20050726

MAILAP NA MAGANDANG PAGBABAGO

SONA na naman ni Gloria kanina. Gusto ko sanang pumunta sa may Komonwelt kanina, makisama sa mga taong nagpoprotesta, at makinig sa mga opinyon at nalalaman nila.
Pero dahil sa kung anumang lakad, di ako nakapunta. Gayunpaman, sinubukan kong makinig sa mga balita [kahit na biased naman ang mga ito kung tutuusin] kinagabihan.
Hindi ko napakinggan ang buong SONA ni Gloria ngunit napag-alaman kong nilalaman nito ang panawagan niya sa isang Charter Change. Ang Charter Change ang maglilipat sa pamahalaan mula presidential patungo sa parliamentary federal. Di ko pa ito naiintindihan. Iyan siguro ang mga dapat kong alamin sa mga susunod na araw. Isama mo pa ang sinasabi nilang constituent assembly.

Sa ngayon, sumasangayon ako sa sinasabi ng ilan na kulang ang mga pinagbabanggit ni Gloria sa SONA niya ngayon. Sa kabila ng maraming mabibigat [at paulit-ulit] na isyu tungkol sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at sa mga isyung pulitikal na gumugulo sa pamahalaan at mamamayan, mas ninais ni Gloria na iharap sa mga mambabatas ngayon ang kanyang panawagan sa isang Charter Change. Sa tingin ko, sadyang mali iyon.
Dapat ay nagsalita siya tungkol sa mga isyung kinakaharap niya at ng pamahaalan sa ngayon. Dahil iyon na man talaga ang malaking salik sa kung ano ang tunay na State of the Nation. At ano ang gusto niyang mangyari sa ngayon? Palampasin ng mga mambabatas at ng mamamayan ang mga isyu laban sa kanya at sa halip ay magpokus sa sinasabing Charter Change? Bakit hindi isa-isahin ang mga problema.

Ang paninindigan ko sa ngayon, dahil mukhang hindi basta bababa si Gloria, idaan siya sa isang impeachment case [awa na lang ng kalikasan na maging malinis ang prosesong ito] dahil sa isyu ng pandaraya. Ang magiging problema naman sa susunod ay kung makalusot siya sa kaso o kaya ay kung makakaya ba ng papalit sa kanya. At kung magkagayon, sana'y mapalapit na sa isang malinis na sistema ng pamahalaan ang pamumuno sa ating bansa. Kung paano? Pagtutulungan nawa nating mga Pilipino iyan.

Malaya sana.

P.S.
Sana magkaroon na ng isang pinuno
na magiging priority ang
Edukasyon sa bansa.

[di ko alam kung malinaw ba ang pagkakasulat ko sa ilang saloobin ko]

----------




Isa ito sa mga panalo pic mula sa nakaraang summer.
Mukha akong ulolonghair.

----------

May ilang tao talaga na kahit di mo naman talaga kakilala ay nakaka-inspire pa rin sa'yo sa maraming mga bagay.
Salamat sa mga tulad nila.
Haypayb!

----------

Madalas kong suyudin ang highway dati.
Ngayon, minsan-minsanan na lang.
Minsan, sa diwa na lang.

["Kuya, request pa-picture naman kami dito." - batang manininda sa Q.Ave]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home