20050402

ISANGDAAN [unang bahagi]

LAOT

Wala pa kami sa pampang, kitang-kita ko na ang pagkaway ni bunso. Kasama niya si Inay na sumalubong sa amin ni Itay. Tuwang-tuwang ibinalita ni Itay kay Inay ang napakalaki kong nahuling tuna. Kahit si bunso, nanlaki ang mga mata nang makita kung gaano kalaki iyon. Swerte daw talaga ako sa laot sabi ni Inay.

"Tuna! Tuna! Masarap na naman ang kakainin natin!" sigaw ni bunso.

Ibinaba ko mula sa aking balikat ang tuna upang ipatimbang. Binigay sa akin ng ale ang malaking halaga. Tapos, iniabot ko ang pera kay Inay.

"Nay, bilhin niyo yung paborito ni bunso ha, tilapia."

***


BETERANO

Nauna siya sa aking dumating ngayon. Inalalayan niya ako at sabay kaming pumasok ng sinehan. Pansin kong mas kaunti ang tao ngayon. Doon ulit kami umupo sa bandang harap. Binuksan niya ang zipper ng pantalon niya. Pinayuko niya ako at saka ko inumpisahan. Sarap na sarap daw siya sa akin. Mabagal daw kasi akong sumupsop at saka hindi siya nasasaktan. Palibhasa wala na akong mga ngipin. Matapos siyang labasan, sinara niya ang zipper. Iniabot niya sa akin ang sampung pisong barya. Pasensya na daw kasi wala na daw siyang pamasahe. Hinampas ko na lang ang tungkod ko sa ulo niya.

***


SI BATMAN

Tu da reskyu na naman si Batman. Titindig siya ng buong giting. Hihipan ng hangin ang nangingitim niyang kapa. Gwapong-gwapo pa rin siya sa kanyang maskara. Hawak niya ang tangi niyang sandatang pangsugpo ng kasamaan. Tatalon siya mula sa isang puno. Sisirko. Tatambling. Sisigaw. Dandandan Dandandandan Batman!!! Ang tagapagtanggol ng naaapi. Marami na siyang nailigtas. Mga asong muntik nang masagasaan. Mga kuting na inabandona ng magulang. Siya raw ang tanging tagapagmasid ng lipunan. Patuloy na lumilipad si Batman...sa bawat kalsada, sa bawat highway. Tatalon. Sisirko. Tatambling. Sisigaw. Tu da reskyu lagi si Batman. Siya kasi ang superhero ng lansangan.


--------------------

Tss. Buhay nga naman. Kung saang subjects pa ako medyo nag-effort, mukhang doon pa ata ako makakakuha ng mababang grades. At kung sa tingin ko ay sinikap kong maging masipag para makakuha ng matataas na grades sa lumipas na sem, mukhang wa-epeks pala yun. Kinakabahan pa ako sa math, mataas nga yung mga longtest ko at sa kalkulasyon ko ay 27% lang ang kailangan ko sa finals para maka-tres, aba'y litse naman at nagkasabog-sabog ang utak ko nung finals. Ang 19 points over 75 ay malabo ko pa ata makuha. Pampalubag-loob, salamat na lang at uno ako sa mga papers ko sa Socio10, at mukhang uno din ang final grade ko. Sa tingin ko naman ay naging maayos ang pagkakasulat ko sa mga pananaw at opinyon ko kaya nabigyan ng ganoong grado. Kaysa sa iba kong mga papers na pinaglaanan ko naman ng panahon para pag-isipan ang bawat salitang isusulat. Nagkataon nga lang na ganito ganyan ganoon ewan. Sana na lang sapat yung mga makuha kong grades para magkaroon ng sapat na average para sa pag-shift...may lilipatan na nga pala ako. Dun na lang muna siguro.

---

Kailangan ko talaga ng pahinga. Di na naman ako nakakatulog ng mas maaga pa sa alas-kuwatro ng umaga. Wala na naman akong nagagawa dito sa bahay na produktibo. Sa madaling salita, wala pa ata sa katinuan ang pag-iisip ko ngayon. Buti na lang binalik na sa akin ni Roanne ang The Killers ko [roan, kung nababasa mo ito, haha dapat kasi nagpa-autograph ka na sa fave band mo kanina sa mcdo.nyaha! ]. Haha. Ewan ko kung ano kinalaman nun pero gusto kong pinapakinggan ang mga kanta ng The Killers. Hindi ko nga alam kung bakit mga kanta nila na karamihan ay tungkol sa mga ex-girlfriend. Nyaha.

---

Naging kuwentuhan sesyon na naman itong blog ko. Buti na lang may mga napopost akong ibang mga bagay maliban sa pagkukuwento sa pangaraw-araw kong buhay. Gagawa na lang ako ng bagong layout. Baka ilipat ko na rin to kung saan mang lupalop.
Ewan ko. Bahala na.

---

Di pa rin ako makaalis sa no.5 part2 sa Zest. Kailangan ko maisip ang tamang kasagutan.


***line of the day : never thought i'd let a rumor ruin my moonlight..

hahahhaa.

[rekapnudokapirtdabtaayislanosrememanyaagnoknignitasagno]

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nagsusulat ka pala! ayus =)
binisita ko ang tuyongpluma. ganda. sayang hindi kami nakapaglabas ng gano'n sa kahit anong writing class na nakuha ko sa loob ng dalawang taon. hekhek. di pa naman huli 'di ba? :D tik tak tik tak. ;p

c-an

6:55 AM  
Blogger Kepi said...

uy c-an hehhe...
salamat sa pagbisita sa tuyongpluma.hehhe
oo di pa huli...hehhehehehe

11:00 PM  

Post a Comment

<< Home