20041116

KWENTONG DYIPNI

minsan mo na bang naranasan ang sumakay ng isang dyip, masiksik sa pagkakaupo, at mabingi sa ingay ng mga katabi mong pasahero?
at higit pa diyan maramdamang ikaw lang ang nag-iisang OP sa dyip.
talo ka pa ng drayber.
ito ang mga pagkakataong ang mga kasabay mo pala sa dyip ay pawang magkakakilala.
parang isang schoolbus kung saan ang lahat ng bata ay nagtatalaktakan at naghihiyawan.
at ikaw, wala kang magawa dahil hindi ka maka-relate sa kanilang lahat.
isasabit mo na lang ang kamay mo sa kapitan sabay siksik pa ng pwet sa upuan.
sabay bulong sa sarili na sana'y malapit na ang iyong bababaan.
ang iba bubulong pa ng "ehe..ssshh..may ma-oOP.."
o di kaya'y gagawa ng mga pasimpleng kwentong barbero na panama sa iyo.
o kaya nama'y magpaparinig tungkol sa mga bagong alambre sa tindahang bukas.
[tumutukoy ito sa kili-kili mong lantad sa kanila dahil sa pagkakapit mo sa dyip]
sabay papara ka na lang at kakamutin ang tenga mo.


naalala ko ang mga eksenang ganito nang sumakay ako pauwi kanina ng dyip. sa tabi ng drayber ako umupo. sinisilip-silip ko sa salamin ang mga pasahero sa likod. at dun ko nakita ang isang babaeng halatang irita na sa ingay ng mga pasahero na halatang magkakakilala lahat. buti na lang asa harap ako. naalala ko din tuloy sa ganitong pangyayari ang pagkakasabay ko dati sa isang grupo ng mga koreano sa dyip. asa gitna pa talaga ako ng dyip at sa kin pa inaabot ang mga bayad nila, kaysa sa mga kasama nilang mas malapit naman sa drayber. anu pa man, ang mga eksenang ito ay ilan lang sa mga naiibang karanasan ko sa pagbibiyahe sa dyip. masaya.

----------------------------------------------

hassle ang maglakad mula AS papuntang NIGS para mag-GEOL1 [na minsan ay boring] tapos babalik na naman sa AS. nakaka-antok ang oras na to.

----------------------------------------------

walang hangin kanina. may kukuwento pa naman ako sa hangin. pinagtiisan ko na lang ang damo kahit nakikipaglaro ito sa mga langgam.

----------------------------------------------

wasting time na talaga ata ang mga hapon ko kapag MTh.
nakakailang istik din kami kapag ganitong araw.
badtrip pa kanina, kung kailang nagsuot ako ng pink, nagkataon namang andami ding nagsuot ng pink. pati yung mga taga samaskom naka pink pala lahat.nyaks

----------------------------------------------

gusto ko magbabad uli sa tubig.sa 28 pa siguro.
oy aryan wala na kong trangkaso nung nagswimming ako. sabado pa lang wala na trangkaso ko. mukhang enjoy naman kayo sa paskong pasiklab adbentyurs nyo.ayus.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home