20050227

AVIATORS



[oh shit...]

20050226

BIDYU

andito ako sa sonic.
tagal ng taga-edit.
kaya eto libreng internet muna.
ehhehehe...
wala lang.

[it shall be done?]

20050225

GAZE



[patitick hur]

20050222

UBE

hala! asa linya na naman ako ng utang at ng virus!
may sipon pa tuloy ako ngayon.
kailangan na naming mag-cram sa pagshoot ng panpil report namin,
sayang ang ganda pa man din ng aming kwento...hehehe.
kaya bukas magmimeet kami ng grupo,
at pagkahapon, may group study kami para sa math...
mahirap na baka bumagsak pa,
kung ganito ba naman ang laman ng notebook mo,
pano ka papasa!

as in ganito...

[click to see larger image]

--------------------

madaming ritrato ang parating sa blog na ito.
antabayanan lamang po dahil asa madugong proseso pa ang mga ito.
kinakarir ko pa.


--------------------

tinadtad ko din pala ng bagong pictures ang friendster profile ko, tumaas kasi ang limit.. hehe..
tignan mo pa to ---->
http://www.friendster.com/viewphotos.php?uid=2954353
...hehehe

--------------------

hala namiss ko bigla ang bulok kong 5210 ..shiyet!

--------------------

sinilip ko ang upcat results nung isang araw...
pumasa naman ang pinsan ko...
pero walang pumasa dun sa ibang mga kakilala ko...
sayang o!...
hehe...

--------------------

kulang pa din ako sa tulog.
gusto kong gugulin ang isang buong araw sa pagtulog.
pero hindi ko mapigilan ang umalis ng bahay para may gawin sa labas.
kaya eto, madalas sumakit ang ulo sa antok at init ng panahon.
at wala na din akong masulat.
yun lang.

[ube ang kulay ng gabi at pula ang kabilugan ng buwan]

20050215

KUNG BAKIT KASI MAY ARAW NG MGA PUSO

Ipinakilala siya sa akin noon. Pangkaraniwan lang siya. Pero noon pa lang, naaliw na ako sa kanya. Kaya ano pa nga bang gagawin ko, e di subukang mapalapit sa kanya. Na sa totoo lang, ikinagulat kong napakadali lang palang gawin. Sa mga pinaggagagawa ko ba naman sa kanya, sigurado akong napalapit din siya sa akin. At marahil dun na din nagsimula ang lahat. Halos maikling panahon ko lang siya nakasama. Sa mga oras na kunwari'y nag-iisa ako, andun siya. Madalas naman kasi itinatago ko siya. Hindi ko siya ikinakahiya. Alam niya yun. At wala naman akong makitang dahilan kung bakit ko siya dapat ikahiya. Di ko lang alam kung kahit ako ay ikinakahiya niya din. Nagkaaintindihan naman kami. Nanatili naman ang mabuting pagtitinginan namin sa isa't isa. Di ganun na ganun ang namamagitan sa amin. Pero ganun iyon. Iyong sarili naming konsepto ng ganun. Pero bakit kailangan pang itapat sa araw na to ang paglisan niya. Sigurado hahanap-hanapin ko ang bawat tunog na naririnig ko sa kanya. At ang mga bali-balitang madalas kong ikwento sa kanya. Ngunit di ko alam kung bakit, pero di ko pa masyadong dinadamdam ang mga pangyayari ngayon. Siguro pagkalipas ng ilang mga araw, mas malulungkot din ako. Yun na siguro yung sinasabi nilang pakiramdam. Ewan ko. Basta nakakalungkot kahit papano. Wala na akong kakwentuhan tungkol kay Sartre, Camus, at ang mahiwagang lalaki sa Starbucks SM.

[haaaaaay. ganun pala yun]

*edit edit*

di pa rin ako inlab sa maniwala kayo't sa hindi.

----------------------

nawalan ako ng pera kahit pamasahe pauwi. pathetic. kaya ako ay namalimos.

----------------------

nakakatuwa ang Amelie

----------------------

saka na ang mga ritrato ng mga lumipas na pangyayari.

----------------------

[we are all stardusts]

20050213

YLANAN

Tick Tock. Tick Tock. Tingin sa kaliwa. Wala. Tingin sa kanan. Wala pa din. Tick Tock. Di na mapakali ang pwet niya sa pagkakaupo sa semento. Tayo. Lingon. Upo. Tick Tock. Nagkamot ng ulo sabay kinapa ang bawat bulsa ng nangungupas niyang pantalon. Dumukot ng isang istik ng yosi at lighter. Tick Tock. Taktak. Sindi. Hithit. Buga. Tick Tock. Sumipol ng paborito niyang kanta kasabay ng pagpadyak-padyak ng kanyang mga paa. Hithit. Buga. Tick Tock. Nananakit na ang kanyang leeg sa kakalingon. Lingon sa kaliwa. Lingon sa kanan. Sinulyapan ang oras sa kanyang relo. Tick Tock. Hinanap niya ang cellphone sa dala-dalang bag. Menu. Messages. Write. Nagpipindot. Message Sent. Taktak. Hithit. Buga. Tick Tock. Pasipol-sipol. Papadyak-padyak. Lingon. Hithit. Buga. Tick Tock. Tick Tock. Tayo. Lingon. Pindot. Pindot. Taktak. Hithit. Buga. Lingon. Tick Tock. Message Sent. Nagpapadyak. Lingon. Lingon pa. Lingon lang ng lingon. Tick Tock. Hithit. Buga. Tayo. Lingon. Lingon. Hithit. Buga.
Pindot. Pindot. Taktak. Hithit. Buga. Lingon. Lingon.Tick Tock. Tick Tock.
Check Op...
Tick Tock...
Tick Tock...
Tick Tock. Pinatay niya ang nagbabaga pang filter sa semento. Tingin sa kaliwa. Wala. Tingin sa kanan. Wala na. Buntong-hininga.


[akda ko para sa MP10 workshop #1...ok naman ang naging diskusyon namin sa workshop]

-----------------------

Napanood ko nga pala ang Phantom of the Opera. Nagandahan naman ako.
Lalo na sa Musical Score. Galing.

-----------------------

Sa next post na ko magkukuwento tungkol sa mga masasayang kaganapan sa mga nakalipas na araw at gabi kasi 8:00 am pa lang at kakauwi ko pa lang mula kina aryan.
Mamayang 9 ay aalis pa ako para sa shooting ng report namin.:]

[this is all i ask of you]

20050210

ANG AMA



ang bigat mo na pala ngayon anak...

[9 years?]

20050206

CLEAN AIR ACT

wow 2 weeks! ayus kaya pa!

--------------

nyaha bakit iniisip ng mga tao na inlab ako?!
oo naiinlab ako...dun sa bida ng windstrucked..hehe
tsaka sa kwento ng before sunset [actually hindi yung kwento, yung mismong pelikula]...

--------------

nag-mall ako kanina.
namili ng regalo.
napadaan ako sa national bookstore.
dun sa mga pinoy romantic books section.
may mga nasa 7 babaeng nakahilera dun.
nakakatawang tignan.
lahat sila seryosong seryoso sa pagbabasa nung romantic pocketbooks kuno.
dapat kukunan ko ng litrato kaso nakakahiya.

--------------

di ko na nabawi ang gastos ko sa nakalipas na 2 linggo.
pero sana lang ay matuloy ang balak na pag-iipon.
kaso mukhang mas maraming gastos sa susunod na linggo.
di bale hanggang summer pa ang pag-iipon.

--------------

may bago akong tinatambayan.ayus.

--------------

di ka pa ba nagsasawa sa koreano? eto ang sayo!
Korean Special

[i know.]

20050202

DOUBLE-DOUBLE



Sam: je gi!
Sion: Hahahhaa...
Kepi: Anu daw?


Hahaha...



shoot them!



lovers in east wood?!?!



best daw...

[kidding]
SINO SILA?



"I am shy..." - ANN



"Where's NAS?" - MINGKI



"Are you looking for us, Mingki?" - NAS [and bestfriend]



"Wow. This is interesting..." - SAM



"I'm so happy!" - SION

[photos courtesy of their cyworld...]