PAGSUBOK AT PAGSUKOB
Mahangin.
Kasabay ng ihip ay nilisan ko ang aking katinuan at sinakyan ang iyong mga panaginip.
Dahan dahang gumagapang ang pawis pababa sa aking mga pinsgi.
Ang iyong mahabang buhok ay naglalaro sa aking mga labi at ang ilang hibla naman ay nakayakap sa leeg mong pawisan.
Nag-iinit na pawis na lumalatay sa iyong balingkinitang braso hanggang sa iyong mga daliri.
Nakakapaso ang mga daliri tuwing dadampi ito sa aking mga kamay.
Ngunit ang iyong mga kamay ay hindi bibitaw at nanatiling mahigpit ang kapit.
Dumudulas ang iyong maselang kutis sa gaspang ng aking bisig.
Nagsalitan ang init ng ating mga katawan.
Sabay tayong tinatangay ng indayog ng kabuuan.
Pumipintig.
Ramdam ko ang kagustuhan mong umungol.
Ngunit ninais mong magpigil.
Bumibilis.
Hingal ang lumabas sa akin habang nakatitig sa makulay na talukap ng iyong mga mata.
Tumitindi.
Unti-unting bumibitaw ang pagkahapit ng iyong mga kamay.
Lumalalim.
Dumidiin.
At tuluyang dumaloy ang dugo ng kamunduhan.
Napabuntong-hininga ako.
At ika'y napasandal sa aking mga balikat kasabay ang pagkagat mo sa iyong mga labi.
Di maalis ang aking pagkakatitig sa larawang hapo na nasa iyong mukha.
Iminulat mo ang mga mata mo sabay sambit ng..."Para po!"
At kasabay mong lumisan ang pantasya.
---kailangan ko pa tong ayusin para pwede kong magamit sa akdang gagawin ko para sa malikhaing pagsulat. Ansarap talaga sa dyip.
-----------------------------
isa na namang transport strike ang ginanap sa araw na ito.
pinagsabihan akong huwag ng pumasok.
wala daw dyip.
tiyak na isususpende daw ang mga klase.
may sakit daw ako.[lintek naman kasi nagka-asthma pa. pero onti lang naman.]
pinili kong pumasok.
una, dahil gusto kong makinig sa mga leksyon sa mga klase ko tuwing MTh.
ikalawa, sayang ang absences.
ikatlo, sayang ang baon.
panghuli, malabong abutan ang mga klase ko ng suspesyon ng klase sa unibersidad.
inasahan ko nang mayroon pa ring ilang dyipni ang bibiyahe.
at naging madali nga ang biyahe ko papuntang UP.
marami din pala ang hindi sumama sa strike.
ang iba, nagpatuloy ang hanapbuhay sa mga kalye at highway.
karamihan naman sa commuters ay pawang mga pansariling pangangailangan lamang ang inintindi.
ang pagpasok daw sa eskwela at sa kanilang mga trabaho.hanapbuhay din.
wala akong masisi...
-----------------------------
Sa totoo lang, nagiging masipag ako sa pag-aaral ngayon [kahit hindi naman talaga nag-aaral] dahil sa mga interesante kong subjects. Nawiwili at marami akong natutunan sa pagbabasa ng aklat namin sa Socio10. Gusto ko na rin mabasa ang mga readings namin sa Panpil19 at mapanood ang mga films para dun. Inaabangan ko din ang pagpasok sa Natsci2 dahil sa mga makukulit na hirit ng teacher. At syempre, sana astig yung mga camping namin sa orienteering.
Syempre, ayoko pa rin ng factoring.[pero salamat sa +10 kanina sa Math17!]
-----------------------------
Nawili na naman ako sa panonood ng mga films sa UP. Kahit nga pagtambay lang sa labas ng Film Institute[hindi naman]. Maraming nanonood sa FI ngayong Spanish Film Festival. Dalawang Spanish film ang napanood ko kanina,El viaje de Carol at El otro lado de la cama. Hindi ko nasimulan yung una kaya medyo hindi ko alam ang tunay na kuwento. Pero dun sa ikalawa, sobrang natawa ako. First time kong matawa ng malakas sa FI [talo pa ang ang Waterboys] at dahil iyon sa comedy love story na ito. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng mga tawanan ng mga katabi ko o kaya'y benta talaga sa akin yung ala musical style at humor ng pelikula. Anu pa man, pinaligaya ako nito. Benta. At natutunan ko ang mga katagang ito...
basta parang ganun.ahehhe.
------------------------------
mga pahabol na impormasyon:
pasensya sa mga birthdates na napagrambol-rambol ko.ahehhe.pagbati na lang uli.
nakakatakaw pala talaga ang cherifer. kaso kahit inaantok ako, napipigilan ko pa din kaya napapapuyat pa din ako.
kailangan ko pang umattend ng mga rehearsals ng cotillion.hala.
sana maging maayos ang pagkuha ko ng mga pictures pag pinahiram yung cam.
3 beses na ata akong nagkasakit sa linggong ito.syempre di malala.
pasko na! shiyet! pera! asan ka!
**di ko alam kung bakit ganito yung title ko. basta me naalala lang akong payong kaya sukob.tapos yung pagsubok ewan ko.pero mga wala naman masyadong kwentang mga bagay yun.dulot lang siguro ng aliw.wahahah
["...basta alam ko masarap magkape..." - lords de veyra]
Mahangin.
Kasabay ng ihip ay nilisan ko ang aking katinuan at sinakyan ang iyong mga panaginip.
Dahan dahang gumagapang ang pawis pababa sa aking mga pinsgi.
Ang iyong mahabang buhok ay naglalaro sa aking mga labi at ang ilang hibla naman ay nakayakap sa leeg mong pawisan.
Nag-iinit na pawis na lumalatay sa iyong balingkinitang braso hanggang sa iyong mga daliri.
Nakakapaso ang mga daliri tuwing dadampi ito sa aking mga kamay.
Ngunit ang iyong mga kamay ay hindi bibitaw at nanatiling mahigpit ang kapit.
Dumudulas ang iyong maselang kutis sa gaspang ng aking bisig.
Nagsalitan ang init ng ating mga katawan.
Sabay tayong tinatangay ng indayog ng kabuuan.
Pumipintig.
Ramdam ko ang kagustuhan mong umungol.
Ngunit ninais mong magpigil.
Bumibilis.
Hingal ang lumabas sa akin habang nakatitig sa makulay na talukap ng iyong mga mata.
Tumitindi.
Unti-unting bumibitaw ang pagkahapit ng iyong mga kamay.
Lumalalim.
Dumidiin.
At tuluyang dumaloy ang dugo ng kamunduhan.
Napabuntong-hininga ako.
At ika'y napasandal sa aking mga balikat kasabay ang pagkagat mo sa iyong mga labi.
Di maalis ang aking pagkakatitig sa larawang hapo na nasa iyong mukha.
Iminulat mo ang mga mata mo sabay sambit ng..."Para po!"
At kasabay mong lumisan ang pantasya.
---kailangan ko pa tong ayusin para pwede kong magamit sa akdang gagawin ko para sa malikhaing pagsulat. Ansarap talaga sa dyip.
-----------------------------
isa na namang transport strike ang ginanap sa araw na ito.
pinagsabihan akong huwag ng pumasok.
wala daw dyip.
tiyak na isususpende daw ang mga klase.
may sakit daw ako.[lintek naman kasi nagka-asthma pa. pero onti lang naman.]
pinili kong pumasok.
una, dahil gusto kong makinig sa mga leksyon sa mga klase ko tuwing MTh.
ikalawa, sayang ang absences.
ikatlo, sayang ang baon.
panghuli, malabong abutan ang mga klase ko ng suspesyon ng klase sa unibersidad.
inasahan ko nang mayroon pa ring ilang dyipni ang bibiyahe.
at naging madali nga ang biyahe ko papuntang UP.
marami din pala ang hindi sumama sa strike.
ang iba, nagpatuloy ang hanapbuhay sa mga kalye at highway.
karamihan naman sa commuters ay pawang mga pansariling pangangailangan lamang ang inintindi.
ang pagpasok daw sa eskwela at sa kanilang mga trabaho.hanapbuhay din.
wala akong masisi...
-----------------------------
Sa totoo lang, nagiging masipag ako sa pag-aaral ngayon [kahit hindi naman talaga nag-aaral] dahil sa mga interesante kong subjects. Nawiwili at marami akong natutunan sa pagbabasa ng aklat namin sa Socio10. Gusto ko na rin mabasa ang mga readings namin sa Panpil19 at mapanood ang mga films para dun. Inaabangan ko din ang pagpasok sa Natsci2 dahil sa mga makukulit na hirit ng teacher. At syempre, sana astig yung mga camping namin sa orienteering.
Syempre, ayoko pa rin ng factoring.[pero salamat sa +10 kanina sa Math17!]
-----------------------------
Nawili na naman ako sa panonood ng mga films sa UP. Kahit nga pagtambay lang sa labas ng Film Institute[hindi naman]. Maraming nanonood sa FI ngayong Spanish Film Festival. Dalawang Spanish film ang napanood ko kanina,El viaje de Carol at El otro lado de la cama. Hindi ko nasimulan yung una kaya medyo hindi ko alam ang tunay na kuwento. Pero dun sa ikalawa, sobrang natawa ako. First time kong matawa ng malakas sa FI [talo pa ang ang Waterboys] at dahil iyon sa comedy love story na ito. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng mga tawanan ng mga katabi ko o kaya'y benta talaga sa akin yung ala musical style at humor ng pelikula. Anu pa man, pinaligaya ako nito. Benta. At natutunan ko ang mga katagang ito...
"We are all bisexuals. And we can love our close friends."
basta parang ganun.ahehhe.
------------------------------
mga pahabol na impormasyon:
**di ko alam kung bakit ganito yung title ko. basta me naalala lang akong payong kaya sukob.tapos yung pagsubok ewan ko.pero mga wala naman masyadong kwentang mga bagay yun.dulot lang siguro ng aliw.wahahah
["...basta alam ko masarap magkape..." - lords de veyra]
1 Comments:
hehe ang ganda ng akda mo. hehehehe.
Post a Comment
<< Home