20041225

PASKU-PASKUHAN

[sa totoo,tinatamad akong magpost.kaya eto ripped off na naman mula sa lj]

e di pasko kung pasko...

umaga ng friday, maaga pa ay mulat na ako.
plano kong mamili ng regalo at kung anu-ano pa.
pero napatambay sa harap ng pc kaya 6 pm na ako nakaalis.
e di sa pinakamalapit na lang ako na mall pumunta.
nakakatawa ang mall.
grabe pala ang mga naglalast minute shopping.
mukhang zoo ang mall na yun.
ikinain ko na lang ang pera ko.
dinaanan ko na din yung sapatos na bibilhin ko.
di ko na nahanap yung mga pwede ko sanang iregalo sa pamilya ko.
ikinain ko na lang uli.
umuwi na ako.

ayoko tumulong sa paghahanda sa noche buena.
wala ako sa mood.
10 pm.nasa simbahan na kami.
inaantok ako sa simbahan.
di ko alam bat ba ko sumama.
nantrip na lang ako sa simbahan.
inobserbahan mga tao.waha
12pm sakto natapos ang 2 oras na misa.
iniskedyul talaga ni padre.

pagdating sa bahay.
masayang kainan.
kain.
kain.
kain.
bukas regalo.
nakakatuwa kahit papano yung mga kung anu-anong binigay sa kin ng ate ko.

nag-movie marathon na lang kaming mag-uutol hanggang umaga.
tumba na sila.
inaabangan ko ang 6 am.
napatumba ako ng 5:30.
mulat uli ng 6:30
7:30 papunta na kaming pasay.
pumunta sa mga pinsan ko.
tambay.
puntang duty free bago sila ihatid sa airport.
hakot.
muntik na ako makabili ng bagong discman.
nahiya lang ako. ako pa.
dinaan na lang ni tito sa euro.haha.
pagkaalis nila, uwi na kami.
pahinga sa bahay.

1:00 pm. papunta na ng loyola heights.
sa mga pinsan uli.
nakipaglaro na naman sa mga bata.
nakipag-fireworks.
swimming.
hindi na ako palakang petot.
muro ami na ako.
mas malakas na pala ako sa pagsisid ngayun.haha.
kain na naman kapag walang magawa.
bukas regalo.
tambay.laro.

11:00 nasa bahay na uli.walang kwenta.

di ko pa alam kung anu ang pupuntahan ng perang nalikom ko.
idadagdag ko na siguro sa ipon ko para sa bibilhin kong *something* sa summer.
pero kakaltasin ko na yung mga kailangan ko munang mga bagay...[hmm, bag, cd, pangdevelop ng mga kung anu-ano, mga films na pwede ko makita sa video48 ata, panregalo, spraypaints, isa pang pares ng sapatos tsaka, tsaka, tsaka, tsaka, tsaka anu din..un muna ata...kelangan yung *something*!]

maganda ang dama ko sa parating na bagong taon.abangan.

[siyeht tinamaan ng L, langya...nakamamatay nga naman]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home