20050215

KUNG BAKIT KASI MAY ARAW NG MGA PUSO

Ipinakilala siya sa akin noon. Pangkaraniwan lang siya. Pero noon pa lang, naaliw na ako sa kanya. Kaya ano pa nga bang gagawin ko, e di subukang mapalapit sa kanya. Na sa totoo lang, ikinagulat kong napakadali lang palang gawin. Sa mga pinaggagagawa ko ba naman sa kanya, sigurado akong napalapit din siya sa akin. At marahil dun na din nagsimula ang lahat. Halos maikling panahon ko lang siya nakasama. Sa mga oras na kunwari'y nag-iisa ako, andun siya. Madalas naman kasi itinatago ko siya. Hindi ko siya ikinakahiya. Alam niya yun. At wala naman akong makitang dahilan kung bakit ko siya dapat ikahiya. Di ko lang alam kung kahit ako ay ikinakahiya niya din. Nagkaaintindihan naman kami. Nanatili naman ang mabuting pagtitinginan namin sa isa't isa. Di ganun na ganun ang namamagitan sa amin. Pero ganun iyon. Iyong sarili naming konsepto ng ganun. Pero bakit kailangan pang itapat sa araw na to ang paglisan niya. Sigurado hahanap-hanapin ko ang bawat tunog na naririnig ko sa kanya. At ang mga bali-balitang madalas kong ikwento sa kanya. Ngunit di ko alam kung bakit, pero di ko pa masyadong dinadamdam ang mga pangyayari ngayon. Siguro pagkalipas ng ilang mga araw, mas malulungkot din ako. Yun na siguro yung sinasabi nilang pakiramdam. Ewan ko. Basta nakakalungkot kahit papano. Wala na akong kakwentuhan tungkol kay Sartre, Camus, at ang mahiwagang lalaki sa Starbucks SM.

[haaaaaay. ganun pala yun]

*edit edit*

di pa rin ako inlab sa maniwala kayo't sa hindi.

----------------------

nawalan ako ng pera kahit pamasahe pauwi. pathetic. kaya ako ay namalimos.

----------------------

nakakatuwa ang Amelie

----------------------

saka na ang mga ritrato ng mga lumipas na pangyayari.

----------------------

[we are all stardusts]

1 Comments:

Blogger Tin A. said...

bakit may araw ng mga puso? para magkaroon ng dahilang gumastos para sa mga pulang rosas at ferrero at mas maging sweet sa pamamagitan ng mga kakilig-kilig na love letters. ewan. nababaliw na ang mga tao. haha.

6:45 PM  

Post a Comment

<< Home