NANAHIMIK ANG PASILYO
Di na naman ako nakapag-RA. Nahirapan kasi ako makipagtunggali sa oras, sa tulog, at sa init mula madaling-araw hanggang hapon. Ipinagpa-huwebes ko na lang ang pagpunta dun. Siguro mga alas-kuwatro na ko nakarating sa UP. Nakita ako nila Katte, galing ata ng SM, sumabay na ako sa dyip . Tapos dumiretso ako sa UPFI. BOSO premiere kasi.
Pero wala pa, 6 pa daw. Tapos wala pa rin yung mga kasama ko pang manonood. Kaya nagliwaliw muna ako.
Pumunta ako sa kabilang dako. Tignan ko sana mga grades ko. Nasarapan ako sa paglalakad sa mga pasilyo sa FC, sinuyod ko buong gusali. Hehe. Tapos may dalawang gallery dun na may exhibit. Yung isa ukol sa kababahan ata. Yung isa Ash Wednesday ang title. Peyborit ko yung painting na ginamitan ng metallic colors, ang ganda kasi nung epek. Mukha talaga siyang babasaging nabasag. Ganda din nung assemblage sa dulo na nagdedepict ng isang misa. Basta nung magaalas-sais, balik UPFI na. Si Frances tsaka si China nakasama ko manood. Di na sumama sila Katte. Mga 7 na siguro nagsimula.
Wala akong kaalaman tungkol sa mga film theories, style, at iba pa. Pero ito ang mga naging kuro-kuro ko sa pelikulang Boso ni Jon Red:
Akala ko Indie ito. Hindi pala. Kasi ito ay unang digital film ng Viva. At mukhang tataas pa nga ang bilang ng mga ganitong uri ng pelikula sa buong taon. Si Eppi Quizon ang dakilang mamboboso. As usual, magaling naman siya sa pagganap. Oks naman ang kuwento [panoorin niyo na lang sa April 13 sa Robinson's Galleria]. Pinaganda pa nga ito ng script. Ok sa kin yung istilo ng kuha, yung karamihan ay hindi talaga steady. Parang yung galaw ng paningin kapag namboboso. Tsaka ganoon din kadalasan ang shot kapag ginagamitan ng mas magagaan na digital cameras [compared sa ibang pelikulang napanood ko]. Maraming scenes na alam mo na...lapangan,dilaan,onting yugyugan. Ilan siguro sa mga paborito kong eksena yung si Katya na yung pumunta sa kisame tapos si Eppi ata asa sala nagyoyosi, tapos mula dun sa baba umaaakyat at lumulusot yung yosi sa butas sa kisame. Maganda kasi nung nailawan. Benta naman sa kin yung nag-uusap sila tapos biglang kung anu-ano na ang ginawa nila tapos nagpalit ng kung anu-ano tapos biglang months after na pala. Hehe. Ang ganda din pala ng musical score. Simple lang naman talaga yung kuwento. Gusto ko nga yung buong konsepto nung mata, tapos butas, tapos yung mga buhay ng mga tao sa labas at loob ng kanilang kwarto. Mababasahan mo naman iyon ng maraming mensahe depende na sa iyong interpretasyon. Oks naman sa kin yung pagbagsak sa ending. Simple siguro at magaan sa unang tingin. Pero sa katauhan ni Jack, sabi niya nga "Hindi ko na makikita ang talagang nais kong makita." [basta parang ganun yung line niya dun.hehe]
Pagkatapos ng mga 15 minuto ng Q&A portion. Sibat na ako.
Ngayon lang uli ako, bumiyahe sa kahabaan ng Quezon Ave. ng gabi. Ayus. Buhay pa rin ang mga ilaw.
Badtrip ngayon, pinapapak ako ng maraming lamok na nag-migrate mula sa bahay ng kapitbahay namin papunta dito sa amin. Tuwing umaga, ang ingay ingay na nga nila sa construction dahil nirerenovate ang bahay. Tapos nagpakawala pa ng mga lamok mula sa kung saan-saang sulok ata ng bahay nila. Takte. Kagulat nga ang dami nila.
Nag-eehersisyo na nga pala uli ako. 20 push-ups, 20 sit-ups, 60 crunches. Gusto ko lang ihulma ng kaunti yung abs na nabuo nung cncocc training. Hahaha. Sana bukas sipagin ako makaalis ng bahay. Bibili na ako ng materyales para sa regalo ko ke Jodi. Nakaisip na ako ng kung anong gagawin bilang regalo dahil ako ay isa sa 18 Crayons niya. Pero bago ang bertdey niya, makikipag-rasta pa pala ako kina Mec. Hala baka matuloy na yung stripusoy session. Tsss. Tapos next week, enrollment na, tapos ayusin ko pa application ko. Tapos Summer Classes. Tapos [hopefully] bakasyon with ate?!?waaah! YEY!
Last episode na ng 1st season ng JuniorReyesReports mamayang gabi. Yey! syempre tiyak na mas umaatikabo na naman ang mga ulat ni Junior sa 2nd season. Lupet. Hmmm. Naisip ko... maging goal ko kaya na lumabas sa lahat ng lupet programs? Hmmm. Ayus yun. Baka ayoko lang siguro dun kapag dun ako sa Celebrity Single lumabas. Wahahaha. Bale, one down na, yung Bestfriend [badminton episode].Hahahaha.
Nga pala, medyo asar pa rin ako dun sa kung anumang nabanggit ko sa previous post.
Kasi naman topak. Anak ng.
Di ko pa napapanood Darna, nagsimula daw kahapon?
Nawawala yung music vid ko ng Helena ng MyCR, may titignan pa naman ako dun.
Hanapin ko na rin yung FatboySlim tsaka mukhang oks din yung basta medyo bagong kantang naririnig ko. Yung me Johnson yung pangalan ng artist. Nakalimutan ko basta kumanta ng Sitting, Waiting, Wishing na may video na nasa isang room tapos ma series ng rewinds. Basta yun. Maganda e.
Di ko na kaya ang mga lamok, aakyat na ako sa kuwarto ko. Takteng mga lamokski.
Ay, calling c-an[i-blog ko na lang, nakakatmad itag sa .com mo haha]!!! Uy nakita ko kanina yung bilog-na-tila-cotton. Hinangin mula sa daan. Tapos lumipad. Tumambad sa harap ng mukha ko. Tapos sa ilang segundo, nakadama ako ng sensasyon. HAHAHHA.
[habang post.tsk]
Naghahanap ako ng mga pictures kanina.
May mga nakita ako.
Tapos ginawa kong GIF
ROY peace!!!
[pale...silky...bloody... and it was neat, dramatic, blissful, free]

0 Comments:
Post a Comment
<< Home