20041130

LAKAD LANG NG LAKAD

[sinasabayan ng pagkanta ang tumutugtog sa media player]

Took a while to drag me out of bed,
Aim some coffee at my head,
Saw the clock I'm running late,
It's an ordinary day.


andami ko dapat ilalagay sa post na ito.
tungkol sa masakit kong paa sa kakalakad.
tungkol sa bagyo at sa mga sagot ng mga bata kapag tinatanong sila kung bakit bumabaha.
tungkol sa pagbabalik ng imahinasyon at inspirasyon ko sa pagsusulat.
tungkol sa malamig na boses ni sir maglambayan na ala oyayi kapag nasa geol1 class ako.
at tungkol sa kung anu-ano pa.

And I'm like a dog on heat,
Knock one out and then fall asleep,
It's sad but true,
I'd rather be with you.

Don't you forget about me,
When you're a celebrity,
It will be only you and me
Before too long.

So little time so much to do,
I rather spend my days with you,
So little time so much to do,
I'd like to spend one day with you,
And if that day is not enough,
Maybe we can stay in touch,
But i'm not making plans for tomorrow,
For tomorrow never comes.


unti-unti ng nabuo sa isip ko yung mga ideya.
wala na naman kasi akong magawa kaya nag-iisip na lang.
tapos naisipan kong ilagay sa blog.
sabay pag-harap ko sa computer, aba'y nalagas ang mga ideya.
nagtago sa likod ng aking cerebrum at ng aking hypothalamus.[sorry, i don't know much about biology.ahhee]
kaya eto tinamad tuloy.

Said I've been celibate for years,
Not out of choice there's no-one here,
See I can't get my end aaaway,
Another ordinary day,
And I've love to see a little more of you,
You're clothes would look better on my bedroom floor, bedroom floor.

Don't you forget about me,
When you're a celebrity
I know you're busy,
But we all need somebody - before too long.


kaya ngayon kakanta na lang ako ng kakanta para masaya.
sayang me sira tong audio file kong ito.

So little time so much to do,
I wanna spend my days with you,
So little time so much to do,
I'd like to spend one day with you,
And if that day is not enough,
Maybe we can stay in touch,
But i'm not making plans for tomorrow,
For tomorrow never comes.

It's in your eyes, in your eyes

So little time so much to do,
I wanna spend my days with you,
So little time so much to do,
I'd like to spend one day with you,
And if that day is not enough,
Maybe we can stay in touch,
But i'm not making plans for tomorrow,
For tomorrow never comes.


----------------------

wala talagng kinalaman ang nararamdaman ko ngayon sa kantang to.
nagkataon lang na eto yung tumutugtog tapos ansaya pakinggan.
sakto naman, medyo pwede na ring background music sa topic namin ng kausap ko ngayon.ahehhe.

p.s.
pasensya kung bumagal yung pag-load dahil sa bagong items sa page.pauso lang.ahehhe.


[...For tomorrow never comes.]

20041128

KHALED MARDAM-BEY

[jezzica] tga-upis k???
[ispayk] yup
[jezzica]ahhhhhh...
[jezzica]my blockm8 xe akong kbatch mo.. wla lng..
[jezzica]:p
[ispayk]sino?
[jezzica]si dan
[ispayk]ah
[icatiu]wla lng
[ispayk]ahhehe
[jezzica]wahahaha
[jezzica]wla mgwa bad3p
[ispayk]ahehhehe
[jezzica]mtnong ko lng.. my blogspot k b n itim??????
[ispayk]oo
[jezzica]wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
[ispayk]bakit ikaw ba yung ica dun?
[jezzica]wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
[ispayk] bakit ikaw ba yung ica dun?
[ispayk] ung nameless
[ispayk] kaw ba un?
[jezzica] wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
[jezzica] wahahahahahahhaha
[jezzica] ikaw ung ispayk????
[ispayk] hmmm waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh
[ispayk] oo bat
[ispayk] kaw ba un?
[ispayk] ung nameless
[ispayk] bakit ikaw ba yung ica dun?
[jezzica] anu s tngin mo????
[jezzica] wahahahahaha


coincidence.

[what's running on your media player right now? --untitled track 10]

20041125

PAGSUBOK AT PAGSUKOB

Mahangin.
Kasabay ng ihip ay nilisan ko ang aking katinuan at sinakyan ang iyong mga panaginip.
Dahan dahang gumagapang ang pawis pababa sa aking mga pinsgi.
Ang iyong mahabang buhok ay naglalaro sa aking mga labi at ang ilang hibla naman ay nakayakap sa leeg mong pawisan.
Nag-iinit na pawis na lumalatay sa iyong balingkinitang braso hanggang sa iyong mga daliri.
Nakakapaso ang mga daliri tuwing dadampi ito sa aking mga kamay.
Ngunit ang iyong mga kamay ay hindi bibitaw at nanatiling mahigpit ang kapit.
Dumudulas ang iyong maselang kutis sa gaspang ng aking bisig.
Nagsalitan ang init ng ating mga katawan.
Sabay tayong tinatangay ng indayog ng kabuuan.
Pumipintig.
Ramdam ko ang kagustuhan mong umungol.
Ngunit ninais mong magpigil.
Bumibilis.
Hingal ang lumabas sa akin habang nakatitig sa makulay na talukap ng iyong mga mata.
Tumitindi.
Unti-unting bumibitaw ang pagkahapit ng iyong mga kamay.
Lumalalim.
Dumidiin.
At tuluyang dumaloy ang dugo ng kamunduhan.
Napabuntong-hininga ako.
At ika'y napasandal sa aking mga balikat kasabay ang pagkagat mo sa iyong mga labi.
Di maalis ang aking pagkakatitig sa larawang hapo na nasa iyong mukha.
Iminulat mo ang mga mata mo sabay sambit ng..."Para po!"
At kasabay mong lumisan ang pantasya.


---kailangan ko pa tong ayusin para pwede kong magamit sa akdang gagawin ko para sa malikhaing pagsulat. Ansarap talaga sa dyip.

-----------------------------

isa na namang transport strike ang ginanap sa araw na ito.
pinagsabihan akong huwag ng pumasok.
wala daw dyip.
tiyak na isususpende daw ang mga klase.
may sakit daw ako.
[lintek naman kasi nagka-asthma pa. pero onti lang naman.]
pinili kong pumasok.
una, dahil gusto kong makinig sa mga leksyon sa mga klase ko tuwing MTh.
ikalawa, sayang ang absences.
ikatlo, sayang ang baon.
panghuli, malabong abutan ang mga klase ko ng suspesyon ng klase sa unibersidad.
inasahan ko nang mayroon pa ring ilang dyipni ang bibiyahe.
at naging madali nga ang biyahe ko papuntang UP.
marami din pala ang hindi sumama sa strike.
ang iba, nagpatuloy ang hanapbuhay sa mga kalye at highway.
karamihan naman sa commuters ay pawang mga pansariling pangangailangan lamang ang inintindi.
ang pagpasok daw sa eskwela at sa kanilang mga trabaho.hanapbuhay din.
wala akong masisi...

-----------------------------

Sa totoo lang, nagiging masipag ako sa pag-aaral ngayon [kahit hindi naman talaga nag-aaral] dahil sa mga interesante kong subjects. Nawiwili at marami akong natutunan sa pagbabasa ng aklat namin sa Socio10. Gusto ko na rin mabasa ang mga readings namin sa Panpil19 at mapanood ang mga films para dun. Inaabangan ko din ang pagpasok sa Natsci2 dahil sa mga makukulit na hirit ng teacher. At syempre, sana astig yung mga camping namin sa orienteering.
Syempre, ayoko pa rin ng factoring.[pero salamat sa +10 kanina sa Math17!]

-----------------------------

Nawili na naman ako sa panonood ng mga films sa UP. Kahit nga pagtambay lang sa labas ng Film Institute[hindi naman]. Maraming nanonood sa FI ngayong Spanish Film Festival. Dalawang Spanish film ang napanood ko kanina,El viaje de Carol at El otro lado de la cama. Hindi ko nasimulan yung una kaya medyo hindi ko alam ang tunay na kuwento. Pero dun sa ikalawa, sobrang natawa ako. First time kong matawa ng malakas sa FI [talo pa ang ang Waterboys] at dahil iyon sa comedy love story na ito. Hindi ko alam kung nadala lang ako ng mga tawanan ng mga katabi ko o kaya'y benta talaga sa akin yung ala musical style at humor ng pelikula. Anu pa man, pinaligaya ako nito. Benta. At natutunan ko ang mga katagang ito...
"We are all bisexuals. And we can love our close friends."


basta parang ganun.ahehhe.

------------------------------

mga pahabol na impormasyon:

  • pasensya sa mga birthdates na napagrambol-rambol ko.ahehhe.pagbati na lang uli.

  • nakakatakaw pala talaga ang cherifer. kaso kahit inaantok ako, napipigilan ko pa din kaya napapapuyat pa din ako.

  • kailangan ko pang umattend ng mga rehearsals ng cotillion.hala.

  • sana maging maayos ang pagkuha ko ng mga pictures pag pinahiram yung cam.

  • 3 beses na ata akong nagkasakit sa linggong ito.syempre di malala.

  • pasko na! shiyet! pera! asan ka!


  • **di ko alam kung bakit ganito yung title ko. basta me naalala lang akong payong kaya sukob.tapos yung pagsubok ewan ko.pero mga wala naman masyadong kwentang mga bagay yun.dulot lang siguro ng aliw.wahahah

    ["...basta alam ko masarap magkape..." - lords de veyra]

    20041121

    FREE ASSOCIATION

    reggae
    bob marley
    jamaica
    jutes
    green
    sunken
    solid
    yosi
    matlboro
    red
    kaye
    star
    gel
    buhok
    bunot
    linis
    white
    tela
    damit
    emperor
    china
    yellow star
    flag
    france
    blue
    sky
    cloud
    phillip
    polo
    conyo
    rubber shoes
    running
    grass
    guitar
    brown
    chocolate
    cadbury
    violet
    flower
    yellow

    sinubukan ko lang uli. isang writing exercise.
    hmmm. nagresist na naman ako.
    mukhang resistance magiging problema ko sa pagsusulat.
    sarap pala ng ganito.

    [bertdey ng utol ko]

    ["5, 6, 7, 8...", naalala ninyo pa ba ang kantang ito ng Steps? wala lang]

    20041118

    GATAS

    Madali akong naglalakad sa pasilyo ng Palma Hall papunta sa aking susunod na klase, nang mapadaan ako sa banyong panlalaki. Isang pamilyar na bagay ang umakit sa aking pansin nang makita ko ang nakadikit sa pader sa may pintuan ng banyo...

    *****

    Do you feel like a chain-store
    practically floored
    One of many zeros
    kicked around bored
    Your ears are full, but you're empty
    holding out your heart
    to people who never really
    care how you are...


    Isa sa mga paborito kong music videos ay ang Coffee and TV ng Blur.
    Dito sa video na ito lumabas ang isang milk carton guy na nakipagsapalaran sa lansangan upang hanapin si Graham Coxon.

    So give me coffee and TV
    Peacefully
    I've seen so much, I'm going blind and I'm brain-dead virtually
    Sociability
    is hard enough for me
    take me away from this big bad world
    and agree to marry me
    so we can start over again.


    Natagpuan ng milk carton guy si Graham Coxon at nagtagumpay itong makumbinsi si Graham Coxon na umuwi muli sa kanyang pamilya.

    Do you go to the country
    it isn't very far
    There's people there who'll hurt you
    'cause of who you are
    Your ears are full of their language
    There's wisdom there you're sure
    'Till the words start swirling/slurring
    and you can't find the door


    Sa bandang huli ay yumao ang milk carton guy at kasabay niyang umakyat sa langit ang milk carton girl.

    So give me coffee and TV
    Peacefully
    I've seen so much, I'm going blind and I'm brain-dead virtually
    Sociability
    is hard enough for me
    take me away from this big bad world
    and agree to marry me
    so we can start over again.


    Isa ito sa mga kantang laging sakto sa akin sa kahit anong pagkakataon.
    Minsan din kayang lalabas sa isang milk carton ang mukha ko?
    Ano yun sa Nido?! ahehe.

    *****

    Batid ko nang may kakulangan ako sa height kahit na nung elementarya pa lamang ako.
    At sa mga panahong ito, iniasa ko na lamang ang kaunting dagdag na pulgada sa pag-inom ng gatas.
    Isinasabay ko ang pag-inom ng gatas sa pagkain ng egg salad bago ako matulog [na kadalasang hatinggabi na].
    Epektibo. Sa mabilis na panahon kahit papano tumangkad ako [kahit na medyo tapos na ako sa stage ng biglaang pag-usbong ng mga pisikal na katangian ng isang nagbibinata].

    At ngayon nasa kolehiyo na ako.
    Minsan na lang ako kung maka-inom ng gatas.
    Buti na lang may Cherifer na uli.
    Sana kasing epektib ito ng gatas.
    Kahit ilang pulgada lang pwede na.

    *****

    nakita ko ito sa internet.masubukan ngang gawin to.



    *****

    Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatulog ako habang nanonood ng isang film sa may Film Institute. Hindi ko naman sinasabi na ganoon ka-boring yung film. Dahil lang siguro iyon sa kakulangan ko sa tulog. At nagkataong bumagsak ang antok ko dun sa part na medyo boring.Maganda ang experimental film [Imitations of Life] na napanood ko kanina.
    May ilang bahagi nga lang kung saan ay di ko napagtuunan ng pansin ang mga mensahe [ang ilan ay sobra sa lalim, hindi ko lubusang maunawaan]dahil sa pagpokus ko sa visual presentation.Pinakagusto ko ang konseptong ginamit kung saan may overlappping frames ng 2 taong hubad na nagpipinta ng isang gray na dingding--ang isa ay may itim na pintura at ang isa puti. At sa bandang huli, nang mapintahan na ang buond dingding ay nanatili lang itong gray [kailangan ninyong makita upang lubusang maunawaan]. Sana makagawa din ako minsan ng ganoon.

    [ano kaya ang pangalan ng babaeng iyon, halos apat na taon na rin...]

    20041116

    KWENTONG DYIPNI

    minsan mo na bang naranasan ang sumakay ng isang dyip, masiksik sa pagkakaupo, at mabingi sa ingay ng mga katabi mong pasahero?
    at higit pa diyan maramdamang ikaw lang ang nag-iisang OP sa dyip.
    talo ka pa ng drayber.
    ito ang mga pagkakataong ang mga kasabay mo pala sa dyip ay pawang magkakakilala.
    parang isang schoolbus kung saan ang lahat ng bata ay nagtatalaktakan at naghihiyawan.
    at ikaw, wala kang magawa dahil hindi ka maka-relate sa kanilang lahat.
    isasabit mo na lang ang kamay mo sa kapitan sabay siksik pa ng pwet sa upuan.
    sabay bulong sa sarili na sana'y malapit na ang iyong bababaan.
    ang iba bubulong pa ng "ehe..ssshh..may ma-oOP.."
    o di kaya'y gagawa ng mga pasimpleng kwentong barbero na panama sa iyo.
    o kaya nama'y magpaparinig tungkol sa mga bagong alambre sa tindahang bukas.
    [tumutukoy ito sa kili-kili mong lantad sa kanila dahil sa pagkakapit mo sa dyip]
    sabay papara ka na lang at kakamutin ang tenga mo.


    naalala ko ang mga eksenang ganito nang sumakay ako pauwi kanina ng dyip. sa tabi ng drayber ako umupo. sinisilip-silip ko sa salamin ang mga pasahero sa likod. at dun ko nakita ang isang babaeng halatang irita na sa ingay ng mga pasahero na halatang magkakakilala lahat. buti na lang asa harap ako. naalala ko din tuloy sa ganitong pangyayari ang pagkakasabay ko dati sa isang grupo ng mga koreano sa dyip. asa gitna pa talaga ako ng dyip at sa kin pa inaabot ang mga bayad nila, kaysa sa mga kasama nilang mas malapit naman sa drayber. anu pa man, ang mga eksenang ito ay ilan lang sa mga naiibang karanasan ko sa pagbibiyahe sa dyip. masaya.

    ----------------------------------------------

    hassle ang maglakad mula AS papuntang NIGS para mag-GEOL1 [na minsan ay boring] tapos babalik na naman sa AS. nakaka-antok ang oras na to.

    ----------------------------------------------

    walang hangin kanina. may kukuwento pa naman ako sa hangin. pinagtiisan ko na lang ang damo kahit nakikipaglaro ito sa mga langgam.

    ----------------------------------------------

    wasting time na talaga ata ang mga hapon ko kapag MTh.
    nakakailang istik din kami kapag ganitong araw.
    badtrip pa kanina, kung kailang nagsuot ako ng pink, nagkataon namang andami ding nagsuot ng pink. pati yung mga taga samaskom naka pink pala lahat.nyaks

    ----------------------------------------------

    gusto ko magbabad uli sa tubig.sa 28 pa siguro.
    oy aryan wala na kong trangkaso nung nagswimming ako. sabado pa lang wala na trangkaso ko. mukhang enjoy naman kayo sa paskong pasiklab adbentyurs nyo.ayus.

    20041115

    MGA BAGONG KLASE [at isang take 2] ATBP

    una sa lahat, pagpasensyahan po ang delayed na post. ito po ay sa kadahilanang naging busy [kuno] ako sa pag-aayos [pakikisali sa pag-aayos] ng computer at dahil nasira pa ang modem.maraming salamat sa patuloy na pagbabasa sa mga walang kwentang post [walang kwenta daw o? pero may kwenta naman sa akin lahat ng napopost ko].

    ---------------------------------------------------------------------

    bagong semestre.bagong mga klase.mukhang masyado pang maaga para husgahan ko yung mga klase ko ngayon.pero sa ngayon, ito muna ang masasabi ko...



    PanPil19 -- Ito ang pinakamaagang klase ko. Pero sa tingin ko naman, sa pagka-interesante ng subject na ito, maiiwasan ko ang ma-late sa klase. Nung unang araw ko sa PanPil, nagkaroon kami ng parang diagnostic test. At sa mga tanong ni Sir, narealize ko na hindi ko pala naitanim sa isipan yung mga titles ng mga literary pieces na naging paborito ko. Hindi ko rin maalala yung mga erotic films na narinig ko na at gusto kong mapanood. Sinubukan din na isa-isa naming sabihin sa klase ang mga sumusunod: tite, puke, at suso. Sa kinasamaang-palad, itinigil ito bago pa man umabot sa akin. Pero sa totoo lang, kung sa isang konbersasyon o diskusyon, pinakasanay siguro ako sa etits, pussy, at boobs. Pero pwede ding etits, keps, at boobs. Ngunit dahil sa ako'y binansagan nang KEPS, aba'y wag na lang. Ahehe. At pagkatapos kong gawin ang post na ito ay sisimulan ko na ang assignment sa subject na ito.

    Socio10 -- Nung first sem, nakakaintriga ang makinig sa mga kuwento ng kaklase ko dati na kumuha ng Socio10 kay Lanuza. At dahil doon, pinakauna kong hinanap na GE sa CRS Enlistment ang Socio10. Aba'y kahit first week pa lang ng CRS ay umaapaw na ang mga estudyanteng nagpa-enlist dito. At umaapaw na nga [hindi naman, pero metaphorically speaking, ahehe] ang mga estudyante sa PH318 ng dumating ako sa unang araw ng Socio10. Akalain mong mas marami pa atang pre-rog na nakaupo na sa loob kaysa sa mga talagang enlisted na nakatayo sa pintuan. Swerte na lang sa mga draw lots na napili. Maiisip mo nga talaga si Ma'am Manzano kapag nagsalita na si Lanuza. Siguradong marami talaga akong matututunan sa kanya. Gayunpaman, mukhang hindi ako magiging recitative sa klaseng ito. Syempre kailangan dito may paninindigan ka sa bawat katatayuan mo. Asa pa akong malakas ako pagdating sa paninindigan. Pero isa lang ang masisiguro ko, kaya kong i-suspend ang mga biases ko [natutunan ko ata yun sa pag-aaral ko sa Philo10]. Sa wednesday bibili na ako nung libro para sa klaseng ito.

    NatSci2 -- Pinaka-unang klase sa 2nd sem. Madami kami sa klaseng ito. Humigit kumulang 160 siguro. Madami din kaming UPIS dito, mga 9 siguro [hindi pa kasama ang higher batches]. Kinuha ko ang NatSci2 dahil mas interesado ako sa earth science at bio [pero sa animal behavior at ecology ang gusto kong bio] kaysa sa chem at physics. Dahil malamig ang CS Audi, medyo inaantok ako dito. Pero magaling yung teacher kaya nakakabuhay. Isipin mo na lang kada meeting may mga hirit siyang panghopeless romantic. Mga pampa-impress daw sa date sabi ni Sir. Haha. Siguro kailangan ko na rin maglista ng wishes para sa night class namin sa December. Wahahha.

    MPs10 -- Kinuha ko ang klaseng to para malinang ang kakayahan[yung kakapiranggot] at interes ko sa pagsusulat. Nagkataon namang kaklase ko dito ang isang taong kaisang-utak ko sa ganitong bagay noong mga unang taon ng hayskul. Nagpakilala kami isa-isa sa klase. Kailangan sabihin ko ang isang bagay na sa tingin ko ay ako lang nakakagawa. Wala akong maisip. At pagtayo ko, binanggit ko na lang ang unang pumasok sa isip ko. Iyon ay ang pag-inom ng Coke na may kasamang coffee powder [nagsimula lang yun dati sa aksidenteng pagbuhos ng Milo sa Coke, tapos pagsubok naman ng Kape]. Pero sa totoo lang matagal ko na namang hindi ginagawa yun. Mabait naman si Sir at sana ay hindi siya yung tipong naninindak kapag palihan[isang bagong salitang aking natutunan na nangangahulugang workshop]. Inaabangan ko na ang unang pagsasanay sa Biyernes.

    Geol1 -- Saktong kasunod ng MPs10 ko kaya kailangan kong takbuhin[hindi naman] mula AS papuntang NIGS. Andami ko pang kaklase sa subject na ito [pati yung crush kong taga FA]. Yung teacher ko dito, parang kaugali lang ng teacher ko last sem sa EnviSci1. At sana madali magbigay ng exams at mataas mag-grade. Buti na lang may NatSci2 ako sa umaga, kaya kung sakaling hindi ako nakapagbasa para sa Geol1, sisilip na lang ako sa Natsci2 notes ko. Ampangit ng pwesto kong upuan, pero oks na din kaysa naman sa harap. Tiyak na idadaan na naman ng teacher sa photocopied powerpoint presentation slides ang notes para dito. E di ayus.

    Math17 -- Nagsama-sama kaming mga nag-drop dito na UPIS. Andito din yung dati kong kaklase na math major din pero hindi nagdrop[unfortunately bumagsak]. Sa subject na ito, ito lang ang mahihiling ko: ang mataas na pag-grade ng teacher, ang malinaw na pagtuturo ng teacher, at ang madaling exams ng teacher; in short, PUMASA nawa ako! Akalain mo nga namang yung Math instructor sa SUMMA dati yung teacher namin ngayon. Medyo nawiwirduhan ako sa pagtuturo ng teacher namin. Mahilig din siya mag-english. At medyo trivial magturo. At sabi nila medyo tamad. Ewan.

    Orienteering -- Dapat kukuha ako ng TAP4. Pero mas gusto ko na muna ng outdoor na PE. Kaya eto, ewan ko pa kung anu-ano mga gagawin namin sa PE na to.



    ----------------------------------------------------------------------

    tungkol dun sa ika-isandaan...
    hmmmmm
    nakakatamad talaga...
    saka na lang...
    sa ika-150 na lang siguro...
    wahahahhaa...

    ----------------------------------------------------------------------

    sana hindi nagseselos ang blog ko sa minsan minsang pagkarir ko sa lj..wahahha

    ----------------------------------------------------------------------

    pagkatapos ng ilang taon ay nakita kong muli ang mga pinsan ko.
    mas bata sila sa akin...pero mas malalaki sila sa akin.
    malapit ako sa kanila dati nung bata pa sila.
    yung pangatlo sa magkakapatid ginaya pa ang spikey hairstyle ko pagbalik niya sa ibang bansa.
    siya yung pinakahuli kong nakabonding sa kanila.
    medyo may hawig ang ugali niya sa akin.
    siya yung mas madalas na gustong mag-isa pero malambing pa din sa iba.
    hindi ko na siya nakamusta ng makita ko silang muli kahapon.
    ang nakalaro ko na lang uli ay ang pang-apat sa kanila na baby pa nung huli kong makita noon.

    sana makabalik uli ako sa orphanage para makapag-alaga ng bata.

    -----------------------------------------------------------------------

    medyo hindi pa rin ako marunong lumangoy. mabagal ang usad ko sa tubig. waaaah

    -----------------------------------------------------------------------

    naisip ko na rin ang paliwanag tungkol sa pananaw ko sa patuloy kong pagblog...

    mula sa mga salita ni lagsh?...
    ...ayokong magsulat totally for myself. i find it senseless on my part. kung gusto kong for myself lang, sa isip ko na lang ire-remain, huwag nang pa-blog-blog pa na kasayanagan pa ng oras, kuryente, at internet...

    parang yung usaping expression and entertainment...

    -----------------------------------------------------------------------

    pero kailangan ko na talaga ng camera. wakekekke

    tuldok na muna.


    [tutunawin ng lagim ang luha ng dugo]

    20041107

    *************

    ang lahat ay magbabago sa ika-isang daan.
    nawa.

    [it's only I who'll understand...]

    20041104

    XEROX

    wuhoo the busy week begins!!!

    WALANG KWENTANG MONDAY...

    YOSI TUESDAY!
    pumunta ako ng UP para kunin ang natitirang 3 classcards ko. pero wala na naman akong napala.nang pumunta akong sunken, nakita ko si mec.tumambay na lang kami.pinapunta ko si yosi buddy jaq.tapos kung sino sino na rin ang dumating.nagsama pa si jaq ng babae.whoa..hehe..wahahha..jaq peace!wala akong balak.hehehe.
    nakilala namin si TONY BOY. isa siyang lalaking naka-malong.
    lumapit siya sa amin at kung anu-ano ang pinagsasabi.kala ko baliw na naman. tapos tinanong kami kung taga UPIS kami.ayun pala taga UPIS din siya batch 94 pa. at pinapasabi nya ke ma'am de villa na i lab you.dahil minsan daw ay ipinagtanggol sya ng naturang guro ng mapaaway si TONY BOY sa Boston Garden. sa biyernes , dadaan uli akong sunken. niyaya kami ni Tony Boy na magbalik sa sunken sa biyernes.me kinalaman sa mga taga UPIS. ewan ko kung anu at kung bakit.
    sa paglalim ng gabi, lumalim din ang usapan namin ni jaq.
    waahhaha pano tungkol sa kamunduhan.tae tlga naman o.

    "what's the equation of the solution to the problem of population?... UP GO!" - TONY BOY ng UPIS BATcH `94

    -----------------------------------

    NGARAG WEDNESDAY!
    unang araw ng enrollment.ngarag ang mga tao.
    pumasok muna ako sa OUR para mag-assist at hintayin mga papeles ko.
    pagdating ng lunch.sugod na rin ako sa enrollment.
    tae, ayaw ako bigyan ng form5 dahil kulang classcards ko.
    kaya pumunta akong FC para kunin.
    pero bago ko makuha ang mga yun, kung saan saang building muna ako napadpad dahil sinamahan ko si rusan at si kaye.
    kaibigan nga naman.
    pero...
    wuhoo! 1.25 ako sa philo! astig!
    pero badtrip dahil wala pa din ang anthro.
    kaya pinagpabukas ko na lang ang pag-eenroll.
    balik na lang sa OUR para magtrabaho.
    ayus.

    -----------------------------------

    DI MASYADONG NGARAG THURSDAY!
    whapaak! finally nakapagenroll na ako. nagpa-advise ako at buti wala yung original na adviser kaya pinayagan ako nung proxy na kumuha ng form 5 kahit kulang pa ang classcards ko.
    1.75 ako sa tapdance.hehe pasok pa para mag Tap Dance 4.
    pero pinagpabukas ko na ang pagbabayad ng tuition.
    nagtrabaho na lang uli ako sa OUR.
    ayus din pala ang mag RA sa OUR.
    madami-dami din ang mga tao.
    yung iba ang tataray.badtrip
    yung iba oks lang sa kanila kahit na mali mali na yung nabibigay naming instructions.
    yung iba, hinahamon ang english ko.langyang mga foreigners.wahahha
    pero nakakapagod din.
    oks lang.improving naman ang pagkain at minsan naglalaughtrip na lang.

    ------------------------------------

    FRIDAY a bukas. sana matapos na lahat ng kailangan ko tapos RA na lang uli. tapos tambay siguro sa sunken uli.sana hindi umulan.wuhoo!

    [mukhang timang kung anung post ko dito ngayun.yun din mismong post ko sa lj wahahaha.la lang]

    20041101

    TALASALITAAN

    just words for the last days...

    change
    influence
    selfish
    moon

    more to come...

    -----------------------------------------------

    lagot! wirdo labo badtrip sabog bangag days na naman.shit

    ["bakit ba kailangan tayo ang laging mag-adjust..." --sunken, february2004 ]
    at muling napatunayan ang mga katagang ito.