KLEPTOMANIAC
Hinaplos-haplos ko ang aking mga palad. Mas magaspang na pala ito kaysa dati. May mga sariwa pang galos, na kung mas malala ay maliliit na hiwa. May mga bagong kalyong ipinanganak--sa kanto ng hinlalato at palasingsingan, sa ulunan ng hinalalaki, sa mga sulok na di nagpapakita pero nakakapa ko.
Pinagmasdan ko ang mga linya sa aking mga palad. Ni walang tadhanang gustong magpabasa. Sa bawat kurap, dumudoble, humahaba, lumalalim. Pero walang nagpapakitang hula kundi mga payak na linyang sindami ng mga naging biktima. Tinahak ng aking tingin ang bawat linya, pakurba-kurba, sinusuyod ang magkabilang palad. Wala namang pinatutunguhan.
Lumalamig ang bawat palad. Tila nalulunod sa hindi nakikitang pawis. Gustong mag-init. Nag-aabang ng pangpainit. Nangangati nga raw.
May sariling buhay ang mga palad. At ang palad ang may hawak sa buhay. Kumbaga, ang buhay ang nakakapit sa palad.
Hinahaplos-haplos ko ang aking mga palad. Mas magaspang na ito kaysa dati. May mga sariwang galos. May bagong kalyo. May bago na naman atang linyang umukit. May buhay. Nakakapit sa palad.
Ala-una ng madaling araw ng maisipan kong ayusin yung plano sa kwarto. Mga alas-sais ng umaga, nailabas ko na lahat ng gamit ko sa loob ng kwarto. Binuksan ko muna ang computer pagkababa ko. Alas-onse siguro ng matapos akong mag-agiw, mag-walis, at mag-scrub ng mga pader. Hapon ko na itinuloy ang paglilinis sa iba pang bagay. Kinulang ako sa pintura. Di ko pa nalilinis yung mga recyclables. Kaya bukas ko na lang gagawin yung mga planong ilagay sa kwarto. At dahil may pasok na ako, mukhang tatamarin ako, baka Mayo pa matapos ang renobasyong ito. Tsss.
Pagpatak ng dilim, umalis kami. Ako lumipad, yung mga kapamilya ko, ewan. Kaya di ako nakadalo sa ilang pagtitipon.
Sinubukan ko yung Blender. Wirdo yung narender kong simple winter scene. Walang texture yung mga puno. Wirdo din yun sun tsaka spot. Panget. Subukan ko sana yung Mouse Head kaso hirap. Next time na lang yun. At dahil sinubukan ko na rin lang ang animation, nakapagdownload ako ng short animated films/vids. Actually isa lang yung nadownload. Tapos ibang free downloadable short films na lang dl ko. Isa lang yung nagustuhan kong maikling-maikli pero oks yung konsepto. Basta yun.
Gusto kong kumuha ng maraming litrato sa Summer Slam. Sana madala ko ang camera.
Tsk. Pagod na ako.
Gusto kong matulog at managinip.
Maligayang Kaarawan sa Ate ko, kay Dana, at kay Ate Kitty rin pala.
[sa bughaw/sa bughaw/sa bughaw/ika'y tumanaw/tumanaw sa bughaw]

* * *

0 Comments:
Post a Comment
<< Home