20041020

MY SEM-END REPORT

The First Day...

May freshman assembly nung hapon.pagkatapos nun, para akong isang ligaw na bata paglabas ng UP Theater. Dahil sa pagmamarunong ko sa CRS, mali ang isked na nakuha ko kaya isa ako sa mga sampid na Math Majors pero salamat sa FOPC at siningit nila ako sa BlockM9 kung san me nakilala akong bagong kras...



CURRICULAR



MATH17 - ito ata ang 1st class na pinasukan ko sa unang taon ko sa kolehiyo at ang matindi pa, kay Hermosilla ako pumasok. Habang naghihintay sa afternoon sched ng Freshman Assembly, nag-decide akong pumasok muna sa klase [kahit excused naman talaga ang freshies]. Na-meet ko si Hermosilla at ang kapal ng mukha kong mag-recite sa klaseng yun. Sabay nagpasa ng attendance. Wala ang pangalan ko. Pagsilip ko sa Form 5 , nakita kong 301 pala and room ko sa MATH. Nasa 304 ako ng mga panahong iyon. Huli na dahil tapos na ang klase. Pero buti nalang at hndi pala talaga yun ang klase ko. Kaya kinabukasan at sa mga sumunod pang araw, kahit madalas akong late [at kahit yun ang first subject ko araw-araw], ay sa 301 na akopumapasok. Medyo mabilis magturo si Ma'am Mia. Surprise pa ang quizzes. Pero kumpleto lagi ang notes ko. May Leithold din ako. At dahil isa akong Math Major, pinag-aralan kong mabuti ang subject na ito.

HATOL - DRP . Dahil sa mga faling grades ko na...
  • LT1 : 42.31 %

  • LT2 : 16.15 %

  • LT3 : 40%

  • MIDTERMS : 52.22%

  • ...nag-drop ako [ang condition ko kasi ay magdodrop ako kung parehong bagsak ang LT3 at Midterms ko]. Wala man lang nakalapit sa 60%.

    PHILO10 - isa ito sa mga pinaka-inaabangan kong klase noon. Kala o sobrang saya at astig ng mga magiging class discussions namin. Pero nagkamali ako. Na-bore ako a Prof. At dyahe minsan ang mag-paphotocopy ng sobrang daming readings na hindi niya naman dinidiscuss lahat. On 2nd thought, madami akong natutunan sa mga readings na sobrang nakaimpluwensya sa pilosopiya ko. Kahit papaano, may mga discussions din na medyo nakakabuhay. Di tulad ng minsan akong nahalatang natutulog ng Prof. ko at buti na lang di nya ako sinita.

    HATOL - 1.5 man lang sana. Dahil astig siya mag-bigay ng exam [na may passing na 10%]. At nawili akong mag-library para magawa yung philosophical paper ko. Madami talaga akong natutunan dito kahit na about 1/4 ng readings ang hindi ko pa talaga nababasa.

    ANTHRO10 - Madali lang ito kng si Prof. Dalisay and teacher mo. Medyo ordinay lang naman ang discussions kaya madaling sakyan. Daming upperclass sa klase kong ito at me isa pang nakakabadtrip na dahil sa sobrang walang kwenta ng mga hirit niya. Swerte din kami dahil andaming absences ni Prof. dahil sa Convention niya sa Netherlands, Workshop tungkol dun sa Sex and Society[ata], tsaka dun sa mga meeting para sa Chairman ng department nila. Pero hindi niya kami binigyan ng make-up classes.

    HATOL - 1.5 man lang. Oks naman ang short quizzes ko. Kahit olats ako dun sa report.Ehehe.

    ENVISCI1 - badtrip ako dati sa klaseng ito dati dahil hindi ko naiintindihan ang pananalita ng Burmese Prof. ko. Medyo boring pero oks lang. Easy! Pwede kang magpa-attendance lang at lumabas na lang ng klase dahil lagi namang me handouts na makukuha sa Photocopying Area sa 2nd flr ng FC. Badtrip nga lang minsan dahil hindi ko alam kung sa MSI o sa Villadolid yung klase ko. Tae, e magkalayung-magkalayo ang mga buildings na yun!

    HATOL - 1.75 [final na yan!]. Dahil easy lang siya magpa-exam basta aralin mo ang handouts. Tapos puro long test lang...
  • LT1 : 82 %

  • LT2 : 88 %

  • LT3 : 84.5 %

  • ...ang finals optional na lang kung gusto mo pang pataasin grades mo. At salamat sa kagrupo naming taga CHK sa paggawa niya ng Term Paper namin [80/100] at sa mga iba pa naming kagrup na pareho kong mukhang mga tamad.haha

    ENG1 - kung grammar lang din, wag ka ng umasa dito. Kay Ma'am Cel, parang CW10 ang klase. Pero oks lang sa kin. Ok siya mag-discuss tungkol sa mga pinapabasa niya samin. Medyo nakakarelate naman kami [maliban dun sa iba naming goodylicious na kaklase]. Nakakatamad nga lang, kasi pagkatapos kong maglakad mula Villadolid o MSI ay kelangan ko pang umakyat ng 5th flr ng CAL para lang salubungin ng mga kaklase kong parang taga PUNCHLINE. At sana wag na kong tawaging Mr. Emo Himself ni Ma'am. Waaah.

    HATOL - 2.0 . Dahil sa walang kwenta kong pagsusulat at sa mga writer's block kuno.

    TAPDANCE3 - badtrip minsan ang gumising ng sobrang aga kapag Sabado. Pero para kakaiba ang trp, in-enjoy ko ang tapdance. Bangag pa ako madalas na nagkakataong may practical exam. Pero ayus lang. Kakaririn ko nga to minsan para makasayaw na ako sa A.S. steps sa isang maulang gabi.Nyahaha.

    HATOL - 1.75 para makapag TAP4 ako. Pero mukhang 2.0 lang dahil bangag ako sa mga exams. Waah.

    [hahaha.parang antataas ng mga pangarap kong grades a..wahaha]


    EXTRA-CURRICULAR



  • the best ang freebies para sa mga freshies

  • ayus ang mga free concert at iba pang events sa UP

  • mukhang indi ganun ka-successful ang NFF hunting ko

  • nakakawili manood ng samu't saring pelikula sa Film Institute kahit mag-isa ako

  • medyo nagka-regret din ako ng mag-quit ako sa training ng KONTRA GAPI

  • badtrip ang sunken.basa lagi

  • badtrip sa bahay.walang PC.badtrp gumawa ng requirements

  • mahirap mag-ipon ng pera

  • kahit madalas magfood-trip sa kung saan-saan at ng kung anu-ano.payatot pa din ako

  • mukha akong adik

  • sabog at wirdo ng humahaba kong buhok

  • dahil sa ka-emo-han, hindi maganda ang tapos ng sem na ito
    at marami pang ibang pangyayari na badtrip at astig.

    HATOL - 2.5 TSK TSK TSK. Pagbubutihin na lang uli next sem!

  • [wuhoo at hehe!]

    0 Comments:

    Post a Comment

    << Home