AIYA!
di sapat / ang isang iglap
nahulog siya at nalunod, gumagapang, gumagapang...
the wind brings them ice creams, the sky showers them sweets
sabi nila, hindi ako marunong magtago, sabi nila...
heto na naman ang mga bakas natin...
kulang / . . . / kamot na lang ng ulo
ninakaw ng testigo, ano na ang gagawin ko, gaganti?
tearing empty paperbags
***ang mga naturang larawan ay aking kinuhanan sa Zambales noong camp, sa SM, sa UP, at sa may Hardin ng Bouganvilla at inedit para magrayscale.
* * * * *
...mahabahabang blog entry ito...
[humming]
i'm going to a nice place...Gustong-gusto ko ang kantang iyan ng juan pablo dream. noong up fair ko lang sila unang narinig, tapos kanina nakita ko sa tv ang music video ng kanta nilang ito.
Hayaan niyo muna akong magkuwento sa mga kaganapan sa lumipas na mga araw. Dapat madaling araw ng Martes ako magpopost, kaso nakakatawa ang mga nangyari dito sa bahay. Hindi naman talaga nakakatawa. Nakakabangag. Mga ilang minuto pagkalipas ng 2 ng umaga, as usual ako na lang ang gising dito sa bahay, nakarinig ako ng putukan at mga malalakas na businahan ng mga sasakyan. Akala ko may riot na naman dito sa village. Tapos may habulan na ng mga kotse, may barilan, may kriminal na mahuhuli. Parang may tumunog kasi na sasakyan ng pulis o ambulansya. Di ko pinansin. Mga 2:30, maingay pa din, nagising na at bumaba yung mga magulang ko, tapos lumabas. Nagcocomputer pa din ako. Ayun pala walang riot! May malaking sunog pala na malapit na sa amin. Tapos pagpasok ng magulang ko, pinagalitan ako at pinapatay na ung computer. Medyo malaki nga talaga ang sunog at malapit lang sa amin, kaya naman naalarma din kami at sinabihan kami ng tatay ko na mag-ayos ng gamit. Ako wala lang, naaasar kasi ako kapag may mga ganyang insidente, OA ang tatay ko. Nang lumabas ako, nakita kong medyo malaki pala talaga ang sunog. Pumasok na lang ako ng bahay at sinubukan makiride sa pagaayos ng gamit. Madali lang naman kasi ayusin yung mga gamit ko sakaling kailangan talaga ilabas iyon ng bahay. Kaya hinanda ko lang yung mga backpack na pwedeng lagyan mahalagang papeles ko at mga bagay na hiniram ko na di ko nababalik. Tapos hinayaan ko na lang yun sa kwarto, at saka uli ako lumabas. Sabi naman ni Mama nung nakasalubong ko siya, "Salamat na lang pala mataas yung bahay ni Ms. [kung anu mang pangalan iyon ng aming kapitbahay] , para maharangan yung apoy papunta dito..." Haaay nagpasalamat pa raw na nasusunog na ang mataas na pader ng kapitbahay e no. Maganda panoorin yung apoy. Sumasabog kasi talaga. May mga kemikal kasi na pampintura yung naroon sa may warehouse na nasusunog kaya sumasabog.
Hiningi ko nga kay Mama yung digicam. Ganda kasi piktyuran, tapos madaling araw pa kaya maganda ang ilaw. Ayaw nga lang bigay ni Mama. Pinanood ko na lang. Tapos yung boypren ng ate ko nakikipagjoke na sa mga kapitbahay. Ewan ko kung ano na pinaggagawa ng tatay ko. Nakontrol din ang apoy at mga 6 ata ay fire-out na. At iyon ang dahilan kaya hindi ako nakapagkuwento agad.
Ano nga bang kukuwento ko dapat?
Nagpunta akong Xaymaca nung Biyernes. Plano kasi namin ni Mec matagal na. Pinuntahan ko muna sila sa Gateway tapos tsaka kami pumuntang Timog. Sa kapehan namin hinintay yung isa naming kasama. Tapos dumiretso kami para mag-pizza for dinner. Mga lampas 10 na siguro kami bumalik ng Xaymaca, walang CBI kaya Hemp Republic ang tumugtog ata noon. Dun na lang kami sa labas kasi puno na naman yung loob. Kuwento-kuwento. Tapos nakita ko si Ala P. Wala lang. Ganda kasi. Nung tumugtog na uli Hemp, pumasok na kami tapos sway-ala-rasta na sa loob. Sarap talagang makisayaw sa reggae Nung natapos na yung performers, sumibat na kami tapos dumaan sa kapehan bago umuwi sa condo ni Mec. At doon na natuloy ang stripusoy session na nakakatawa at nakakagago. Natulog na lang kami, at sumibat ako ng 2:30 ng hapon.
Nagmadali ako sa pag-uwi kasi naalala kong hindi ko pa pala tapos yung regalo ko ke Jodi. Tapos pag-uwi ko sa bahay, wala na pala akong mga scotchtape at kung anu-ano pa, hiram tuloy balutin. Buti na lang may mga lumang papel dun at ginawa ko na lang pambalot. Maganda naman itsura. Hehe. Diretso akong UP, makikisabay dun sa iba. Mga alas-7 na ata kami nakarating sa bahay nila. Pero di pa naman matao. Astig yung disenyo sa bahay nila, may paw prints kyut. Hehe. Tapos nakadisplay yung mga artworks ni Jodi. Ayus. Masaya yung program kasi, kumportableng kumportable mga tao dun sa living room. Ayus din, buti na lang at 18 crayons ako kasi nainspire na naman akong gumawa ng kung anu-ano. Salamat ke Jodi, at sana nagustuhan niya ang regalo ko sa kanya. Habang andun kami sa taas, yung iba tulog, yung iba nanood ng TV, at kung anu-ano, pinagtripan ko na lang phone ni K tapos gumawa ako ng folder dun ng pictures ko. Hahahha. Sana di niya burahin. Tapos nakaidlip din ako sa sofa. Tapos nung lumipat ako sa lapag para maidlip, ginising pa ko ni Derek, pano kasi nagulo ko yung babang part ng puzzle dun sa ilalim ng sofa. Hahahaha. Inayos ko pa tuloy. Tapos tulog uli. Tulog kain na naman hanggang hapon. Tapos pagkauwi ko natulog lang uli ako. Nung magising ako ng hatinggabi, nag-online ako at saka nga naganap yung riot este sunog. Nyak.
[pasensya sa kalamya-lamyang pagkukuwento]
---------------
Gumagawa ako ng bagong layout. Baka baguhin ko din ang address ng blog ko.
Grayscaled [with bloodstains] pa din ang theme. Pero kasi dami ko na ring nakikitang black and white na blog. Pero basta black and white blog ko. Hehehe.
Pero mukhang kailangan ko ng magagandang images, kaya digicamtime+editor na naman.
Lilipat ko na rin ng host ang mga mga images at audio ko. Litse kasi, angelfire, dinidisable account ko.
Inaayos ko na din ang kwarto ko. Actually, inayos ko na siya last last week. Lalo na yung mga modules/reading/paperworks ko ng highschool and college. Nabalik ko na ata sa kahon, maliban sa philo, mp, panpil readings na oks basahin. Aayusin ko na lang tables, walls, ceiling at floor. Hehe. Papalitan ko na yung kolorpul at geometric na tema. Papalitan ko din siguro yung hanging paper cranes sa ceiling. Basta nangalap na ako ng mga junk kanina. Hehe. Nineknok ko pa nga yung ilang kung anumang stainless grill tsaka lumang pan sa kusina. Paint na lang problema. Piniktyuran ko kaso di ko napaupload. Pipinurahan ko na rin sa wakas yung sahig ng kwarto ko, yun na lang kasi kulay semento sa kwarto ko, kasama yung ilang wirdong tubo sa ceiling. Basta kapag natapos, popost ko picture. Hehehe.
---------------
6 days bago mag klase...bago mag Math100. Titignan ko pa kung sisipagin ako at subukang magprerog sa isang PE. Magfafile pa pala ako ng application sa Business Econ. Nakausap ko na ang magulang ko tungkol sa kagustuhan kong mag-Film. Aba'y ang sagot sa akin ay "O sige. Basta tapusin mo muna Business Econ, tapos kaw na bahala pagkatapos." Tssss. At medyo binuo ko na nga ang mga plano ko. Pagkatapos mag Business Econ, magtatrabaho ako at mag-iipon siguro ng 2 years. Tapos mag-aaral ako ng Film. Habang nag-iipon at nagtatrabaho sa 2 taon ay mag-aaral na rin siguro ako ng multimedia arts at kung anu-ano. Basta magpapakaindependent na ako pagkakuha ng trabaho para di na mapakialaman ng magulang ko. Gusto ko na ring makapaglabay sa kung saan-saang ibayo. Haay. Sana makapagbakasyon pa talaga ako. Sabi ko kay ate, Davao na lang sana. Para makabalik na uli ako dun at last. At kasi may nakita ako sa TV na isang magandang white sand beach sa Davao. Hindi pa matao, malamang walang may-ari. Ayus. Pero ewan pa. Basta sana sa Mayo.
---------------
Sa pagkakatingin niya sa kalangitan, aakalain mong nakatitig siya sa araw. Nakatitig nga ba talaga siya? Ngunit hindi siya sinulyapan ng araw pabalik. Bagkus ay iniwan siya, dahan-dahan. Pinangunahan ng kanyang tanaw, hinabol niya ang araw. Hinabol niya ang araw. Hinabol niya ang araw. Hinabol niya ang araw. Alam niyang kaya niyang maabutan ang araw. Malapit na ito. Dama na ng kanyang balat ang paglapit niya sa araw. Hinahabol niya ang araw. Hinahabol niya ang araw... at siya'y nahulog at nalunod...gumagapang...gumagapang. Hinahabol niya ang araw. Kahit 'di madama ng kanyang balat ang paglapit niya sa araw, tinitigan niya ito at hinabol. Hinahabol niya ang araw. Ayaw man lumingon ng araw. Dahan-dahan. Ayaw lumingon ng araw. Dahan-dahan. Ayaw ng araw. Ayaw.[woy yo yo woy yoyoyo]