20050313

HIATUS

si ispayk ay kasalukuyang nagbubusy-busyhan at magbubusy-busyhan sa mga sumusunod:


  • Socio10 exam 1
  • Socio10 exam 2
  • Socio10 exam 3
  • Socio10 Make-up Paper
    [deadline ng mga yun, march 28]

  • Panpil19 Make-up Paper - March 18
  • Panpil19 Final Project - March 22

  • MP10 Workshop - March15
  • MP10 revision - March 18
  • MP10 Blog/Anthology - March 30

  • Math17 4th Exam - March 14
  • Math17 5th exam - March 22
  • Math17 Finals!!!- March 31

  • Geol1 3rd Exam - March 22
  • NatSci2 Bio 2nd Exam - March 18
  • Geol short reaction paper - March 18
    [exempted naman siguro ako sa finals ng mga iyan]


  • at may ilan pang pupuntahan...

  • Ortigas na niyaya ni China - March19
  • RA Briefing - March 23 [ata]
  • Antipolo - March 24-25[kanselado dahil sa abala pa ako sa papeles]


  • at ilang dapat asikasuhin...

  • pagkuha ng application sa shifting[kanselado dahil di tumatanggap dun sa isang kors na napili ko at di ko alam kung san ako lilipat]


  • isingit pa ang mga normal na klase, library research, tambay, mall, coffee shop,
    at pagpunta kung saan-saan...buti wala masyadong lakad na plano.
    magbabalik na lang ako sa mga tinaguriang Mahal na Araw...o kaya sa Abril na.

    tapusin na ang sem na ito. magrakenrol na lang. waaah.

    [turn smile shift repeat]

    20050308

    ARGH!YEY!

    bullshit. my angelfire account was disabled.
    i should have moved my files to a better host
    before posting all those images.
    waaaaah!
    sana ibalik uli!
    litse!


    *edit edit

    nagbalik na ang lahat. salamat lycos... hehe
    natapos ko na ang lampara review ko.
    madami pang papers ang dapat talaga umpisahan shiyet.

    [o_0]
    DALUYONG

    una sa lahat ito ang ilang updates!

    MAY MGA BAGONG LITRATO!!!

  • new kaarawan ni katty
  • - mga kuha noong bertdey ni katty sa conspiracy
  • new kaarawan ni aryan
  • - mga kodakan noong bertdey ni aryan sa bahay nila
  • new stargazing
  • - stargazing nightclass ng natsci2 kids sa may NIGS
  • new kapamilya
  • - mga litrato ng aking mga repapips sa bahay
  • new upfair05
  • - fairplay! ayus!
  • kulehiyo
  • - may mga bagong piktyur sa klasrum at mga inuman at tambay
  • koreano
  • - mga dagdag na litrato ng korean adbentyurs!
  • upcoming pictures : Orienteering Camp [Zambales]

    ---------------------------

    Nagtungo ako sa Zambales noong nakaraang sabado kasama ang aming Orienteering class at ang isang CHK OutdoorRec class. Sa isang surfing beach sa Zambales kami nagpunta.
    Masaya pa rin ang mag-camp. Masarap matulog sa tent [ngayon, lalo na kung mag-isa, salamat kay Ria para sa tent :) ]. Nagkaroon kami ng team building activities noong hapon ng sabado. Lumabas na pangatlo kami sa apat na grupo. Ok na rin. Sumugod ako sa dagat kinahapunan. Malakas nga talaga ang alon. Malakas din ang ihip ng hangin. Masakit nga sa binti ang pagtama ng mga pinong buhangin. Pahirapan nga lang sa pagligo. Nung nasa CR ako, agawan sa shower. Malas mo kung asa dulo ka mapunta, hindi na aabot yung tubig sa shower mo. Minalas ako at nakapagsabon na ako ng katawan nang tuluyang mawalan ng tubig. Pinunasan ko na lang ang katawan ko. Nagpunta sa isang poso sa labas at doon nag-igib ng tubig, panghugas sa may shampoo ko pang buhok. Pagkatapos ng isang masarap na hapunan [chicken!], nagtipon-tipon kami para sa camp socials. Nagkaroon ng joke time [kahit corny pero masaya] at group presentations [kahihiyan lang naman]. At sinundan na namin ng onting lambanog sa loob ng aming tent [habang may nagaganap na kaguluhan]. Hanggang sa makatulog na nga kami. Nahirapan din ako sa pagtulog, inunan ko ang bag ko, at ginawa kong kumot ang ilang mga extrang bahagi ng tent. Malamig kasi. pero naging maganda ang gising ko. Ansarap ng naging almusal namin [soup at tinapay na samu't sari ang palaman!]. Tapos nakatulog na naman ako. Pagkagising ko, tanghalian na ang inaasikaso. Kinansela na ang iba pang activities. Nagluto na lang kami agad ng tanghalian [carbonara at pork chop!] Sumakit ang tiyan ko, kaya dinaan ko na lang sa pagsugod uli sa tubig. Anlupet talaga ng mga alon. Naglabasan na ang mga surfer dudes. Makalipas siguro ang isang oras, umahon na kami, naligo at nag-ayos ng gamit [kahit umaga pa lang ay ayos na ang gamit ko]. Matapos kumain, magice-cream, at magclean-up ng mga tao, alisan na. Biyahe na uli. Masarap din talagang bumiyahe na nakasakay sa mga jeep. Mga alas 7:30 na kami nakarating sa Philcoa. Naghapunan at nakipag-ube muna ako sa Mcdo at saka lumisan pauwi. Nakakapagod.

    ---------------------------

    Hindi ako nakapasok sa PP19 at Socio10. Gusto ko pa naman sana ang diskusyon sa Socio. Kailangan ko pang tapusin sa loob ng linggong ito ang reviwe ng Lampara [na deadline kanina] at ang First Exam sa Socio10. Magkakabisado pa ako sa trigo. Kailangan ko na rin maumpisahan ang akda ko sa MP10. Tapos may blog pa sa MP10 na ako ang gagawa. Dagdag mo pa pala ang isa pang individual project sa PP19. Kailangan ko rin mag-inquire sa pagshift ko ng college. Madami pang exams sa Math ang parating.
    Waaaah. Marami akong dapat karirin. Idaan sa library!

    ---------------------------

    Nakakatuwa yung eksena ng isang pamilya sa AS kanina.
    Ankyut nung bata.

    ---------------------------

    Napanood ko kanina ang Swaraaj. Maganda ang cinematography. Maganda ang mga kuha.
    Ang ganda din ng background music na Indian Music. Tungkol iyon sa grupo ng kababaihan na nakipagsapalaran upang mapansin ang pagpapatubig sa kanilang baryo. Ngunit namatay ang bidang babae. Alay umano ang pelikulang ito sa mga kababaihan naging lider sa pamahalaan ng India.

    ---------------------------

    Susubukan ko pang magmuni-muni tungkol sa orgasm para sa isang maikling akda sa MP bukas.

    [whoooooo]
  • 20050303

    MGA BIGLANG GUNAM

  • Lima sa mga ibinoto ko noong nakaraang eleksyon ng USC ang nanalo. Anim lamang ang ibinoto ko.
  • Ang hamster ay ang hayop na nakatuwaan kong alagaan noong bata ako. Gusto ko uling magkaroon ng mga rodent na ito dahil malabo akong magka-aso.
  • Ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung sasama ako sa camping sa Subic sa nalalapit na weekend. May mga takdang aralin sana akong gustong pagbuhusan ng panahon. Kaso mukhang malabo na makapagback-out. Badtrip
  • Nakakatuwa pa rin ang maglibot sa mundo ng Friendster at siyasatin ang mga tao o ang mga profile nila. Idagdag mo na rin ang misteryo ng ilang mga bagay bagay at ang naidudulot nitong pansamantalang kaligayahan. Haha. At salamat sa mga bagong testimonyal.[Ang larawan kong naka-Aviator lang pala ang katapat nyo. Sus. Haha]
  • Nakailang pahina na ako ng mga intro ng mga katha ngunit hindi ko pa rin alam kung ano ang isusulat ko tungkol sa kape. [sa totoo lang, dalawa na lang ang pinagpipiliin ko. Una, yung papamagatan kong BARAKO. Ikalawa, yung papamagatan kong PAANO UMINOM NG KAPE.]
  • Tatlong bagay ang nais kong hilingin para sa bakasyon: Sariling desktop/laptop, SLR, o kaya isang matinong Video camera. Kung hindi naman, pwede na rin ang pagbiyahe patungo sa bahay ni Lolo at Lola sa probinsiya. Kung hindi pa rin, ok na ako sa kaunting pera at mga scraps na pwede ko na namang pagtripan.
  • Kailangan kong bumawi next time sa blog na ito. Hindi na ako masyadong nagkukuwento dito, di tulad ng mga dati kong post na detalyado ang mga lakad ko. Kahit ayoko namang basahin iyon ng mga napapadaan rito.
  • Nagustuhan ko ang katauhan ni Howard Hughes. Kahit na wala pa ako masyadong alam sa kanya.
  • Ang ate ko at kanyang boypren ay mahilig uminom ng pineapple juice kapagh andito sila sa bahay. Alam niyo ba kung bakit?
  • Mag-iipon na uli ako ng pera, pambili ng mga cds. Mga pelikula at Putomayo ang aking target.
  • Maligayang Kaarawan sa may mga kaarawan ngayong buwan ng Marso.
  • Mas gusto ko pa din ata si Sarte kaysa kay Nietzsche. [Hindi ko alam kung tama ang baybay]
  • May naisip akong ideya. Parang LSD. Subukan kong maisulat iyon.
  • Nang mawala siya, ok lang. :)
  • Balak kong mag-aral na sa Geol ng 11. Lumampas ako ng 16 na minuto. Hala.
  • Gusto ko ng kape.
  • Grabe talaga ang naidudulot ng mga isyu.
  • Balang araw, matitigil na ako sa pagyoyosi. At kaya ko. [Kahit na ang isang Winston ay napagtripan ko kanina.]
  • Parating na ang mga larawan sa blog. Kalahati pa. :)
  • Mahuhulaan mo ba ang imaheng ito?


    [.....?!]
  • 20050301

    PATHETIC

    wahahha. wala lang. me napuntahan lang ako kanina.
    hahaha. tangina nakakatawa. feeling.
    mukhang gago. mukhang nagmamataas.
    pa-cute. benta. wahahhaha.
    wahah. wala lang.
    anu kaya yun no.

    ["****** **** **" - shit]