20050509

VERTICAL CLEARANCE

Na na na nanana. Nananana na na. Hindi nanginginig ang awit na mula sa tuyong bibig. Rumiritmo ang bawat pantig sa bawat yapak. Kaliwa...kanan... kaliwa...dahan-dahan ang paglapat ng nangingitim na talampakan sa bakal. Naglalakbay ang lamig sa dulo ng bawat daliri, sa dungisang saplot, sa kabuuan ng munting katawan. Binubulag ang sarili sa naguunahang liwanag sa kalawakang pinapaibabawan. Niyapos ang hangin. Ang natatanging hibla'y tinangay sa kawalan. At kailanma'y di na matatapos ang awitin.

Na na na naaa...

----------

malabo na ang tik tak. hanap bago.

[funk]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home