MGA BIGLANG GUNAM
Lima sa mga ibinoto ko noong nakaraang eleksyon ng USC ang nanalo. Anim lamang ang ibinoto ko.
Ang hamster ay ang hayop na nakatuwaan kong alagaan noong bata ako. Gusto ko uling magkaroon ng mga rodent na ito dahil malabo akong magka-aso.
Ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung sasama ako sa camping sa Subic sa nalalapit na weekend. May mga takdang aralin sana akong gustong pagbuhusan ng panahon. Kaso mukhang malabo na makapagback-out. Badtrip
Nakakatuwa pa rin ang maglibot sa mundo ng Friendster at siyasatin ang mga tao o ang mga profile nila. Idagdag mo na rin ang misteryo ng ilang mga bagay bagay at ang naidudulot nitong pansamantalang kaligayahan. Haha. At salamat sa mga bagong testimonyal.[Ang larawan kong naka-Aviator lang pala ang katapat nyo. Sus. Haha]
Nakailang pahina na ako ng mga intro ng mga katha ngunit hindi ko pa rin alam kung ano ang isusulat ko tungkol sa kape. [sa totoo lang, dalawa na lang ang pinagpipiliin ko. Una, yung papamagatan kong BARAKO. Ikalawa, yung papamagatan kong PAANO UMINOM NG KAPE.]
Tatlong bagay ang nais kong hilingin para sa bakasyon: Sariling desktop/laptop, SLR, o kaya isang matinong Video camera. Kung hindi naman, pwede na rin ang pagbiyahe patungo sa bahay ni Lolo at Lola sa probinsiya. Kung hindi pa rin, ok na ako sa kaunting pera at mga scraps na pwede ko na namang pagtripan.
Kailangan kong bumawi next time sa blog na ito. Hindi na ako masyadong nagkukuwento dito, di tulad ng mga dati kong post na detalyado ang mga lakad ko. Kahit ayoko namang basahin iyon ng mga napapadaan rito.
Nagustuhan ko ang katauhan ni Howard Hughes. Kahit na wala pa ako masyadong alam sa kanya.
Ang ate ko at kanyang boypren ay mahilig uminom ng pineapple juice kapagh andito sila sa bahay. Alam niyo ba kung bakit?
Mag-iipon na uli ako ng pera, pambili ng mga cds. Mga pelikula at Putomayo ang aking target.
Maligayang Kaarawan sa may mga kaarawan ngayong buwan ng Marso.
Mas gusto ko pa din ata si Sarte kaysa kay Nietzsche. [Hindi ko alam kung tama ang baybay]
May naisip akong ideya. Parang LSD. Subukan kong maisulat iyon.
Nang mawala siya, ok lang. :)
Balak kong mag-aral na sa Geol ng 11. Lumampas ako ng 16 na minuto. Hala.
Gusto ko ng kape.
Grabe talaga ang naidudulot ng mga isyu.
Balang araw, matitigil na ako sa pagyoyosi. At kaya ko. [Kahit na ang isang Winston ay napagtripan ko kanina.]
Parating na ang mga larawan sa blog. Kalahati pa. :)
Mahuhulaan mo ba ang imaheng ito?
[.....?!]
[.....?!]
1 Comments:
hehehe..hindi melvin. cge isip pa.ehhehehe
Post a Comment
<< Home