NANG BIGLANG...
Eksayted na ako sa pag-uwi kanina. Kakatapos lang kasi ng malakas na buhos ng ulan. Umaambon-ambon pa. Malamig. At kapag malamig, ginaganahan o kaya ay sinisipag akong gawin ang maraming bagay.
Kaya bago pa lumalim ang gabi, nag-abang na ako ng masasakyan sa may labas ng shopping center. Dumaan ang maraming maluluwag na Ikot. Pakialam ko sa Ikot. Kailangan ko ng dadaan ng Philcoa na dyip, pero walang dyip na may bakante ang dumaan. Limang minuto. Sampung minuto. 15 minutes. Hanggang sa nilakad ko na lang ang papunta sa may kabilang dako para makasakay. Bago pa man ako malunod sa mga kokak ng libu-libong palaka sa Palma, hindi nagtagal ay nakasakay na ko sa dyip.
Eksayted na ako sa pag-uwi.
Malamig ang walong pisong barya sa kamay ko nang iniabot ko ito sa drayber. Malakas naman ang hampas ng hangin sa mukha ko habang humaharurot kami mula sa Circle papasok sa Q. Ave. Malakas na hampas. Malakas. Humihina. Humihina. Umiihip. Humihina. Huminto. Hanggang nawala ang lamig ng hangin. Napalitin ng usok at init ng katawan. Init ng pawis. Init ng ulo. Ng mga drayber, pasahero, at kung sinu-sino pang sibilyan.
Isang giriiang trapik sa intereseksyon ng EDSA at Q. Ave. ang dinatnan ng kinasasakyan kong dyip. Isang minuto. Limang minuto. 20 minutes. Siksikan at girian ng dyip, kotse, bus, van, owner, blah blah blah ang pinanood ko sa madilim na kalye. Brownout ata. Atras, abante, preno, busina, sigawan. Trapik nga naman sa Pilipinas. Naka-upo lang ako sa loob ng dyip, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng bawat sasakyan. At sa mga nagmamaneho nito. At sa mga sakay nito.
Nang biglang sumalpok ang isang dilaw na taksi sa isang owner. E di mas lalong nagkagulo. Sumalpok naman ang isang nagmomotor sa isang trak ng basura. Naihagis pa nga ata siya sa haligi ng MRT. Sumalpok din ang kinakatakutan kong Fuel tank sa isang kotse. Hindi ko akalain. Pero nagkaroon ng biglaang pagsabog sa mismong segundong iyon. Nag-panic ang mga tao. Nalito lalo ang mga drayber. Lalong naggitgitan sa naising makatakas sa malaking aksidente. Yung katabi ko, napasigaw pa ng kung anu-anong mura at panalangin. Tumingin ako sa pinagsabugan at nanlaki talaga ang mga mata ko.
Madaling sinakop ng apoy ang mga malapit rito. Hanggang nasunog na ang mga naaabot nito. Lumaki ang apoy dahil sa singaw sa mga sasakyan. Gumapang na ang apoy sa EDSA. Sinabugan din ang padating na MRT, na nagkaroon ng mas malakas na pagsabog na nagpalaki pa lalo ng apoy. Gumapang pa ito sa flyover. Sa GMA-Kamuning. Sa Santolan. Sa Ortigas. Sa susunod pa. Walang tigil talaga kung lumaki ang apoy. Kumakapal na rin ang usok. Pumupula ang langit. Mukhang walang balak bumagsak ang ulan. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ito maabutan ng basta kung saan mang malapit na bumbero. Sadyang napakalakas ng pagsabog. Marami na ang natutupok.
Nagkagulo ang mga tao. Marami tuloy nasaktan. Magulong-magulo na kanina. Pero hindi pa rin ako nakakababa sa kinasasakyan kong dyip. Pinilit pa ring makaiwas ng drayber ng sinasakyan kong dyip. Dalawa na lang kaming naiwan sa dyip. Nakadungaw kami sa bintana habang pinapanood ang malaking apoy.
Hindi ko alam kung ilang oras bago napuksa ang malaking apoy na gumapang sa kahabaan ng EDSA.
Nakakatakot talaga. Wala pa naman akong balak masunog sa apoy at mamatay.
Buti na lang, nakaiwas ako sa kamatayan.
Ang init talaga ng apoy. Nakakatakot pala ang mga ganong mga trahedya. Akala ko sa mga TV shows at balita ko lang iyon makikita. Kahit na pinangarap ko ring makakita talaga ng ganoon.
Wala akong sugat, galos, paso, pasa o kung anuman. Sa kabutihang palad, isa ako sa mga nakaligtas sa teribleng aksidente. Ipanalangin na lang po natin sila.
Sana lang makakuha ako ng piktyur kapag nagliyab talaga ang kahabaan ng EDSA.
-----------
wala lang nagkukuwento lang ng araw ko.
[tumingin ka]

0 Comments:
Post a Comment
<< Home