IBA
Malamig ang mga gabi ng Enero. Tiyak na magpapatuloy pa ito sa susunod na buwan.
Sa nakalipas na linggo, pag-uwi ko sa bahay, kama na ang una kong pinupuntahan.
Nakakaantok kasi napakalamig. At ang mga araw, kahit papano'y nakakapagod.
---------------
Hindi na ako nakikinig sa Math. Kahit na natake-up na yung lesson sa mga dating klase, wala pa rin ako sa focus para intindihin muli ang mga ito. Samantalang sa ibang klase, ganun pa din, wala masyadong espesyal na kaganapan. Wala din masyadong bagong natututunan. Malapit na ang exams sa Natsci2 at Geol1. Madali lang siguro ang exams sa Natsci2, at last day na ata yun. Pero sa Geol1, wala akong notes maliban dun sa mga nakalagay na sa module. Lagot kung bumagsak. Sa Panpil19 at Socio10 naman, group reports na ang pinagkakabalahan ko. Mukhang mahihirapan ako pakisamahan yung mga kagrupo ko sa Socio10, wag na itanong kung bakit. At sana magawa namin ng group ko sa Panpil19 yung mga plano sa report. Sa wakas may natapos na akong akda sa MP10. Dapat lang kasi malapit na workshop. Isang super ikling kwento lang ang sinulat ko. Di ko nga alam kung makokonsider yun bilang kwento. Ngayon, medyo nakakatamad mag-aral.
---------------
Nakakaanim na hapon/gabi na ako ng pakikisalamuha sa mga Koreano [mula nung ika-13 ng Enero]. At marami naman akong natututunan sa kanila at sa sarili ko kapag nakakausap ko sila. Kung anu-ano ginagawa namin kapag kasama sila. Paglilibot sa mall na puro usap lang ang nagagawa, pagkain sa mamahaling kainan, paglalakad at pagpapasakit sa mga paa sa paligid ng UP, at ang latest ay ang pagpunta sa Eastwood.
Naglibot. Nag-shopping. Kumain. Magkuwentuhan ng mga wirdong bagay [wirdo talaga]. Sumayaw [oo! tama ka ! rave!nyaha]. At uminom. Basta masayang experience din ang makasama sila. Mababait pa kahit na ginagago na namin sila minsan. Hehe. Saka na ko maglalagay ng larawan nila dito.
Yung isa matalino at maingay na nakakatawa.
Yung isa maganda at mabait.
Yung isa tahimik at medyo mahirap kausapin.
Yung isa matalino at kasundo ko ng mga hilig.
Yung isa maingay at makulit.
---------------
Biruin mo mukhang nakakita na ako ng katapat ko.
O baka coincidence lang. Waha. May kinalaman ba naman kasi kay tooot.
Tapos ganito ganyan pa. Waha. Di ko nga alam kung bakit nagsusulat ako tungkol dun. Wahahah. Parang yung karakter sa maikling kwento. Waha.
---------------
Mahirap ipaintindi ang mga bagay bagay sa iilan.
Lalo na kung tinatangay sila ng emosyon nila.
Buti kahit papaano marunong akong tumingin sa bigger picture kahit iba ang pahiwatig nila dito.
Wirdo lang talaga sila.
Parang mga bagong karakter.
---------------
benta yung okrayable profiles. wala lang.
---------------
siguro isa sa mga pinakamagandang bagay na narinig kong sinabi ng isang tao tungkol sa kin, yung sinabi ni tooooot dati. tapos kagabi may nagsabi uli sa kin na parang ganun. at ganun naman talaga [siguro] ako. wala lang. ito yung mga tipong nakakatouch. wahhaha.
---------------
Iba ang mga gabi. Ibang pandama. Ibang muni-muni. Basta Iba.
Haaay. Sa wakas nakapagpost. Tama na to. Pagod na ako magsalitype. Hehe
[tick tock]

0 Comments:
Post a Comment
<< Home