20050831

ANONG KULAY ITO?



sabi nga ni hiraya...
(8/31/2005 9:17:36 PM): mukhang lumulutang ka kanina a
(8/31/2005 9:17:38 PM): dumating na ba yung moment??
(8/31/2005 9:19:20 PM): ewan ko, iba yung bukas ng mukha mo kanina

[ay special mention na naman.nyahaha.]

**

Isa na namang napakaligayang araw. Napakasarap kasi ng hampas ng hangin-mixed-with-alikabok-and-usok sa mukha ko habang humaharurot ang dyip. Pinakamaligayang paglalakbay sa mga nakalipas na buwan. Mukhang gagawin ko/namin uli iyon sa susunod na linggo. Nabigyang-pagkakataon akong humiling ng dalawang beses kanina. Yung isa hindi nangyari. Yung isa, di ko sigurado, kasi naman lumingon lang ako sandali, nawala na agad! Oh man, sayang!

**

Klik. Klik. Klik. Nag-shoot na rin ako kanina. At nang pababa na ako sa MRT station, may nakita akong batang natutulog at nakahiga malapit sa hagdan tapos may hawak na lata ng Sprite. Kinunan ko. Tapos naglakad na ako para sumakay ng dyip. Habang naghihintay ng dyip, naalala ko yung mga kinunan ko. Naisip ko na ang pangit pala ng kuha ko dun sa bata. Kaya naman nagmadali akong maglakad pabalik dun sa MRT station para kunan uli sa mas maganda at sa you-won't-see-this-with-your-naked-eye na angggulo. Kulang na lang mapipi ako ng literal sa pagsalubong ko dun sa mga taong kakababa lang ng tren. Maganda nga sana akong kunan kanina dahil medyo konektado nga sa konsepto ko yung setting kanina na ako lang yung naglalakad patungo sa ibang direksyon sa dami ng mga taong andun. Ngunit pagdating ko sa MRT station, nagising na ata yung bata at umalis na. Sayang. Mukhang maganda sana yung naisip kong anggulo. Maghintay kang lumabas ang anino sa sulok, maghintay kang magkatraffic dito at may dumaang bus dun, maghintay kang maasar siya... di talaga biro ang maghintay ng magandang timing para makakuha ka ng litratong magpapakita ng gusto mong iparating. Waaaah gusto ko pang magpiktyur!!!

**

Pagpatak ng Setyembre.

**

Pinid na mga pinto. Rehas na nakakadena. Mga bakal na kurtina [yung mga hinihila pababa pag magsasara na ang isang shop. haha]. Mga espasyong abandonado. Lalo na ang mga luging kainan. Interesante dahil sa bawat kanto sa kahabaang iyon, meron. May naisip na naman tuloy ako. Sana may patutunguhan.

**

emo on.

Seemed to stop my breath
My head on your chest
Waiting to cave in
From the bottom of my...
Hear your voice again
Could we dim the sun
And wonder where we've been
Maybe you and me
So kiss me like you did
My heart stopped beating
Such a softer sin

(I'm melting, I'm melting)
In your eyes
I lost my place
Could stay a while

And I'm melting
In your eyes
Like my first time
That I caught fire
Just stay with me
Lay with me
Now

Never caught my breath
Every second I'm without you I'm a mess
Ever know each other
Trust these words are stones
why cuts aren't healing
Learning how to love

You could stay and watch me fall
And of course I'll ask for help
Just stay with me now
We could take our heads off
stay in bed just make love that's all
Just stay with me now

In your eyes
Like my first time
That I caught fire
Just stay with me
Lay with me
In your eyes
I lost my place
Could stay a while
and I'm melting
In your eyes
Like my first time
That I caught fire
Just stay with me lay with me
(Stay with me, lay with me)

In your eyes
Let's sleep till the sun burns out
I'm melting in your eyes (I'm melting in your eyes)
Let's sleep till the sun burns out
I'm melting in your eyes


--I Caught Fire (in your eyes) by The Used

oops.
sakto.

**

MagbeBASE-JUMPING ako pagtanda ko pa. Astig.

[palayain si eros]

20050830

I DON'T CRAM [usaping acad]

Malabo ako sa acads. Pakiramdam ko nagkacram na ako, pero hindi naman talaga.
Kung tutuusin, napakarami kong libreng oras. Eh ano pa nga ba ang problema?
Katamaran. Pero kaunti na lang naman ang kelangan kong tapusin para magkamatinong grade sa dulo ng sem.

  • Deadline kahapon [Lunes] ng isang film review/critique ng Minsan Pa para sa PanPil17. Malamang na-move ang pasahan sa Huwebes. Pero eto ako, ilang salita na lang at 2 pages na ang paper ko. Limang pahina lang naman ang kailangan, pero hindi pa rin ako makapagsulat kahit na andami kong gustong ibahagi. Gusto ko na tapusin ngayon. O baka idaan ko na lang to sa library mamaya para makapagsulat na talaga ako.

  • May naisip na akong pamagat ng magiging website project namin sa Panpil17. Sana lang sumang-ayon mga kagrupo ko. Durian-flavored-babolgam. Swak naman sa pinaplano naming nilalaman ng project. Bala na.

  • Kanina pagkaligo ko sa hapon, dinampot ko yung kamera tapos naghanap ako ng makukunan kasi kailangan may madevelop na ako sa Huwebes. Nakaubos naman ako ng marami-raming shots sa 3 interesanteng bagay. Kahit medyo di ako satisfied sa kuha. Dinaan sa bracketing. Kasi naman patience talaga kailangan para makuha ko yung gusto ko. E asa pa ako sa timing ko kung kelan ko naiisipang damputin ang kamera. Ngayon kelangan ko pang ubusin yung film. At bumili ng isa pang film at photopaper na pagkamahal-mahal. May 3rd Critique pa ako sa kalagitnaan ng Setyembre. Tapos Finals/Portfolio sa pagbungad ng Oktubre. Gudlak sa mga kuha ko.

  • Di ko alam kung may exam pa kami kay German. Basta alam ko, magrereport kami tungkol sa Sin City.

  • Patay-patay na ako sa dami ng pagliban ko sa Econ. Isang exam na lang at salba na ako. Pero kailangan ko pa rin pagtiisan ang pagpasok sa lecture/discussion. Kahit pagsign lang ng attendance. Di ko na iisipin yung report. Walang kwenta lang naman yun por syur.

  • Di ko rin alam kung me exam pa kami sa ArtStud1. Pero kailangan ko na rin mag-isip ng mga ideya para sa Final Group Project. Parang fieldtrip kasi to tapos kakaibang documentation. At sana magka-kagrupo naman ako ng mga super oks na tao.

  • Kamusta naman ang pagfefencing ko? Isang panalo. Tatlong talo. Olats. Pinagtitiisan ko na lang ang pagpasok dito. Oks sana kasi nga fencing. Nakakawalang-gana lang ang paraan ng pagtuturo dito. Uupo ka lang sa loob ng dalawang oras. Tapos maghihintay ka para sa isa o dalawang match mo. Isang match na mga 10 minuto siguro ang tagal. Dalawang oras para sa 10 minuto tapos talo ka? Pano ang finals? Gudlak.

    Basta kailangan ko ng matataas na grade. Panghatak ng GWA ko. At sana bukas talaga ang Film Inst. sa mga shiftees ngayon. At sana'y makapasok na talaga ako! O buhay.


    ***Maraming extra-curricular na kwentong masaya sanang ikuwento dito ngayon. Pero saka na o kaya wag na lang. Hahahah. Usaping Acad kung usaping acad.


    ----------

    ESPESYAL EDISYON

    pang teknikolor LJ to. pero dahil magagaling talaga silang mga nilalang,
    post ko na rin dito.

    [edit edit edit. tinanggal ko yung larawan. papagawa na lang ako ng red version. para panindigan ang layout. hehe]

    [edit edit edit. sige na nga. astig naman e. hahahhaa]



    kuha ito ni kandis at pinaglaruan ng kolorete ni linsoco.
    ang galing nyo tsongkis. apir!

    ----------

    mga isaw-isaw na utak ni kepi: magaalas-tres na. matulog pa kaya ako? o try kong tapusin tong paper ko ngayon para wala ng problema. tapos punta na lang ako up mamayang maaga, para makapag-jog na sa wakas. tapos diretso sa econ para mag-sign ng attendance. tapos sibat din pauwi agad. babalik na lang ako sa tanghalian. o shemay, may synthesis paper pa pala! sa shopping ko na lang gawin. pano ko pala tatawagan yung mga schools kung asa up ako bukas. hala. takte gumulo lalo...matutulog na lang ako. mukhang masaya managinip ngayon.

    [sundial]
  • 20050828

    TO ROAST

    Paligid, this one is of ang of medyo of Kahit, nangyayari of O.K.S the
    module of Talaga of mapigilang bagay of naman, exaggerated the cycle
    with __ with nakakaasar with mga. Silicone of the plow minsan of
    talaga of Nakakaasar. Minsan, this one is parents iniimpluwensiyahan
    of nila, KNOWS ganun of urlo of yung of isipin the extremity. Kung de
    Mga ' gave to niya of yung the cat of Tsaka Paano. Binukot gave to the
    paano of siya of biglang of prince of Kanila of nakikiclose of kung of
    Nakakaasar of urlo to ako of mga HOMBRE the WHITE MAN of the MAN of
    the MAN of the MAN in the external section to the station with the
    work of bagay bagay of parang. Nun naman well of siguro of
    Pagkabenutzer de Lumalabas. Mga, with ako the NG of nila of Minsan of
    __ ginagawan, radiated behind my later face. Nila gave Synopse, that
    one that I gave the Paguusapan of __ with itatry, the Ako, that they
    analyze with him. The current in the center with the module, if it is
    naman is, is, is, is, is. They later think then that to the face of,
    of which this one inside is slow, therefore this one had had, each
    observed possible external section. ASP. Nageexist of the NG of niya
    of kaya or blog the anniversary naman of talaga of magkukuwento bagay
    of mga, this mga of siya of kung the well-being of the NG, that
    magpopost, EQUAL HE kunwari of Tapos. F__ve Yung, this one analyzes
    pananaw of __ of malvagit of nagaangas of siya of Swimmingpools of the
    KBS of __., if. Sufficient of Badtrip. A greater section of the one
    than Siya of the connection of the period of Tinatawanan of the KBS
    Grrrrr.

    ***Ba't ba ngayon ko lang naisip na gamitin to. Salamat Babel. Wahahahhaa

    [wahahaha]

    20050826

    THE BASIC

    there's
    no
    too
    many
    interesting
    people.


    amazing.

    ["You have it in these two..." - a professor]

    20050824

    MIDNIGHT SHOW

    I took my baby's breath
    Beneath the chandaleir
    Of stars and atmosphere
    And watched her disappear.
    Into the midnight show.
    --Midnight Show

    [teknikolor babolgam o polkadot babolgam?]
    WOLFMANN



    Yumao na si WOLFMANN noong nakaraang weekend. Nakakalungkot. Una kong narinig ang tungkol sa kanya nang marinig ko ang kanta niyang tungkol sa mga pagkain sa NU. Natuwa ako noon kasi nakahanap na din ako sa wakas ng electronica artist na local.





    Marami nang nagsabi na magaling talaga siyang musikero. Kaso hindi ko man lang siya napanood magperform ng live kahit na may pagkakataon naman ako noong mga nakaraang Fete. Nakakalungkot.




    "my babies."-wilfrid



    Hindi pa ako mahilig sa pagbili ng records noon kaya di rin ako bumili ng album niya. Kaya pinakikinggan ko lang ang mga kanta niya sa radyo kapag naabutan ko. Pero sa susunod, susubukan kong maghanap kung meron pang Diner sa mga record bars.



    Nakakalungkot. Sayang




    endless electronica euphoria para sa'yo wolfmann



    ***
    images c/o WOLFMANN ONLINE.

    [fish n chips]

    20050823

    ALMOST

    Isang taong mukhang malaki ang pagkakatulad sa akin.
    Sa tingin ko lang naman.
    Ang galing.
    May natutunan na naman ako.
    Hiwaga nga naman.

    [-]
    LJ NGA NAMAN, MAHIWAGA

    The last time I saw her was last summer.
    But just a couple of minutes ago, I stumbled upon her neat little journal.
    Which reminds me...

    ----------

    She's busy that's why she's not online.

    ----------

    ...

    [pronouns]

    20050822

    PINK

    Mabuti na lang makulay ang mga tao sa Diliman ngayon.
    Isang maligayang Lunes.

    Gusto ko na uli gawin yung mga ginagawa ko nung 1st sem last year...kung saan palutang-lutang lang ako.

    [chamba]
    PATAMBLING-TAMBLING

    PHOTOBLOGGING SPECIAL EDITION

    [dahil wala na kong balak ayusin ang pictures area ng blogsite na ito, photoblogging once in a while na lang. eto, mga medyo lumang litrato. yung ilan, perstaym kong ilalabas. dapat mga larawan to ng mga taong bigla kong naalala dahil sa ilang lumipas na insidente, kaso wala namang litrato yung iba, kara random na lang. wala din akong gumaganang scanner dito kaya di walang nakapost na litrato galing elem. pasensyahan na lang kung babagal ang pag-load ng page. pasasalamat kay Luis para sa ilang larawan . sipat na!]


    hindi ba halata kung ano ang gusto nitong iparating?


    masipag talaga ako hayskul pa lang.


    alam mo yung heaven's mouth sa y tu mama tambien? parang ganito yun e.
    parang sila din yun e. hahaha


    masaya tong mga tao sa harap ng salamin. nung kumpleto pa...


    post-orgy. nyahaha


    hayskul pa lang, kitang kita na. pang-Samaskom.


    tagay lang ng tagay noon. ngayon asan na kayo?


    pakintaban ng mukha o!


    mas emo pa sila noon.


    sarap.pramis.


    kasing gwapo ni kuya. wahaha.


    orienteering class sa zambales.


    set timer. 10 secs. click.


    ----------

    english time.

  • One thing that i can never be proud of when it comes to my family, is my father.

  • After more than a month, i finally had the time to clean my room. I made another assemblage and called it cardio. The metalworks are still in progress. I also painted my curtain with a design that was supposed to be the theme of my new blog layout. Minimalist-black-and-white+technicolor-toys-and-photos is still the concept of my room ,and it's going to be like that for the rest of the year. Wahaha. Yeah, I'm treating my room like a gallery or some sort of studio.

  • I have colds and a fuckin runny nose. Ehem. Dust. Ehem. Allergies.

  • I would like to watch the whole season of Pinoy Big Brother. I want to see ABS-CBN's approach in this reality show adaptation. Plus, it's quite interesting to study every element of the program sociologically [and psychologically]. But I bet, I won't catch any episodes because I always go home late.

  • I can't make whites appear in my pictures. So far, no improvement in printing.

  • Truth is, I sometimes laugh [deep inside] when I remember anything about this person.

  • Birthday : Sept. 8 . Three weeks to go. Expect no celebration from me. Nada. On second thought, why not celebrate? That means I'm going to see Death/Freedom on the horizon now. Nyaha.

  • I'm having too many pimples on my right jaw. Weird. I better go to sleep earlier.

  • My neighbor is playing dugsh dugsh in full volume on their family car parked in front of our driveway. Looking for riot?

  • About 5 weeks more till I greet Jacq Vincent his first "Uy Astig". Not excited.

  • Slow-paced career. Oh c'mon.

  • Today is Benigno "Ninoy" Aquino Day [not sure if that's what they call it]. Class or no class, I still have to go to UP.

  • I badly need money. I need/want to buy something. Plus I need to pay 1,350 Php to three people. And I can't even save anything more than 20 bucks. And I don't want to ask money from my parents anymore.

  • I dreamt about a whole episode of Showbiz News. I dreamt about a weird train. I dreamt about stalking this person. I dreamt about almost getting lost in that person's house. I dreamt of...

    english: off

    ----------

    nakalimutan ko kung ano yung popost kong lyrics sana.

    [darating din daw ang moment ko sabi ni kandis]
  • 20050818

    LABINGAPAT NA TAO AT ISANG BAGAY

  • Ang hirap talaga ng communication natin. Tantiyahan. Busy ka rin kasi sa mga hmmm ilang bagay tulad ni * , at ng mga alaga mong * sa net. HAHAHAHA. Pero pag bakasyon siguro, oks na.

  • Annoying. Oo. Kaya pwede...

  • Ang galing mo talaga sa timing. Kung kelan me isyu ako, saka kita nakakasama uli. Lunch uli next time. Hahaha. Yung hinihiling kong ilang bagay pakita mo sa kin pag nagkita tayo sa paligid. Karirin ko kaya? Palagay mo kaya ba? Jok lang. Hahaha.

  • Salamat sa dasal at di nabakas ang masasamang elemento sa aking katawan. Wahahha. At si Scott Baio ay di ko kamukha! Haha.

  • Di na kita nakakasalubong a. Hahaha.

  • Ok naman takbo ng lahat pwera sa'yo. Panira kumbaga.

  • Ayusin mo na kaya lahat, para matuloy na tayo. Ako tuloy tinatanong tungkol sa mga plano. Magpapainom ka ba? Hahaha.

  • Napakakulit mo. Hahaha. Dadalhin ko sa susunod nating pagkikita si Lagim, Budhi at Delubyo. Ayan, sinama na kita dito dahil sa iyo ko naman nakuha tong ganitong klaseng blog entry. Hahaha.

  • Di ko alam kung ano ako sa'yo. Mag-ingat ka na lang. Uy espesyal! Hahaha.

  • Nahihiya lang ako. Pero sa susunod, mas makikilala na kita. :)

  • Anlabo mo. Nanggagambala ka last week pa. Haha jok lang! Pag ako nagkaload. Di pa rin kita itetext. Benta yung isa mong text. Halatang wala kang magawa. Nga pala, jog tayo! Basta hindi ka aatras, tulad dati!!!!

  • Nakakamiss ka rin pala. Ilalabas kita next time.

  • Uy balita ko galing ni buff a. Haha. Congrats. Tama ka nga pala dun sa sinabi mo tungkol sa kin dun sa blog mo. Galing nga e. Hehe. Waw, tats.

  • Lagot ka sa kin pag nagkaengkwentro tayo. Wahahha. Excited na ko. Yey!

  • Tampururot! Kamusta ka na? Di ka na talaga nagpaparamdam a! Ililibre mo pa ko! Hahah.

    ***Malamang yung lima diyan hindi naman bumibisita nitong blog ko. Highway.

    ----------

    piktyur.


    kaarawan ni anika nung biyernes. kaso wala akong litrato niya. eto na lang


    ako at si emo girlpren tabel. nahanap mo na ba pinapahanap ko? hehe

    ----------

    Ang patulan nyo to ay umabot na rin pala sa blog. Hahaha.
    Eto top three ng mga natanggap ko mula sa LJ + blog.

    TABEL

    1. emo ka e haha
    2. a box full of sharp objects hahha.
    3. eto mga 3am. alam ko gising ka pa e.
    4. emmoooo hahaha
    5. ung mga usapan natin tungkol sa lovelife dati haha...
    6. ewan ko! wala.. hahah. wala talaga ako maisip eh haha.
    7. bat wala ka pang gf???? hahahhahahha. except sakin.. your emo gf.. oi gago d pa tayo break ah hahahahhaha.

    DONG

    1. The unlikely confidant! Lahat puwede mo sabihin rito, even though di kayo close.
    2.
    3. Midnight. Pag online pa kaming dalawa, dun ko yan nakakausap ng dramahan.
    4. Direktor na yan hahaha!
    5. IRC moments
    6. Black. Yung astig na color ng website mo.
    7. Ilang films kaya magagawa mo sa loob ng limang taon? Hahaha

    LANI

    1. gusto ko yung tawa mo. hahaha.. tsaka yung kahit may mahabang interval, ok pa rin tayo pag nagkita.
    2. Swear it again-> sabi mo ito lang ang matino sa westlife e. hahaha. tsaka fool again-> kasama to sa spoof song natin nung una tayo maging groupmates nung grade7. naaalala ko pa yun! come together din by the beatles. fav mo diba?
    3. 11 pm. nocturnal!
    4. galing! galing sa lahat. very creative...
    5. roses! yep. i'll always remember that. tsaka bonding sessions natin. pati yung exchange natin ng shirt :)
    6. black and red. bagay sayo tong mga kulay e
    7. kelan mo kaya ulet gagawin yung grade 7 hair mo?

    APIR sa inyong tatlo.
    HAHAHAHA.NAKAKATUWA.
    ITO KASI YUN...

    The Boredom Test
    1. Reply with your name and I will write something I like about you
    2. I will then tell what song reminds me of you
    3. If I were to apply an o'clock to you, I'll tell you what it would be
    4. I will try to name a single word that best describes you
    5. I'll tell you the most memorable moment I've had with you
    6. I will tell you what color you remind me of
    7. I'll then tell you something that I've always wondered about you
    8. Put this in your journal.

    ----------

    ito nga pala yung mga prints na sinubmit ko sa first critique ko sa film110.
    ampangit ng pagkakascan at nacrop na din yung borders.
    kung me komento pala paki comment sa entry na to.









    Mukhang makikita namang nagiimprove ako pag nag 2nd critique na . Hehehe.
    Kelangan ko lang ayusin ang tones. Printing na naman mamayang umaga.

    ----------

    LIMANG PISONG KAMATAYAN

    Berting.
    Anne.
    Mr. Gonzales.
    Aling Ikay.
    Tess. Junior.
    Mark Andrew.
    Rev. Dionisio.
    Lito/Lita.
    Andrea.
    Mrs. Yu.
    Dr. Velasquez
    Boyong.
    Ka Brando.
    Oscar.
    Manang Ising.
    Laya.
    Christian.
    Hesus.
    Ning.
    [walang pangalan]
    Mr. Alvarez.
    Jolina Magdangal.
    Portia.
    Atty. Carlos.
    Ador.
    Johanna.
    Trining.
    Madam Vestra.
    Luisa.
    SPO3 Evangelista.
    Mang Kanor.
    Baste.
    Prof. Villacorta.
    George.
    Glenda.
    Mr. Julius Gemora III
    Angel.
    Jun-Jun.
    Ako.

    ***ang naturang akda ay inspired ng isang maikling kuwento na isinulat ni Mangie Chua[chua nga ba apelyido mo? hehe]. Isa yun sa mga pinakagusto kong akda noong MPs10.

    ----------

    mula sa baul.


    nakuha ko to sa photo album ni lani, mga march 2004 ang hula ko kung kelan to nakunan. di ko maalala.


    roy ako ara win ... sa koridor to. nakakamiss ang lamig ng sahig ng mga koridor sa old building.

    ----------

    seryoso na naman ang mga araw ngayon. di tulad noong lumipas na tatlong linggo na nakakatawa ang mga bagay-bagay.
    sana pagpatak ng setyembre, may mangyari.

    Passive - A Perfect Circle

    'Dead as dead can be,' my doctor tells me
    But I just can't believe him, ever the optimistic one
    I'm sure of your ability to become my perfect enemy
    Wake up and face me, don't play dead cause maybe
    Someday I will walk away and say, 'You disappoint me!'
    Maybe you're better off this way

    Leaning over you here, cold and catatonic
    I catch a brief reflection of what you could and might have been
    It's your right and your ability
    To become 'my perfect enemy'

    Wake up and face me, don't play dead cause maybe
    Someday I'll walk away and say, 'You disappoint me!'
    Maybe you're better off this way

    Maybe you're better off this way
    Maybe you're better off this way
    Maybe you're better off this way
    You're better of this, you're better off this?
    Maybe you're better off!

    Wake up and face me, don't play dead cause maybe
    Someday I'll walk away and say, 'You fucking disappoint me!'
    Maybe you're better off this way

    Go ahead and play dead
    I know that you can hear this
    Go ahead and play dead
    Why can't you turn and face me?
    Why can't you turn and face me?
    Why can't you turn and face me?
    Why can't you turn and face me?
    You fucking disappoint me!

    Passive aggressive bullshit


    [kill]
  • 20050811

    AGAIN?

    parang HIATUS mode na naman papunta to.
    kasi...

    sapilitang special mention :
    Yam, salamat sa mga yun. ayus.
    Mabulok ka na sa LJ. Wag mong hawaan ang blakenwayt world. Dun tayo
    sa kolorpul, ibang usapan yun e. Haha.

    [you have new messages]

    20050806

    HYPER

    Naging laman ata ako ng Sarah's sa nakalipas na 3 araw. Naging instrumento kasi ang alkohol sa mga ilang pagkakataon na pagkikipag-usap ko sa ilang mga kaibigan at bagong kaibigan.

    Pero isang badtrip nga palang pangyayari ang idinulot sa kin ng pag-inom na iyan.
    Nung huwebes ng gabi, umalis ako ng UP pagkatapos kong makipag-usap kina Mec. Sa kinasamaang palad. Nakatulog ako sa mga jeep na sinakyan ko. Papuntang Philcoa, nakaidlip ako kaya lumampas ako sa Petron side at dun na lang bumaba sa may Mcdo sa kabila. Mas masahol naman dun ang layo ng pagkakalampas ko ng sumakay ako papuntang Pantranco. Nang magising ako, nakita ko na lang na mga isang kanto na ako lampas ng Welcome Rotonda. Rotonda?!?! Waw. Anlayo Nun. Buti nakauwi pa ako sa kaunting barya.

    ***

    Pumunta akong album launch ng Kiko Machine noong friday night. Congrats pala sa kanila. Masaya. Ayus. Astig. Sana makabili ako ng album at t-shirt kaagad. Napanalunan ko rin pala ang isang casette tape ng Our Lady Peace. Ayus. Hehe.

    Pagkagaling doon, dumiretso kami kina Wina. Kasama si Aryan, tinapos namin ang isang maliit na bote ng Emperador. Hindi naman ako tinamaan talaga hanggang sa mga natitirang shot. Nasapul lang ako ng tinapos ko ang huling mataas na tagay na sinabayan pa ng yosi. Ayan kasi, kung anu-anong pinaguusapan.

    ***

    Org Day-Out ngayon ng sinasalihan kong org na UP Cinema. Pumunta kami kina Ayn, kasama ang mga members at apps. Tumulong kami sa pelikula ni Direk Bebs. Naging utility, PD crew , lighting assistant, at continuity assistant ako. Waw parang Lasponggols. Masaya ang shooting. Marami akong natututunan, nakikilala pang mga tao, at kung anu-ano pang obserbasyon sa paligid. Wow. Interesting. Sana matapos agad nila ang shooting para masaya.

    ***

    Ipinaalala ko kay Lani yung mga tatlong hinuhubog na tao namin dati. Malapit na ata yun. Hahahaha.

    ***



    ito pala sinend sa kin ng isa kong fan nung gig ko.
    wahahahhahahahhahahah.

    [iniwan tuloy]

    20050802

    WHEN YOU GET TO KNOW ALL THESE PEOPLE,
    YOU ALWAYS GO BACK TO YOURself





    it is ironic how emo-ness and egoism live inside me




    ----------

    ***emo originally referred to emotive hardcore and not the teenage angsty so-called-emo lifestyle of most so-called-emokids nowadays.

    ***egoism is not egotism. egotism is more conceited.


    girlfriend: C'mon, lets have sex.
    boyfriend: I'm too sad to have sex.
    girlfriend: I'm sad too; lets have sex and cry.
    boyfriend: I'm already crying.


    [exist]
    NANG BIGLANG...

    Eksayted na ako sa pag-uwi kanina. Kakatapos lang kasi ng malakas na buhos ng ulan. Umaambon-ambon pa. Malamig. At kapag malamig, ginaganahan o kaya ay sinisipag akong gawin ang maraming bagay.

    Kaya bago pa lumalim ang gabi, nag-abang na ako ng masasakyan sa may labas ng shopping center. Dumaan ang maraming maluluwag na Ikot. Pakialam ko sa Ikot. Kailangan ko ng dadaan ng Philcoa na dyip, pero walang dyip na may bakante ang dumaan. Limang minuto. Sampung minuto. 15 minutes. Hanggang sa nilakad ko na lang ang papunta sa may kabilang dako para makasakay. Bago pa man ako malunod sa mga kokak ng libu-libong palaka sa Palma, hindi nagtagal ay nakasakay na ko sa dyip.
    Eksayted na ako sa pag-uwi.

    Malamig ang walong pisong barya sa kamay ko nang iniabot ko ito sa drayber. Malakas naman ang hampas ng hangin sa mukha ko habang humaharurot kami mula sa Circle papasok sa Q. Ave. Malakas na hampas. Malakas. Humihina. Humihina. Umiihip. Humihina. Huminto. Hanggang nawala ang lamig ng hangin. Napalitin ng usok at init ng katawan. Init ng pawis. Init ng ulo. Ng mga drayber, pasahero, at kung sinu-sino pang sibilyan.

    Isang giriiang trapik sa intereseksyon ng EDSA at Q. Ave. ang dinatnan ng kinasasakyan kong dyip. Isang minuto. Limang minuto. 20 minutes. Siksikan at girian ng dyip, kotse, bus, van, owner, blah blah blah ang pinanood ko sa madilim na kalye. Brownout ata. Atras, abante, preno, busina, sigawan. Trapik nga naman sa Pilipinas. Naka-upo lang ako sa loob ng dyip, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng bawat sasakyan. At sa mga nagmamaneho nito. At sa mga sakay nito.

    Nang biglang sumalpok ang isang dilaw na taksi sa isang owner. E di mas lalong nagkagulo. Sumalpok naman ang isang nagmomotor sa isang trak ng basura. Naihagis pa nga ata siya sa haligi ng MRT. Sumalpok din ang kinakatakutan kong Fuel tank sa isang kotse. Hindi ko akalain. Pero nagkaroon ng biglaang pagsabog sa mismong segundong iyon. Nag-panic ang mga tao. Nalito lalo ang mga drayber. Lalong naggitgitan sa naising makatakas sa malaking aksidente. Yung katabi ko, napasigaw pa ng kung anu-anong mura at panalangin. Tumingin ako sa pinagsabugan at nanlaki talaga ang mga mata ko.

    Madaling sinakop ng apoy ang mga malapit rito. Hanggang nasunog na ang mga naaabot nito. Lumaki ang apoy dahil sa singaw sa mga sasakyan. Gumapang na ang apoy sa EDSA. Sinabugan din ang padating na MRT, na nagkaroon ng mas malakas na pagsabog na nagpalaki pa lalo ng apoy. Gumapang pa ito sa flyover. Sa GMA-Kamuning. Sa Santolan. Sa Ortigas. Sa susunod pa. Walang tigil talaga kung lumaki ang apoy. Kumakapal na rin ang usok. Pumupula ang langit. Mukhang walang balak bumagsak ang ulan. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ito maabutan ng basta kung saan mang malapit na bumbero. Sadyang napakalakas ng pagsabog. Marami na ang natutupok.

    Nagkagulo ang mga tao. Marami tuloy nasaktan. Magulong-magulo na kanina. Pero hindi pa rin ako nakakababa sa kinasasakyan kong dyip. Pinilit pa ring makaiwas ng drayber ng sinasakyan kong dyip. Dalawa na lang kaming naiwan sa dyip. Nakadungaw kami sa bintana habang pinapanood ang malaking apoy.

    Hindi ko alam kung ilang oras bago napuksa ang malaking apoy na gumapang sa kahabaan ng EDSA.

    Nakakatakot talaga. Wala pa naman akong balak masunog sa apoy at mamatay.
    Buti na lang, nakaiwas ako sa kamatayan.

    Ang init talaga ng apoy. Nakakatakot pala ang mga ganong mga trahedya. Akala ko sa mga TV shows at balita ko lang iyon makikita. Kahit na pinangarap ko ring makakita talaga ng ganoon.

    Wala akong sugat, galos, paso, pasa o kung anuman. Sa kabutihang palad, isa ako sa mga nakaligtas sa teribleng aksidente. Ipanalangin na lang po natin sila.

    Sana lang makakuha ako ng piktyur kapag nagliyab talaga ang kahabaan ng EDSA.

    -----------

    wala lang nagkukuwento lang ng araw ko.

    [tumingin ka]

    20050801

    WOW

    nagsimula ata nung thursday. ewan ko lang.
    nang biglang magkawirdo-wirdo
    ang mga pangyayari sa araw-araw at gabi-gabi.
    hahahaha. pero masaya. ayus. astig.
    tuloy-tuloy na to sa rakenrol!

    [wuhoo!]
    PARISH OF THE MOST HOLY REDEEMER

    Noong bata ako at masunurin pa sa pananampalatayang Katoliko, mahilig akong magmasid sa mga tao sa simbahan. Sa lingguhang pagbisita ko noon sa simbahan, unti-unti kong kinikilatis ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga hitsura at mga kilos sa loob ng simbahan. Pero malay ko ba kung sino talaga sila.

    Ngayon, naka-apat na renobasyon na ata ang simabahang malapit sa amin [pero pinakagusto ko yung pangatlo, yung puro wood lang yung theme sa interior ng simbahan]. Kasabay ng pagbabago ng itsura sa loob at labas ng simbahan, ay mga pagbabago din sa mga anyo ng mga tao sa loob at labas nito. Pumapasok pa rin ako sa simbahan. Minsan sapilitan lang dahil sa mga magulang. Ayoko naman talaga. Sermon lang naman ng pari ang pinakikinggan ko. Minsan wala. Tutunganga.

    Nagbago man ang dalas ng pagbisita ko sa simbahan at ang aking mga paniniwala sa relihiyon, minsan sa pagdalaw ko ay nakikita ko pa rin ang ilang pamilyar na mga mukha.

    Isang payat na babae at matanda ang mukha. Napakakonserbatibo niya manamit noon.
    Early 90's na mga palda at pantaas ang mga damit na isinusuot niya. Minsan, mukhang hindi sinuklay ang buhok niya, pero minsan nasa ilalim ito ng kanyang belo kapag nasa misang Latin kami. Akala ko nga baliw siya. Kanina lang ay nakita ko siyang nakapantalon at maluwag na t-shirt. Payat pa rin siya at ganoon pa rin ang buhok. Hindi ko napansin kung may dala pa rin siyang mga booklet.

    Isang batang lalaki. Punong sakristan ata siya sa mga misang pambata noon. Maputi kaya masasabing maamo talaga ang mukha ng taong iyon lalo na sa puting kasuotan nilang mga sakristan. Pagkatapos ng misa, minsan nakikita ko iyon kasama ang ilang bata sa harap ng isang tindahan, naninigarilyo. Nakita ko siya mga ilang buwan nang nakakaraan na naninilaw ang buhok at medyo hip-hop kung manamit. Mag-isa naman ata siyang nagsisimba noong nakaraang linggo.

    Isang kulot na babae. Medyo maitim at maliit. Kilala siyang may kaunting kapansanan sa pag-iisip noong bata pa ako. Minsan napakaingay niya kapag naglalakad sa kalye. Madalas magwala kaya napapagtripan ng ilan. Pero tahimik naman siya kapag nakikita ko siya sa simbahan. Minsan palipat-lipat ng upuan pero hindi naman nakakasagabal sa misa. Tahimik pa rin siya sa simbahan kahit ngayon. Hindi na rin ata siya maingay kapag nasa kalye. Hindi na ata ganoon kalala ang kapansanan niya sa pag-iisip. Pero naroon pa rin ang kakaibang ngiti sa mukha niya.

    Isang babae. Ka-edad ko siguro. Kumakanta sa misang pambata dati. Dati, umupo siya kasama ang ilang kaibigan sa likod ng kinauupuan namin. Naiingayan ako sa kanila noon. Madalas ko silang nakakasalubong noon palabas ng simbahan. Minsan nakasalubong ko na naman malapit sa tapat ng bahay namin. Tapos tinawag nila ang pangalan ko. Wala naman akong kakilala sa kanila. Kaya di ko na pinansin. Nakikisali pa rin ata siya sa teen's choir sa simbahan na hindi naman magaling kumanta. Hindi na niya siguro ako makilala dahil sa mabilis na pagbabago ng itsura ko.

    Isang lalaking nasa kanyang 40's. Payat. Minsan may bigote, minsan wala. Akala ko dati may kapansanan din siya sa pag-iisip. Madalas siyang nakaupo sa likod ng simbahan. Naka-t-shirt at naka-shorts. Samahan mo pa ng tsinelas. Minsan tumutulong siya sa pag-aayos sa simbahan lalo na kapag may mga espesyal na pagdiriwang o kya prusisyon. Hindi ko maalala kung kailan ko siya huling nakita sa simbahan. Hindi ko rin alam kung nagsisilbi pa siya dito minsan. Basta alam ko, wala pala siyang kapansanan sa pag-iisip.

    Hindi ko na nakikita yung mga taong madalas kong makita dati. Baka ibang oras na sila nagsisimba dahil kahit ang pamilya ko ay nagbago na rin ng oras ng pagsisimba. Mula sa misang 9:00, tapos 10:30, tapos 4:00 , at meron ding 6:00, at ngayon 7:30.
    Baka lumipat na din sila ng mga bahay kaya sa iba na rin sila nagsisimba. Hindi tulad ng pamilya ko na kahit lumipat na ng bahay ay doon pa rin nagsisimba.

    O baka naman hindi na rin sila Katoliko? O di na rin Kristiyano. Tulad ko?

    Ewan ko.

    O baka naman makikita ko pa ang mga taong iyon sa susunod na makiking ako ng sermon ng kura?

    Ewan ko rin.

    ----------

    ***nais ko lang ibahagi kung paano ko narealize kanina na marami na palang nagbago sa simbahan namin at sa mga tao sa loob at labas nito.

    [luluhod pa ba?]