20041104

XEROX

wuhoo the busy week begins!!!

WALANG KWENTANG MONDAY...

YOSI TUESDAY!
pumunta ako ng UP para kunin ang natitirang 3 classcards ko. pero wala na naman akong napala.nang pumunta akong sunken, nakita ko si mec.tumambay na lang kami.pinapunta ko si yosi buddy jaq.tapos kung sino sino na rin ang dumating.nagsama pa si jaq ng babae.whoa..hehe..wahahha..jaq peace!wala akong balak.hehehe.
nakilala namin si TONY BOY. isa siyang lalaking naka-malong.
lumapit siya sa amin at kung anu-ano ang pinagsasabi.kala ko baliw na naman. tapos tinanong kami kung taga UPIS kami.ayun pala taga UPIS din siya batch 94 pa. at pinapasabi nya ke ma'am de villa na i lab you.dahil minsan daw ay ipinagtanggol sya ng naturang guro ng mapaaway si TONY BOY sa Boston Garden. sa biyernes , dadaan uli akong sunken. niyaya kami ni Tony Boy na magbalik sa sunken sa biyernes.me kinalaman sa mga taga UPIS. ewan ko kung anu at kung bakit.
sa paglalim ng gabi, lumalim din ang usapan namin ni jaq.
waahhaha pano tungkol sa kamunduhan.tae tlga naman o.

"what's the equation of the solution to the problem of population?... UP GO!" - TONY BOY ng UPIS BATcH `94

-----------------------------------

NGARAG WEDNESDAY!
unang araw ng enrollment.ngarag ang mga tao.
pumasok muna ako sa OUR para mag-assist at hintayin mga papeles ko.
pagdating ng lunch.sugod na rin ako sa enrollment.
tae, ayaw ako bigyan ng form5 dahil kulang classcards ko.
kaya pumunta akong FC para kunin.
pero bago ko makuha ang mga yun, kung saan saang building muna ako napadpad dahil sinamahan ko si rusan at si kaye.
kaibigan nga naman.
pero...
wuhoo! 1.25 ako sa philo! astig!
pero badtrip dahil wala pa din ang anthro.
kaya pinagpabukas ko na lang ang pag-eenroll.
balik na lang sa OUR para magtrabaho.
ayus.

-----------------------------------

DI MASYADONG NGARAG THURSDAY!
whapaak! finally nakapagenroll na ako. nagpa-advise ako at buti wala yung original na adviser kaya pinayagan ako nung proxy na kumuha ng form 5 kahit kulang pa ang classcards ko.
1.75 ako sa tapdance.hehe pasok pa para mag Tap Dance 4.
pero pinagpabukas ko na ang pagbabayad ng tuition.
nagtrabaho na lang uli ako sa OUR.
ayus din pala ang mag RA sa OUR.
madami-dami din ang mga tao.
yung iba ang tataray.badtrip
yung iba oks lang sa kanila kahit na mali mali na yung nabibigay naming instructions.
yung iba, hinahamon ang english ko.langyang mga foreigners.wahahha
pero nakakapagod din.
oks lang.improving naman ang pagkain at minsan naglalaughtrip na lang.

------------------------------------

FRIDAY a bukas. sana matapos na lahat ng kailangan ko tapos RA na lang uli. tapos tambay siguro sa sunken uli.sana hindi umulan.wuhoo!

[mukhang timang kung anung post ko dito ngayun.yun din mismong post ko sa lj wahahaha.la lang]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home