20041231

DALAWANLIBO'TLIMA

Isang kaiga-igayang pagsalubong ng BAGONG TAON sa inyong lahat.

***kalimutan na ang mga resolutions at wishes.wahahaha.haypayb!

[ayus!astig!]
RAKENROL




You scored as Indie Rock.



Indie Rock

92%

Emo & More

83%

Indie

75%

Industrial

54%

Punk and Pop Punk.

54%

Ska

54%

Classic Rock.

46%

Hardcore

29%

Britpop

25%

Hip Hop and Rap

21%

Country

17%

Mainstream

17%

Music Recommendation
created with QuizFarm.com

[ayus]

20041230

ALMOST YEAR END

the year end report

[ang bahaging ito ay napulot ko lamang sa ideya ni ria]

enero---
"bat bigla ka naging masayahin."
salem menthol.
first new year at our new home.

pebrero---
oh the shit.
i had my first experience.who cares what that is.
Intensity10.
Fairster.
Fairday the 13th.
inuman-session at ria's place on the 14th. things happened.
upcat results!
spent the prom night with a couple of cruisers at bahay ng alumni's rooftop.

marso---
vocal music recital.
requirements.

abril---
graduation day.wow Honors meeeen!
grad's ball. fernwood gardens i like.
summer slam 4!
another experience.

mayo---
this is AN experience.
these are THE experiences.
Registration assistant for the freshie enrollment. tasted recycled pansit.
the summer tambays.

hunyo---
college!

shit. wrong math17 clas with the terror prof!
welcome assembly at the up theater. wow freebies!
block assembly. met someone who's very nice.
kontragapi training.
enjoyed tapdance!

hulyo---
fete de la musique at libis.
freshie bangs.
blockbooster.
jukebox.
biscocho foodtrips.
tried drawing cartoons.

agosto---
quit kontragapi.
dropped math17.
started liking watching films.

setyembre---
birthday. spent the day exploring different dimensions.
film center addiction begins.

oktubre---
spent a lot of time with Sartre.
finals.papers.
RA afternoons with wina at OUR.learned quick alphabetizing.found celebrities contact numbers and addresses.
first pot.
oktoberfest!

nobyembre---
2nd sem.

math17 again.
natsci2 variety show classes.
wrote my sexual autobiography.
started taking cherifer.
return of the drive to write.
wasting-our-time-with-yosi-at-AS-steps days with jaq.

disyembre---
stargazing.
posing as photographer.
not so "wow" lantern parade.
boring upis fair.
taxi-ride earlymornings/night.
euros!
bonding with cousins.
muro-ami.
krisismas.






***isingit mo na lang kung saan-saan ang mga inuman, tambay, gigs, concerts, boring days etc.
pwede mo ring silipin ang archives ko.
nagfirst-anniversary din nga pala ang blog ko ngayong taon. yey.
naisip ko, mahina pala ako sa pag-alala kapag mag-isa lang ako.
feeling ko may signigicant events akong namiss.
pero sinulat ko lang ang kaya kong alalahanin pagkatype ko ng bawat buwan.
actually di ko masyadong dinama ang pagsulat nito. ehehe. dami sanang interesanteng bagay.
pero oks na yan. katamad talaga pasensya.
bala na.

new year's resolution/wishes in the making.

hmmm.
iba na ako sa susunod na taon.
siguro ang 2005 , magiging collision ng mga taong 2000, 2003 at 2004.
bwahahahaha.


[see, i'm not experienced OK! so shut the f*ck up! haha]

-------------------------------------------

mukha akong isang alagad ni Lapu-Lapu ngayon. may mga henna tattoo patterns sa mga wrists ko at sa mga daliri.
alibata na naman.
pero yung iba binura ko na. nasobrahan kasi.hehehe.

[yahoong yahoo!]

20041228

BLOGINALITY

kinakain ako ngayon ng pagkabagot.
kasabay ng pag-atake na naman ng katamaran upang magkwento dito sa munti kong mundo.
ngunit sa pagsuroy-suroy ko sa mundo ng iba, ay may nakita akong bagay na kinapunuan ko ng interes, pinaglaanan ng panahon, at kinamanghaan.
ito ang bloginality...
sa sobrang kasiyahan sa pagbasa ng mga naging resulta, ay inaanyayahan ko kayo na kilalanin ang isang personalidad na hawig sa akin...

[sana'y basahin nyo ag mga ito, nasa ingles ang mga ito,...tapos bibigay ko din sa inyo ang link ng test para dito..hehe]


You are an INTP!

As an INTP, you are Introverted, iNtuitive, Thinking, Perceiving.This makes your primary focus on Introverted Thinking with an Extraverted Intution.
This is defined as a NT personality, which is part of Carl Jung's Rational (Knowledge Seeking) type, and more specifically the Architect or Thinker.
As a weblogger, you might not be as concerned about popularity, but more with the ideas and theories that you strive to understand. Because routines aren't your strong point, you might be more likely to work on the concept of how to do a blog, but not be as excited to keep it up.

Read more on the following sites:
Typelogic - INTP
Personality Page - INTP
Hale Online - INTP
Personality Page - INTP and your career
Personality Page - INTP and your relationships
Socionics.com - INTP
Personality Type - INTP



ayan shiyet.
almost accurate.
ngayon alam ko na, tama yung mga iniisip kong glitch sa existential side ko. kaya pala medyo ayoko dun sa "responsibility for humanity" ni Sartre.
kaya pala kahit papano may intuitive side ako.
at kaya pala medyo ningas kugon ako.
at kaya pala medyo takot ako sa pag speak out ng opinions ko.
at kaya pala ganun ang love life ko.
pero medyo weird, kasi dun sa isang site sabi, unemotional, pero tingin ko naman sa sarili ko emotional [pero ang intindi ko dun, yung unemotional na sinasabi ay yung pagpapakita ng damdamin sa ibang tao siguro],kung iba naman yung sinagot ko sa 3rd item [tungkol sa making decisions, parang rational or feelings..mind over heart ata ako.hehehe] ng test ay magiging INFP ako, pero nung binasa ko yun, hindi naman ako ganun...kaya tama siguro..
hahaha. hmmm. sana binasa nyo rin lahat ng resulta sa kin. lalo na yung mga nakakakilala talaga sa akin.

---------------------------

balak kong lagyan ng pagbabago ng layout dito.
kaso nawawala ang Photoshop ko, di mainstall ang GIF movie gear, ayaw magload ng PageBuilder...tsk.

[haaaaaay...sige na kunin nyo na rin ang test...]

20041225

PASKU-PASKUHAN

[sa totoo,tinatamad akong magpost.kaya eto ripped off na naman mula sa lj]

e di pasko kung pasko...

umaga ng friday, maaga pa ay mulat na ako.
plano kong mamili ng regalo at kung anu-ano pa.
pero napatambay sa harap ng pc kaya 6 pm na ako nakaalis.
e di sa pinakamalapit na lang ako na mall pumunta.
nakakatawa ang mall.
grabe pala ang mga naglalast minute shopping.
mukhang zoo ang mall na yun.
ikinain ko na lang ang pera ko.
dinaanan ko na din yung sapatos na bibilhin ko.
di ko na nahanap yung mga pwede ko sanang iregalo sa pamilya ko.
ikinain ko na lang uli.
umuwi na ako.

ayoko tumulong sa paghahanda sa noche buena.
wala ako sa mood.
10 pm.nasa simbahan na kami.
inaantok ako sa simbahan.
di ko alam bat ba ko sumama.
nantrip na lang ako sa simbahan.
inobserbahan mga tao.waha
12pm sakto natapos ang 2 oras na misa.
iniskedyul talaga ni padre.

pagdating sa bahay.
masayang kainan.
kain.
kain.
kain.
bukas regalo.
nakakatuwa kahit papano yung mga kung anu-anong binigay sa kin ng ate ko.

nag-movie marathon na lang kaming mag-uutol hanggang umaga.
tumba na sila.
inaabangan ko ang 6 am.
napatumba ako ng 5:30.
mulat uli ng 6:30
7:30 papunta na kaming pasay.
pumunta sa mga pinsan ko.
tambay.
puntang duty free bago sila ihatid sa airport.
hakot.
muntik na ako makabili ng bagong discman.
nahiya lang ako. ako pa.
dinaan na lang ni tito sa euro.haha.
pagkaalis nila, uwi na kami.
pahinga sa bahay.

1:00 pm. papunta na ng loyola heights.
sa mga pinsan uli.
nakipaglaro na naman sa mga bata.
nakipag-fireworks.
swimming.
hindi na ako palakang petot.
muro ami na ako.
mas malakas na pala ako sa pagsisid ngayun.haha.
kain na naman kapag walang magawa.
bukas regalo.
tambay.laro.

11:00 nasa bahay na uli.walang kwenta.

di ko pa alam kung anu ang pupuntahan ng perang nalikom ko.
idadagdag ko na siguro sa ipon ko para sa bibilhin kong *something* sa summer.
pero kakaltasin ko na yung mga kailangan ko munang mga bagay...[hmm, bag, cd, pangdevelop ng mga kung anu-ano, mga films na pwede ko makita sa video48 ata, panregalo, spraypaints, isa pang pares ng sapatos tsaka, tsaka, tsaka, tsaka, tsaka anu din..un muna ata...kelangan yung *something*!]

maganda ang dama ko sa parating na bagong taon.abangan.

[siyeht tinamaan ng L, langya...nakamamatay nga naman]

20041224

MERI KRISISMAS

MERI KRISISMAS...

nakakatamad mag-pasko...

sabi nga ni utol... miwang

updates:
  • mas malinis na layout ng pictures

  • mas organize na mga articles


  • o sya, magbabalik ako mamaya... last minute shopping pa daw.
    nyoks.

    [patawad...]

    20041220

    PELIKULA

    Kasabay ng kapaskuhan sa Pilipinas, ay ipinagdiriwang ang taunang Metro Manila Film Festival. Ayon sa napanood ko sa telebisyon, ito ang mga pelikulang nakasali sa naturang festival: Aishe Te Masu, Enteng Kabisote, Lastikman, Mano Po 3, Panaghoy sa Suba, Sigaw, Spirit of the Glass, So Happy Together. Dalawa sa mga ito ang nais ko sanang panoorin. Una, ang Panaghoy sa Suba sa direksiyon ni Cesar Montano. Interasado ako sa pelikulang ito dahil sa paggamit ng diyalektong Cebuano sa kabuuan ng pelikula. Gayunpaman, wala pa akong ideya sa kuwento nito. Gusto ko ring mapanood dito ang pag-arte ni Cesar Montano. Sa mga nakaraang taon, nagustuhan ko ang mga magagandang pelikulang pinagbidahan ng nasabing aktor, lalo na ang Muro-Ami. Sunod ay ang Aishe Te Masu. Mahilig ako sa mga period film kaya gusto ko makita kung maganda ang kuwento at pagkakagawa nito. Kung matitripan ko, siguro ay panonoorin ko rin ang Enteng Kabisote o kaya ang So Happy Together na may komedya. Isa ring aabangan sa Film Festival na ito ay ang Pagpaparangal sa mga Pelikula. Inaabangan ko lang kung may lilitaw na namang isyu dito.hehe.

    -------------------------

    [muling pagsipat sa likha ni Lav Diaz]

    Habang nag-aayos ako ng mga litrato sa kompyuter na ito, napansin ko ang mga lumang litrato na in-edit ko na at ginawang grayscale. Naalala ko sa mga ito ang napanood kong Ebolusyon ng isang Pamilyang Pilipino. Inalala ko ang bawat imaheng nakita ko sa pelikula. Inalala ko ang bawat sensasyon na nadama ko sa panonood ng pelikula. Inalala ko ang lahat ng kaya kong alalahanin.

    At mismo. Masasabi kong maganda nga ang pelikulang ito. Nakita ko na ang purong sining[sa sarili kong pananaw] sa likhang ito.

    Kung maaari ay gusto ko muli itong panoorin ng buo. Biruin mo, 10 oras na pelikula na 10 taon pinagtiyagaang ihulma. Di ko kasi ito nasimulan at siguro'y marami ring magagandang eksena sa umpisa ng pelikula. Gusto ko ang mga bahaging tahimik lang ang eksena. Paggalaw ng mga tauhan, natural na kilos ng kalikasan, walang bukam-bibig, tanging laman ng isipan ng mga tauhan ang tutunghayan mo. Doon pumapasok ang lalim.

    Sinubukan kong magbasa-basa sa internet tungkol sa mga Likha ni Lav Diaz. Kahit papano may mga magagandang websites na kinapulutan ko ng magagandang impormasyon.
    [Kayo na lang ang tumingin sa mga ito at mamangha sa mga maaari niyong malaman.]

    Sana makapanood ako ng Batang WestSide[may DVD na in the making] at Hesus Rebolusyonaryo, at iba pang mga naunang obra ni Lav Diaz.
    Mukhang maganda din ang kuwento ng susunod niyang proyekto, ang Heremias.



    [isang screenshot mula sa Ebolusyon...
    hindi ko tiyak na maalala kung saang bahagi ito.
    maaaring ito yung bago makabalik si Ray Gallardo sa kanyang mga pinsan.
    o yung bago yung "Dalawang Ina".]

    salamat sa indiefilipino[ d best talaga to] at pinoyblog.

    -------------------------

    Dalawa sa mga inaabangan kong foreign movies para sa susunod na taon:
  • Charlie and the Chocolate Factory
  • - Tim Burton then Johnny Depp. panoorin na lang natin kung magiging maganda ang remake na ito.yey![July 2005]
  • Star Wars : Revenge of the Sith
  • - at pag napalabas na to, bibili na talaga ako ng copy ng buong Saga.yey!

    -------------------------

    sa isang interview kay Lav Diaz, sabi niya :
    First I wanted to do music and then painting, and then writing, [then] I think before I finished college, it just came out. I just wanted to do film; I just wanted to be a filmmaker.

    hmmmmmmmmm... ako kaya?

    [make sure you learn fencing or squash...]
    WALA LANG[di mabilang na bersyon]

    [sabog na entry.malayang paglalaro ng mga daliri sa keyboard]

    wahaha.
    masaya kapag wala lang.
    parang dati.
    kapag gumagawa ako ng blog.
    sulat lang ng sulat.
    kahit mga salita lang kung magkwento.
    kahit ako lang ang nakakaintindi.
    random thoughts.
    pero mas magulo.
    mas masaya.
    tawag ko dito, sariling mundo.
    ayaw ma-dl yung GIF Movie Gear.
    pinagkait na naman sa kin.
    di ko tuloy magawa yung gif para sa welcome page.
    ganda pa naman.
    [aching x 2]
    kanina ko pa pinipilit lumabas yang aching na yan.
    weird.ayaw lumabas.
    masama na naman tiyan ko dahil sa coke light.
    ayoko na uminom yan, pero kakaiba ang sarap.
    bored tuloy wala ako magawa.
    salamat kay ria at nabigyan nya ako ng idea ng gagawin.
    mag-stalk sa prendster.
    wahaha.
    ansaya pala mag-explore uli sa prendster ng mga profile ng mga prends.
    ahehe
    ang galing.
    at sa kakaexplore, nakita ko siyang muli at nalaman ko na ang ngalan niya.
    haha. naalala ko nung thursday haha.
    wala lang feelingero talaga ako.
    pero masaya naman magpakafeelingero minsan.mwahhaaha.
    hehe. maganda talaga siya.
    medyo may hawig din siya kay *** , haha kras-krasan ko,
    pero as ip naman.waha
    o baka dahil lang sa buhok nila yun sa mga pictures o kaya sa mga pisngi nila.
    ehe. kung sino pa yung may kakaibang ganda sa mga naiibigan ko,
    sila pa yung mahirap maabot. wahaha.
    ehe, sus puro kras.
    wala namang kinakarir.
    ehe sana meron na next year.
    wahaha. siguro un na lang xmas wish ko.wahehhe.
    masyado akong masaya minsan.
    di ko alam kung bakit.
    dahil ata ito sa makapal kong buhok.
    hahaha.
    gusto ko magpakulot minsan.
    para pwede i-dreadlocks ng maganda.
    subok lang.
    o kaya sana magkagoatie na ako.
    para ayus.
    wahhaa.
    nakakatawa may nabili akong preppy na tshirt.
    haha.
    tapos mukhang preppy porma ko kanina.
    nyaha.
    para lang di ako masyadong mukhang payatot.
    wahehehe.
    kagabi gusto ko gumawa ng kanta.
    pero naisip ko kwento na lang.
    pero ewan ko bakit di natuloy.
    sumali ako uli sa mga contest sa mtv.
    ahehe.
    malay mo manalo uli tulad dati.
    wahaha.
    naisip ko, gagawa ako ng mga painting tapos panreregalo ko sa mga kaibigan ko.
    kaso wala din ako oras gumawa.
    natawa ako kanina.
    andaming usi dun sa lasing na nagwala malapit sa street namin.
    haha. wala lang.
    nakakatawa yung mga tao.
    sigurado ubos na naman pera ko pagkatapos ng linggong ito.
    wahhaa.
    anlamig.
    tapos minsan pagtumigil na daliri ko,
    bigla na lang natatapos ang mga entry na tulad nito.
    ehehhe.

    [sono differente.sono libero.sono chi sono, a non lascialo, sono bello! wahahhaha!]

    20041218

    MGA MALALAMIG NA GABI

    linggo.

    pumunta ako sa blessing ng bahay ng tita ko.
    nagkaroon ng isang bonggang salu-salo.
    gusto kong mag-swimming, kaso nakakahiya kaya kumuha na lang ako ng mga litrato.
    at muli nakipaglaro sa mga batang pinsan.
    yung isa kong pinsan, di ko alam kumg may attention-deficiency-ek-ek-hyper-ek-ek[kung anu man tawag dun].ang wirdo kasi.
    isipin mo limang minutong tumatawa ng walang dahilan.nyaha.
    tapos niyaya pa kong uminom ng tito ko.
    kasama namin sa mesa yung iba ko pang tito at mga ka-trabaho nila.
    nakatanga lang ako habang lumalagok ng san mig.
    wala akong mahirit. pano , bisaya usapan nila.toink.
    at yung pinsan ko nga palang isa.
    taena, anlaki na pala.
    mukha nang ka-edad ko at mas gwapo pa sa kin.
    langya.
    tapos mga alas-diyes umuwi na kami.

    lunes.

    wala akong ni isang klase.
    nung gabi tumungo na lang ako sa upis.
    dahil sa abilidad at dahil sa mga walang kwentang bantay-bantayan, madali kaming nakapuslit sa upis fair.
    inabangan na lang namin tumugtog yung mga kabatch namin.
    may banner pa kunwaring ginawa.nyaha
    ilang banda din ang tumugtog sa battle of the bands.
    3 ang nakikita kong magaling.
    at yun din naman yung mga nanalo.
    pero sa tingin at ramdam ko, corny ang fair nila.
    kahit papano nabigyang buhay iyon ng mga 04 na nagpunta.hehe.
    bago umuwi, dumaan muna kami ni jaque sa sunken upang magpahangin.
    nag-aabang sa langit kung may mga shooting star na dadaan.
    may meteor shower kasi.
    at mga 11:30 ay sumibat na din.

    martes.

    nagkaroon ako ng pagsusulit sa natsci2 at math17.
    kahit papano nakaraos naman.
    pagkatapos ng klase ko sa mp ay umuwi na muna ako.
    nagpahinga at natulog.
    pagkagising, sibat na naman papuntang up.
    nagkaroon kami ng night class para sa natsci2.
    ito nga ay upang saksihan ang magaganap na meteor shower.
    mula a.s. ay naglakad ako papuntang nigs.
    nakakatakot. anlamig.
    napatingala ako sa langit at nakita ko ang unang shooting star ko sa gabing yon.
    madaming dumalo sa night class namin.
    nakahilata kami sa parking lot, naghihiyawan tuwing may dadaang shooting star sa kalangitan.
    pero nagkaroon din ng problema, nawala ang celfone ni jozy, at muntik na din ang wallet ni joyce.
    gayunpaman, masaya pa din ang tapos ng night class.
    nang uwian na, may naiwan pang kaunting estudyante at nakipagjoke-time na lang kami kay sir.
    hatinggabi na siguro kami nakaalis.
    salamat na lang kay joyce sa paghatid sa kin sa katips.

    miyerkules.

    sabi ng kaklase ko, may p.e. daw kami.
    sabi ko, tinatamad ako.
    kaya di na ako pumasok.
    tumambay akong sunken at nagbasa.
    nang dumatin si jemima, pumunta kaming upis.
    may concert ngunit sadyang mahal ang ticket.
    napatambay nang onti at tumuloy na lang sa MASKIPAPS.
    ayus ang set-up sa engineering steps.
    nagkaroon ng fashion show at tugtugan.
    kakaiba yung mga fashion show.
    kakaiba din yung mga tao.
    nkakatawa kasi yung iba.
    hehe.
    ayus ang tugtugan.marami-rami ding banda.
    may pagkabastusan nga lang.
    pano naman kasi, yung mga taga eng'g hapit na hapit sa fashion show, samantalang
    hindi pa tapos yung tumutugtog na banda. sinisigawan na.
    at yung emcee naman, napilitang singitan at putulin yung kanta nung banda.
    shiyet naman.
    pagkaalis namin sa eng'g , pumunta kami kina katty.
    pumapak kami ng salad[actually pipino-repolyo-kombo tawa dun], peanut brittle, ispageti at pansit.
    nakipaginuman kami sa garahe ng rhum/brandy-coke.
    at pinag-aasar nila akong ZHO-ZHO [with matching malanding pagbigkas].
    medyo tinamaan din ako.
    pumasok na lang kami, pinanood yung nasa cam ni katte, at nagkuwentuhan sa madaling araw.

    huwebes.

    pagkatapos ng mahabang kuwentuhan.umuwi na kami ng 7:30 am.
    pagkarating ko sa bahay, natulog na lang ako.
    pagkatapos, pumunta na naman sa up.
    di ko na naabutan ang oblation run.
    tumambay na lang uli ako sa sunken.
    at nang malapit nang magsimula ang lantern parade, ay sa a.s. na ako tumambay.
    syempre, inaabangan ng mga tao ang float ng f.a.
    at dumating nga.
    ang galing talaga nila.
    atsig yung BALETE float.
    andun pa si betrand..ah mali...alex pala.wahehe
    basta maganda lahat ng float nila.
    konti lang nag-participate sa lantern parade ngayon.
    kahit yung sa eng'g di masyadong pinagkaabalahan.
    kasabay nga daw kasi ng eng'g week nila.
    pagkatapos sa lantern parade.
    kumain muna kami at humiga sa sunken.
    nagpalamig.
    ginaw.
    nagkaroon nga din pala ng fireworks display.
    akala ko wala ng ganun ngayon.
    kaso hambalang sa tanawin yung mga puno sa library kaya di namin masyadong nakita.
    pagkatapos sa sunken, tumungo kami sa f.a.
    may xmas kasiyahan kasi sila dun.
    tumugtog din kasi kiko.
    tapos umuwi na din ng mga 1 am ata.

    biyernes.

    pumunta akong up kaninang 5 upang panoorin ang pelikula ni
    LAV DIAZ na EBOLUSYON NG ISANG PAMILYANG PILIPINO.
    inaasahan kong huling tatlong oras na lamang ng pelikula ang mapapanood ko [assuming nagstart ito on time ng 10 am]
    ngunit 11 pm na natapos ang film.
    kaya humigit kumulang 6 na oras ang napanood ko.
    di ko alam kung magagandahan talaga ako sa pelikula.
    wala naman kasi ako masyadang alam sa ganito.
    kung hindi ka mahilig sa ganitong pelikula.
    di mo matitiis ang antok.
    syempre, sa haba nito, nakakantok talaga.
    pero kung susuriin ang pagkakagawa ng mga ito,
    bibilib ka din sa mga taong nasa likod nito.
    medyo nagpatagal nga lang din ang paghihintay sa susunod na tape.
    nagkakaroon tuloy ng mga 5-30 minutes break dahil
    di pa dumarating yung kadugtong na tape.
    astig. special premiere talaga.
    hehe.
    yung isa, naririnig ko humilik.
    tapos may malandi pang couples sa likod ko.[ria: kilala mo to.waha]
    at ako ansakit ng likod ko at pwet ko sa pagkaka-upo.
    may lalim ang film.
    may mga punto akong lubusang nagustuhan.
    ang iba, sadyang nakakantok.
    pero ok din.
    sakto hatinggabi ako dumating ngayon sa bahay.ayus.

    sabado.

    balak ko magliwaliw sa megamall.sana matuloy ako.

    [........................ahh]

    20041217

    ENDLESS

    Death, the second of The Endless, you are responsible for ending all lives and taking them to your realm, from which no one ever returns. You are bright, positive, happy, optimistic%2
    Death, the second of The Endless, you are
    responsible for ending all lives and taking
    them to your realm, from which no one ever
    returns. You are bright, positive, happy,
    optimistic and enjoy everything about life, but
    that does not mean your silly or stupid. You
    can lay the smack down when you have to!
    Everyone loves you, and they don't know why.


    Which Endless are you?
    brought to you by Quizilla

    sa The Endless, si Death , Desire at syempre si Dream ang mga pinakagusto kong characters.
    Ansarap sigurong maging si DREAM.

    ------------------

    i miss my DC, VERTIGO and other comics.
    i miss my kiddie baseball cap collection.
    i miss my matchbox collection.
    etc.
    i miss all the stuffs that i have already passed on to my cousins.
    and probably, they don't know where those things are right now.
    taena di ko narealize ang value ng mga un.
    sana nandito pa rin sa kin un. waah.

    ------------------

    too many happenings, i'll just post an entry tomorrow night, about all the events i went to this week.

    [shoooooooooooooooooot]

    20041211

    ELVIS!

    astig ang performances ng tropical depression, makiling ensemble, jeepney joyride, eskabeche, pinikpikan at iba pa.
    nabuhay talaga mga espirito ng lagoon.
    sana mabigyan ako ng pagkakataong matutunan ang pagtugtog ng kahit anong brasswind instrument. o kaya ang pagkarir sa percussions.

    ------------------

    nanakit din konti ang baywang, balakang at likod ko sa a la rasta na pagindak kagabi.

    ------------------

    noong nakaraang taon, masisilaw ka sa lakas at dami ng makukulay na ilaw na nakadisenyo sa mga puno at gusaling nasa Quezon Hall. mararamdaman mo talaga ang masayang pagsapit sa Pasko sa patingin sa mga ilaw pang-krismas na mga ito.

    ngayong taon, isang mala krismas tree na tatsulok na hugis at mga salitang PASKO 2004 ang binubuo ng mga simpleng ilaw na nakasabit sa Quezon Hall. isa na siguro ito sa mga patunay ng pagtitipid ng UP sa mga gastusin ng unibersidad. kaugnay nito, nagkaroon ng usap-usapan ang umano'y din pagkakaroon ng tradisyunal na lantern parade ngayong pasko. marami ang nagkaroon ng bayolenteng reaksyon. ito ba raw ay kasama sa pagtitipid ng UP? gayong, kanya-kanyang kolehiyo naman raw ang gumagastos sa kani-kanilang mga ipinaparada. ngunit sa huli, napatunayan ng UP na hindi hadlang ang pagtitipid na ito upang di magkaroon ng masayang selebrasyon ng kapaskuhan sa UP. kaya naman, tuloy pa rin ang lantern parade - isang taunang kaganapan na hindi lang selebrasyon para sa kapaskuhan, ngunit isang selebrasyon ng galing , talento, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa UP.

    may fireworks display pa kaya?


    ----------------

    kung marami lang akong pera ngayon.
    gusto kong ilibre ang mga kaibigan ko para mag-pasko kami out-of town.
    basta kung saan mang lugar na liligaya kami.
    ayokong mag-pasko sa bahay.
    hindi yun magiging pasko para sa akin.
    tsk.
    pasko lang naman yan.
    sus.

    -----------------

    ilang araw ko pinag-iisipan ang pag-gawa ng wishlist.
    napagtanto ko...

    wala akong kahilingan sa paskong ito.

    [AAWWWWWWWWOooooooooooooooooo]

    20041207

    INSOLUBLE

    luha.
    naglalakbay sa pisngi.
    sugat.
    pawis.
    naglalakbay sa gulugod.
    senyal.
    grasa.
    naglalakabay sa daliri.
    kalyo.
    dugo.
    naglalakabay sa hita.
    pilat.

    [sampung minutong kamatayan.]

    20041206

    EKSENANG BAHAY

    kuya : [bagong ligo , nagsusuklay ng buhok]
    bunso : kuya kamukha mo yung sa tan tan tan tanananan
    kuya : [nagsusuklay pa din habang nagpapatuyo ng buhok] anu un?
    bunso : yung nasa mtv, yung anu nga, yung tan tan tan tananan
    kuya : [harap sa salamin] ah, yung tan tan tan tantantanananan

    ------------------------

    anak : [nagkakaskas ng sapatos]
    ina : anu na naman yang ginagawa mo?
    anak : [nagkakaskas pa din]sinisira yung sapatos.
    ina : bakit naman?
    anak : [nagkakaskas pa din]para bilhan naman ako bagong sapatos.
    ina : ok yang style na yan. uso naman yung mga ragged.

    -------------------------

    kuya : mag-tataxi ka ba? daan mo naman akong mall.anu oras ka aalis?
    ate : [tingin sa relo, 1:20] 1:30.
    kuya : sabay na ako. maliligo na ako.
    ate : nu ka ba.malelate na ako.
    kuya : dali na. mabilis lang ako.
    ate : o bilisan mo!
    [pagkatapos ng 20 minuto]
    kuya : asan na si ate?
    bunso : umalis na kaya.
    kuya : weeeh? nagpaintay kaya ako.
    bunso : naniwala ka naman. pagkapasok mo ng banyo. umalis na agad sya.

    -------------------------

    ama : tumawag na ba ate mo?
    anak : nagtext. na kina tita daw.
    ama : bakit di ka na rin dun muna tumira. para mas malapit sa up.
    anak : di na ko papasok pag dun ako tumira. walang gigising sa kin pag umaga dun.
    ama : ok lang yun. magigising ka ng maaga dun, wala pa naman kasi yung computer dun.
    wala kang pagpupuyatan.

    [caution. caution. caution.]

    20041205

    DAAN LANG

    lista.

    cd: Hot Fuss [The Killers]

    aklat: Kuwentong Siyudad

    vcd: Natural Born Killers

    damit: basta maliit na polo

    gamit: bag na matino

    sana may pera.

    para mabili ang mga nakalista.

    walang gana.

    [zzzzzZZZZZZ]

    20041204

    INAANTOK PA AKO

    [ripped off from lj]

    i missed two great events.
  • one: NU rock awards 2004.. tsk sayang ang backstage pass. SAYANG!

  • two: Pentavia Album Launch.. sayang! unang labas sana this december!


  • waaaah.
    dahil sa bagyo.
    at dahil sa mga utol na inuunahan ako sa pag-gala.
    samantalang dati sila ang taong bahay at ako ang ecdemite.

    "...jo, go to the grocery..."

    ---------------

    nahanap ko na sa wakas yung mga laruan.
    i-assemble ko na uli yung mga army.
    i-rerepair ko yung mga RC cars tsaka robot.
    hahanapan ko ng lalagyan yung maliliit na Ultraman Family.
    ehe.pinakakawawa yung mga matchbox.grabe yung mga nayupi.
    sana mahanap ko rin yung old skul na GAMEBOY.
    wala ng pag-asa yung family computer.sayang.
    hehe kailangan ko na ng mas malaking kwarto.wahaha.
    laro na lang.

    ----------------

    muntik ko nang makalimutan.
    kunwari nga pala may klase ako ng sabado.
    ahehee.
    hahanap ako ng mga pan-regalo ngayon.

    pero bago yun, onting tulog muna uli.

    [tao1: "shiyet, ang mahal na pala niyan ngayon dati nakakabili pa ako niyan"...tao2: "anu ka ba, ngayon lang naman ata nagkaroon ng ganyang produkto a"...tao1: "o?"]

    20041202

    QUICKIES

  • excited na ako sa mga activities sa orienteering...

  • iniisip ko pa kung anu-ano ang lalamanin ng magiging wish list ko...

  • medyo madaming commitments for december a, patay patay...

  • dati ko pa balak ma-interview ang mga rugby kids, mga batang prostitute at mga batang kaly sa may delta...

  • anlupet ni Bjork sa Dancer in the Dark, astig yung dramatic effect nung mga musical daydream scenes...ok yung konsepto ng importance ng sounds...ganda!...

  • hoy bata, di mo kailangan ng kakaibang kapangyarihan o super powers para maging iba...


  • [they say this is the last song/they don't know us, you see/it is only the last song/if you let it be... -- huling awitin ni Selma [Bjork] bago siya binitay]