PARISH OF THE MOST HOLY REDEEMER
Noong bata ako at masunurin pa sa pananampalatayang Katoliko, mahilig akong magmasid sa mga tao sa simbahan. Sa lingguhang pagbisita ko noon sa simbahan, unti-unti kong kinikilatis ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga hitsura at mga kilos sa loob ng simbahan. Pero malay ko ba kung sino talaga sila.
Ngayon, naka-apat na renobasyon na ata ang simabahang malapit sa amin [pero pinakagusto ko yung pangatlo, yung puro wood lang yung theme sa interior ng simbahan]. Kasabay ng pagbabago ng itsura sa loob at labas ng simbahan, ay mga pagbabago din sa mga anyo ng mga tao sa loob at labas nito. Pumapasok pa rin ako sa simbahan. Minsan sapilitan lang dahil sa mga magulang. Ayoko naman talaga. Sermon lang naman ng pari ang pinakikinggan ko. Minsan wala. Tutunganga.
Nagbago man ang dalas ng pagbisita ko sa simbahan at ang aking mga paniniwala sa relihiyon, minsan sa pagdalaw ko ay nakikita ko pa rin ang ilang pamilyar na mga mukha.
Isang payat na babae at matanda ang mukha. Napakakonserbatibo niya manamit noon.
Early 90's na mga palda at pantaas ang mga damit na isinusuot niya. Minsan, mukhang hindi sinuklay ang buhok niya, pero minsan nasa ilalim ito ng kanyang belo kapag nasa misang Latin kami. Akala ko nga baliw siya. Kanina lang ay nakita ko siyang nakapantalon at maluwag na t-shirt. Payat pa rin siya at ganoon pa rin ang buhok. Hindi ko napansin kung may dala pa rin siyang mga booklet.
Isang batang lalaki. Punong sakristan ata siya sa mga misang pambata noon. Maputi kaya masasabing maamo talaga ang mukha ng taong iyon lalo na sa puting kasuotan nilang mga sakristan. Pagkatapos ng misa, minsan nakikita ko iyon kasama ang ilang bata sa harap ng isang tindahan, naninigarilyo. Nakita ko siya mga ilang buwan nang nakakaraan na naninilaw ang buhok at medyo hip-hop kung manamit. Mag-isa naman ata siyang nagsisimba noong nakaraang linggo.
Isang kulot na babae. Medyo maitim at maliit. Kilala siyang may kaunting kapansanan sa pag-iisip noong bata pa ako. Minsan napakaingay niya kapag naglalakad sa kalye. Madalas magwala kaya napapagtripan ng ilan. Pero tahimik naman siya kapag nakikita ko siya sa simbahan. Minsan palipat-lipat ng upuan pero hindi naman nakakasagabal sa misa. Tahimik pa rin siya sa simbahan kahit ngayon. Hindi na rin ata siya maingay kapag nasa kalye. Hindi na ata ganoon kalala ang kapansanan niya sa pag-iisip. Pero naroon pa rin ang kakaibang ngiti sa mukha niya.
Isang babae. Ka-edad ko siguro. Kumakanta sa misang pambata dati. Dati, umupo siya kasama ang ilang kaibigan sa likod ng kinauupuan namin. Naiingayan ako sa kanila noon. Madalas ko silang nakakasalubong noon palabas ng simbahan. Minsan nakasalubong ko na naman malapit sa tapat ng bahay namin. Tapos tinawag nila ang pangalan ko. Wala naman akong kakilala sa kanila. Kaya di ko na pinansin. Nakikisali pa rin ata siya sa teen's choir sa simbahan na hindi naman magaling kumanta. Hindi na niya siguro ako makilala dahil sa mabilis na pagbabago ng itsura ko.
Isang lalaking nasa kanyang 40's. Payat. Minsan may bigote, minsan wala. Akala ko dati may kapansanan din siya sa pag-iisip. Madalas siyang nakaupo sa likod ng simbahan. Naka-t-shirt at naka-shorts. Samahan mo pa ng tsinelas. Minsan tumutulong siya sa pag-aayos sa simbahan lalo na kapag may mga espesyal na pagdiriwang o kya prusisyon. Hindi ko maalala kung kailan ko siya huling nakita sa simbahan. Hindi ko rin alam kung nagsisilbi pa siya dito minsan. Basta alam ko, wala pala siyang kapansanan sa pag-iisip.
Hindi ko na nakikita yung mga taong madalas kong makita dati. Baka ibang oras na sila nagsisimba dahil kahit ang pamilya ko ay nagbago na rin ng oras ng pagsisimba. Mula sa misang 9:00, tapos 10:30, tapos 4:00 , at meron ding 6:00, at ngayon 7:30.
Baka lumipat na din sila ng mga bahay kaya sa iba na rin sila nagsisimba. Hindi tulad ng pamilya ko na kahit lumipat na ng bahay ay doon pa rin nagsisimba.
O baka naman hindi na rin sila Katoliko? O di na rin Kristiyano. Tulad ko?
Ewan ko.
O baka naman makikita ko pa ang mga taong iyon sa susunod na makiking ako ng sermon ng kura?
Ewan ko rin.
----------
***nais ko lang ibahagi kung paano ko narealize kanina na marami na palang nagbago sa simbahan namin at sa mga tao sa loob at labas nito.
[luluhod pa ba?]

0 Comments:
Post a Comment
<< Home