sin City.
Patay-patay na ako sa dami ng pagliban ko sa Econ. Isang exam na lang at salba na ako. Pero kailangan ko pa rin pagtiisan ang pagpasok sa lecture/discussion. Kahit pagsign lang ng attendance. Di ko na iisipin yung report. Walang kwenta lang naman yun por syur.
Di ko rin alam kung me exam pa kami sa ArtStud1. Pero kailangan ko na rin mag-isip ng mga ideya para sa Final Group Project. Parang fieldtrip kasi to tapos kakaibang documentation. At sana magka-kagrupo naman ako ng mga super oks na tao.
Kamusta naman ang pagfefencing ko? Isang panalo. Tatlong talo. Olats. Pinagtitiisan ko na lang ang pagpasok dito. Oks sana kasi nga fencing. Nakakawalang-gana lang ang paraan ng pagtuturo dito. Uupo ka lang sa loob ng dalawang oras. Tapos maghihintay ka para sa isa o dalawang match mo. Isang match na mga 10 minuto siguro ang tagal. Dalawang oras para sa 10 minuto tapos talo ka? Pano ang finals? Gudlak.
Basta kailangan ko ng matataas na grade. Panghatak ng GWA ko. At sana bukas talaga ang Film Inst. sa mga shiftees ngayon. At sana'y makapasok na talaga ako! O buhay.
***Maraming extra-curricular na kwentong masaya sanang ikuwento dito ngayon. Pero saka na o kaya wag na lang. Hahahah. Usaping Acad kung usaping acad.
----------
ESPESYAL EDISYON
pang teknikolor LJ to. pero dahil magagaling talaga silang mga nilalang,
post ko na rin dito.
[edit edit edit. tinanggal ko yung larawan. papagawa na lang ako ng red version. para panindigan ang layout. hehe]
[edit edit edit. sige na nga. astig naman e. hahahhaa]
kuha ito ni kandis at pinaglaruan ng kolorete ni linsoco.
ang galing nyo tsongkis. apir!
----------
mga isaw-isaw na utak ni kepi: magaalas-tres na. matulog pa kaya ako? o try kong tapusin tong paper ko ngayon para wala ng problema. tapos punta na lang ako up mamayang maaga, para makapag-jog na sa wakas. tapos diretso sa econ para mag-sign ng attendance. tapos sibat din pauwi agad. babalik na lang ako sa tanghalian. o shemay, may synthesis paper pa pala! sa shopping ko na lang gawin. pano ko pala tatawagan yung mga schools kung asa up ako bukas. hala. takte gumulo lalo...matutulog na lang ako. mukhang masaya managinip ngayon.
[sundial]
Malabo ako sa acads. Pakiramdam ko nagkacram na ako, pero hindi naman talaga.
Kung tutuusin, napakarami kong libreng oras. Eh ano pa nga ba ang problema?
Katamaran. Pero kaunti na lang naman ang kelangan kong tapusin para magkamatinong grade sa dulo ng sem.
Basta kailangan ko ng matataas na grade. Panghatak ng GWA ko. At sana bukas talaga ang Film Inst. sa mga shiftees ngayon. At sana'y makapasok na talaga ako! O buhay.
***Maraming extra-curricular na kwentong masaya sanang ikuwento dito ngayon. Pero saka na o kaya wag na lang. Hahahah. Usaping Acad kung usaping acad.
----------
ESPESYAL EDISYON
pang teknikolor LJ to. pero dahil magagaling talaga silang mga nilalang,
post ko na rin dito.
[edit edit edit. sige na nga. astig naman e. hahahhaa]
kuha ito ni kandis at pinaglaruan ng kolorete ni linsoco.
ang galing nyo tsongkis. apir!
----------
mga isaw-isaw na utak ni kepi: magaalas-tres na. matulog pa kaya ako? o try kong tapusin tong paper ko ngayon para wala ng problema. tapos punta na lang ako up mamayang maaga, para makapag-jog na sa wakas. tapos diretso sa econ para mag-sign ng attendance. tapos sibat din pauwi agad. babalik na lang ako sa tanghalian. o shemay, may synthesis paper pa pala! sa shopping ko na lang gawin. pano ko pala tatawagan yung mga schools kung asa up ako bukas. hala. takte gumulo lalo...matutulog na lang ako. mukhang masaya managinip ngayon.
[sundial]
0 Comments:
Post a Comment
<< Home