20050905

RED DIRECTOR'S CHAIR

July 15 nang pumunta ako sa FC AVR para umattend ng UP CINEMA orientation. September 3 naman nang nakablind-fold, basang-basa at nilalamig akong pinaupo sa isang kakaibang upuang iyon.

And the rest... mga workshops [photography, indie-filmmaking, directing at acting], sigsheet signing, buddy date, pagtulong sa shoot, interviews, batch meetings, awards night...ay di lang history, kundi masasayang mga trabaho, bonding, at mga alaala na magpapatuloy pa habang buhay ang UP Cinema.

Kaya naman maraming salamat uli sa pagaaruga ng mga super-duper-bait-members at sa mga walang-kasing-bangag-kulit-sipag-gulo-astig na batchmates [go silip!tama ba?] ko.
Palakpakan. Apir sa inyong lahat!

"...holistic formation of future movers of the Philippine cinema..."

UP CINEMA. kapusok mo.



p.s. ang mga links ng mga blogs
ng mga cinemasters,
ahehhe teka lang malapit
na akong sipagin mag-edit ng links. ahihi.

----------

di ko na marecover ang files ko sa angelfire account ko. pano na yung ibang blog images at audio files na binura ko na dito sa pc. lintek. eto, ginamit ko muna ang background music na composition ni chacha habang hinahanap ko ang when the levee breaks kong clip para dito sa blog. di ko lang alam kung tumutugtog dahil sira pa rin audio ng pc.salamat cha kahit di ko pa nasabi sayong hiniram ko. ehehe.

----------

nakakaasar nang panoorin ang pinoy big brother. pero oks lang, gagamitin na lang namin siya sa panpil project.

----------

nakakatawa kung pumapagitna ka sa dalawang grupo [2 lalaki sa kaliwa , 2 babae sa kana] ng mga tao na naglalandian/nagpapapansinan sa simbahan.

----------

lahat na lang nagpalit na ng mga ilaw nila at gumamit ng yellow light. pagtitipid?ang acad sa up, at ang parokya sa kabilang barangay. so lahat ba yun? nyek.

----------

nakakatawa/nakakatuwa ang mga panaginip ko ngayon linggo. lindol sa isang simbahan? duguang dana? mga taong iba-iba ang linggwahe? ano pa susunod?

----------

kanina nagmumuni-muni ako sa kama. naalala ko yung binigay na kendi nung koreana kong klasmeyt sa 110. tapos naalala ko yung japanese exchange student nung highschool na binigyan din ako ng kendi. tapos naalala ko yung lotte na candymaker sa japan. tapos naalala ko yung bubblegum na lotte na uso dati. tapos pumasok sa isipan ko... yung isang maliit na tindahan sa isang iskinita malapit sa tirahan namin dati. naglalaman ang tindahan ng samu't saring kayamanang pambata. parang charlie and the chocolate factory. pero manang and the [ewan ko iisipin ko pa]. isa iyon sa mga kaligayahan ko nung bata ako. gagawan ko iyon ng entry bullet day.

----------

ayoko matulog sa kwarto. may lumilipad na ipis. yaak. di ko makitil kitil at wala akong balak pisain at pasabugin ang mga baktirya sa kwarto ko. wahahahhaa.

----------

nawiwili ako kahit na kulang ang mga smileys ng YM. wahaha.

[peyborit ko na to
>:D< ]

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

hoy kepi! kz to.
TAKOT KA PALA SA IPIS!!! hahah

meron sa log book, paraan ng pagpatay. ikaw na bahalang pumili. according to you preference. hehehhe.

8:20 PM  

Post a Comment

<< Home