DALUYONG
una sa lahat ito ang ilang updates!
MAY MGA BAGONG LITRATO!!!
new kaarawan ni katty - mga kuha noong bertdey ni katty sa conspiracy
new kaarawan ni aryan - mga kodakan noong bertdey ni aryan sa bahay nila
new stargazing - stargazing nightclass ng natsci2 kids sa may NIGS
new kapamilya - mga litrato ng aking mga repapips sa bahay
new upfair05 - fairplay! ayus!
kulehiyo - may mga bagong piktyur sa klasrum at mga inuman at tambay
koreano - mga dagdag na litrato ng korean adbentyurs!
upcoming pictures : Orienteering Camp [Zambales]
---------------------------
Nagtungo ako sa Zambales noong nakaraang sabado kasama ang aming Orienteering class at ang isang CHK OutdoorRec class. Sa isang surfing beach sa Zambales kami nagpunta.
Masaya pa rin ang mag-camp. Masarap matulog sa tent [ngayon, lalo na kung mag-isa, salamat kay Ria para sa tent :) ]. Nagkaroon kami ng team building activities noong hapon ng sabado. Lumabas na pangatlo kami sa apat na grupo. Ok na rin. Sumugod ako sa dagat kinahapunan. Malakas nga talaga ang alon. Malakas din ang ihip ng hangin. Masakit nga sa binti ang pagtama ng mga pinong buhangin. Pahirapan nga lang sa pagligo. Nung nasa CR ako, agawan sa shower. Malas mo kung asa dulo ka mapunta, hindi na aabot yung tubig sa shower mo. Minalas ako at nakapagsabon na ako ng katawan nang tuluyang mawalan ng tubig. Pinunasan ko na lang ang katawan ko. Nagpunta sa isang poso sa labas at doon nag-igib ng tubig, panghugas sa may shampoo ko pang buhok. Pagkatapos ng isang masarap na hapunan [chicken!], nagtipon-tipon kami para sa camp socials. Nagkaroon ng joke time [kahit corny pero masaya] at group presentations [kahihiyan lang naman]. At sinundan na namin ng onting lambanog sa loob ng aming tent [habang may nagaganap na kaguluhan]. Hanggang sa makatulog na nga kami. Nahirapan din ako sa pagtulog, inunan ko ang bag ko, at ginawa kong kumot ang ilang mga extrang bahagi ng tent. Malamig kasi. pero naging maganda ang gising ko. Ansarap ng naging almusal namin [soup at tinapay na samu't sari ang palaman!]. Tapos nakatulog na naman ako. Pagkagising ko, tanghalian na ang inaasikaso. Kinansela na ang iba pang activities. Nagluto na lang kami agad ng tanghalian [carbonara at pork chop!] Sumakit ang tiyan ko, kaya dinaan ko na lang sa pagsugod uli sa tubig. Anlupet talaga ng mga alon. Naglabasan na ang mga surfer dudes. Makalipas siguro ang isang oras, umahon na kami, naligo at nag-ayos ng gamit [kahit umaga pa lang ay ayos na ang gamit ko]. Matapos kumain, magice-cream, at magclean-up ng mga tao, alisan na. Biyahe na uli. Masarap din talagang bumiyahe na nakasakay sa mga jeep. Mga alas 7:30 na kami nakarating sa Philcoa. Naghapunan at nakipag-ube muna ako sa Mcdo at saka lumisan pauwi. Nakakapagod.
---------------------------
Hindi ako nakapasok sa PP19 at Socio10. Gusto ko pa naman sana ang diskusyon sa Socio. Kailangan ko pang tapusin sa loob ng linggong ito ang reviwe ng Lampara [na deadline kanina] at ang First Exam sa Socio10. Magkakabisado pa ako sa trigo. Kailangan ko na rin maumpisahan ang akda ko sa MP10. Tapos may blog pa sa MP10 na ako ang gagawa. Dagdag mo pa pala ang isa pang individual project sa PP19. Kailangan ko rin mag-inquire sa pagshift ko ng college. Madami pang exams sa Math ang parating.
Waaaah. Marami akong dapat karirin. Idaan sa library!
---------------------------
Nakakatuwa yung eksena ng isang pamilya sa AS kanina.
Ankyut nung bata.
---------------------------
Napanood ko kanina ang Swaraaj. Maganda ang cinematography. Maganda ang mga kuha.
Ang ganda din ng background music na Indian Music. Tungkol iyon sa grupo ng kababaihan na nakipagsapalaran upang mapansin ang pagpapatubig sa kanilang baryo. Ngunit namatay ang bidang babae. Alay umano ang pelikulang ito sa mga kababaihan naging lider sa pamahalaan ng India.
---------------------------
Susubukan ko pang magmuni-muni tungkol sa orgasm para sa isang maikling akda sa MP bukas.
[whoooooo]

0 Comments:
Post a Comment
<< Home