20050419

SUMMER CLASS [perstaym]

  • Kahapon ang una naming lecture sa Math100. Mukhang ok naman ang flow ng lecture ng instructor, tamang tama lang ang bilis. Ewan ko kung madali siya magpa-exam, basta alam ko every Monday every week may long test kami. Tsk. Nakakaantok syempre ang higit dalawang oras ng Calculus, pero may break naman, tsaka mukhang lakas-trip na naman kami nila Joyce sa kakalait dun sa instructor--ang wirdo kasi ng boses kapag nagtuturo, parang may voicing. Hehe.

  • Strike nga pala kahapon. Wala na masyadong dyip ng makaalis ako ng bahay. Wala na talagang dyip nung tanghali sa UP. Nag-cab pa kami papunta sa Katips para mananghalian. At nag-trike na lang ako pabalik sa UP. Buti marami ng dyip nung pagabi na kaya madali naman akong nakauwi. Wala ako masyadong alam sa mga detalye ng strike at ng mga isyu ukol sa increase na naman sa produktong petrolyo, hindi kasi ako nakakanood ng TV sa mga nakalipas na araw. Madali akong mapagod sa mga araw na to. Kaya tulog lang ako ng tulog.

  • Nung isang araw, sinilip ko yung metal na lalagyan dun sa wallet ko na naglalaman ng kung anu-anong bagay. Nawala yung ga-kukong damo. Por syur, kinuha yun ng nanay ko. Hilig kasing makialam sa kwarto ko. Sabi ko oks lang, siguro nakita niya na yung mga kung anu-anong bagay sa kwarto ko na sa highschool pa naman galing, nakita ko rin kasing bukas yung mga drawer na naglalaman ng mga koleksyon ng yosi, upos, filter at mga pack. Tapos hindi niya naman ako sinabihan o kinonpranta nung buong araw. Akala ko napagtanto niya na kahit man magganun ako ay hindi naman ako patapong tao. Pero kani-kanina lang, kakaupo ko pa lang dito sa harap ng computer habang nagaagahan, tapos lumapit nanay ko, may sinabi sabay pakita nung palara na may ga-kukong damo. Tapos nagtanong. Sabi ko pinatago ng kaibigan. Tapos nagsermon ng wala pang 2 minuto. Tumango na lang ako ng tumango. Pasalamat ako at maaga pa at oks ang gising naming lahat. Ewan. Bottomline:Badtrip talaga ako sa mga tao dito na ang hilig makialam sa mga gamit ko.

  • Maaga pa lang, gising na silang lahat. Aalis ata silang lahat. Di ko alam kung saan sila pupunta. Basta ako papasok na.


  • [sa letrong O]

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home