20050507

LINGON PA

Araw-araw may nakakasalamuha [napapansin, nakikita, nakakausap] akong mga kakaibang estranghero sa paligid-ligid ng mundo na nakakainspire at nagdudulot sa akin ng mga magagandang ideya. Tapos kaninang mga alas-6 ata, meron na naman. Tapos pagkainternet ko, nakita ko tapos ang galing. Kaya yun mga ideya na naman, hintayin na lang nating sumingaw ang mga ideyang yun mula sa utak ko.

----------

Kanina dumalaw dito sa bahay yung bestpreng insan ni Papa. Ayus. Isa kasi yun sa mga pinakanababaitan ako sa mga kapamilya ko. Nakakatawa. Tinawag pa akong jeprox. Mukhang makakasundo ko yun sa mga bagay-bagay. Eksayted na akong mabisita sila sa bahay nila at makita yung anak nila. Minsan lang ako magkainteres [ng hindi sapilitan] sa maligalig na pakikihalubilo sa mga kamag-anak ko. Hehehe.

----------

Resize.

----------

Kakapanood ko lang ng performances ni Moby sa MTV. Naalala ko na nung highschool ko ata unang nagustuhan si Moby. May mga techno / electronica music kasi akong gusto. At ang ilan doon ay ilan sa mga kanta niya. Maraming wirdo kasi akong naiimagine sa mga kanta niya. Aminado si Moby na isa daw siyang geek/nerd/sci-fi freak. Interesting na tao para sa akin si Moby. Maraming ayus na hilig si Moby. May "say" din siya sa mga social issues. Mahilig din siya magdrawing at magaling siya sumulat. Kaya nagustuhan ko si Moby. Isa nga siyang magaling na artist.

----------

Masaya na sana kasi nag-ayos ako ng audio files sa pc, ang ganda /galing ng pagkakaset nung iba't ibang genre ng tugtugin. Masarap na sanang pakinggan dahil iba-iba at gusto ko yung mga nilagay ko sa playlist. Kaso sira pa din yung audio device sa pc kaya wala ako marinig. Tsk.

[vanilla? wahehhhe]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home