20050506

EDAD GITNA APOY AT MINT

20%... prediksyon ko ay yan ang magiging score ko sa 2nd long exam namin sa Math100. Hindi naman siguro talaga mahirap yung exam. Pero dahil di ako nag-aaral, at dahil wala akong ganang mag-isip, kaya wala akong alam sa lesson. Kaya 15 mins. pa lang ako nakakalipas mula ng magsimula ang exam ay tumulala na ako sa bintana at nagpahangin. Well.

----------

Ang sarap ng hangin kaninang mga 6:30 pm sa may waiting shed sa FC. Di mainit. Di malamig. Tapos biglang...

----------

pelikula...

Napanood ko ang trailer ng Sin City. Directed ito ni Frank Miller at Robert Rodriguez. Base ito sa graphic novel ni Frank Miller. Hindi ako mayadong pamilyar kay Frank Miller at Robert Rodriguez. Ang alam ko isang writer si Frank Miller at napagalaman ko na direktor pala siya ng Robocop. Si Robert Rodriguez naman pala ay direktor ng The Faculty, Once Upon A Time in Mexico, ilang mga videos at iba pa...Pero hindi sila ang nakaakit ng aking pansin, kundi ng nakita kong guest director dito si Quentin Tarantino. Kaya naman hinanap ko agad yung trailer, na napanood ko naman sa MTV bago ko pa mahanap sa net. At yun nga! Interesting ang cinematography, black and white tapos may parts na ginagawang colored yung ilang mga bagay [lalo na yung pinakitang tinamaan ng ilaw ng flashlight ata yung mukha ni Bruce Willis]. Parang may scenes din na parang yung labas ay para kang nanonood ng mga oldies na black and white TV series. Mukha ok naman ang acting. Di ko pa alam ang talagang istorya, di ko naman kasi alam ang Sin City ni Frank Miller. Pero sabi, basta tungkol siya sa paghahanap ni Marv sa Sin City ng pumatay sa kanyang true love
daw na si Goldie.

Well, abangan na lang natin ito. Tsaka yung bagong pelikula na directed by Q. Tarantino talaga. Alam ko this year din release nun. Nakalimutan ko title.

Samantala, aabangan ko na lang ang Star Wars Ep 3 at yung Charlie and the Chocolate Factory. Gusto kong makita kung paano yung ending sa Charlie... kasi nakakatawang korni yung paglipad talaga ni Charlie at ni Willie Wonka dun sa unang bersyon. Hehe.

Pero gusto ko na rin makakuha ng mga kopya ng mga films na ito at mapanood soon...

  • astig[matism] - starring robin padilla directed ni jon red ata.
  • batang west side - yung kay lav diaz, di ko pa rin napapanood. ewan kung may vcd/dvd na neto.
  • bad education - starring gael garcia bernal. interesting ata yung mga pagsulpot ng karakters dito at yung pagkakatahi ng kuwento.
  • marami pa sa listahan. wala kasi akong pera at panahon bumili ng mga kopya [kahit pirata.hehe]...

    ----------

    yung pamagat, bugtong-bugtungan.
    katasin mo kung gusto mong intindihin.
    basta alam ko una kong narinig na sabihin sa kin yan nung grade 8, at di maganda yung dating sa kin.
    tapos narinig ko uli.
    ayoko nun.

    belat.

    ----------

    pramis. bago matapos yung summer dapat matamaan yung target. wahahaha.

    ----------

    di ako makapagtag sa tag-board. me kinalaman sa cookies. tsk.

    [walk down the right back alley of sin city and you can find anything]
  • 0 Comments:

    Post a Comment

    << Home