20050131

THE WEEKEND SPECIAL

friday

Friday was supposedly our last day with Ann, Ming-ki, Nas, Sam and Sion. After our classes, Rusan and I went to Balay Kalinaw to pick them up for our picnic in Sunken Garden. But when we got there [late], Nas told us that they want us to just stay with them in their room for the rest of the day.

They prepared a Korean Noodle dish for us. So we tried it. Actually, it was too spicy that only me and Steph enjoyed eating it [while Rusan and the others were looking for some Filipino food]. They gave each of us 1000 Won. Then we gave each of them a small Buri Box with a miniature Jeepney and a scroll [with messages and pictures] inside. There's almost no reaction when we gave them the gifts. But what was funny was when Ann started to cry. And she was really crying! She was indeed touched. Then the others
came back with Joyce who was also already crying [because of what happened to her car]. We all left Balay Kalinaw at 5:30 then we walked with them to CHE for their last Dinner Party.

We left Rusan and the Koreans at CHE and the rest of us went back to Sunken Garden for Destino3. After a couple of hours, Rusan came back to Sunken Garden with the Koreans. We spent about 30 minutes in Sunken watching the stars and the big moon, and listening to the music. Then they decided to go back to Balay Kalinaw.

In Balay Kalinaw, Nas said that they want to see us before they leave the next morning. So we decided to meet the next day.

But we decided to stay in Sunken first for the rest of the night. I went back to Sunken with Jozelle and Derek, where we waited for Joyce. The four of us were already freezing on the grass while we were talking about quantum physics, infinite universes, white noises, existentialism, and what else, Booger! It was indeed a very intellectual discussion. Haha. We finished the screening of City of Angels then we went home at around 11:30.

saturday

At around 8:00 am , Jozelle, Derek, Val, Steph and me met at the lobby of Balay. Then we went to the lobby of the other building to hang-out with the Koreans. Rusan and Joyce came late. They were supposed to leave Balay at 9 but the professor decided to move it to 10 because the Koreans were still enjoying. Ming-ki gave me a Korean spicy sauce. They also taught us how to play Korean poker [and also gave Rusan their deck] but it was really hard to understand. So we just taught them how to play Bluff. And they actually enjoyed it [especially Nas who seems like a good gambler]. They also gave us a CD which is a compilation of pictures. At around 10, we accompanied them in front of Balay. Then Royce suddenly appeared with her camera a la Vivian. So we took more pictures of us. Then we bid goodbye to each other as tears were already coming out of Ann and Sam's eyes. As in tears meeen!! Hehe. Awwwww. Then their bus went off.

Then I took another picture of our team [but with the two ******! Haha.]

After a very dramatic farewell, we went to Shopping Center for Rusan's breakfast.
Then we decided to go to Starbucks to study for our Math exams. Then after more than 4 hours of studying [nyaha really huh], we went back to UP to watch Pipo's game.
Then after the game, I headed home.

I tried to study again when I got home, but I was too tired that I already fell asleep in my room holding my Leithold book [nyahaha kidding!]

sunday

I found out that my monitor was busted again. And damnit, I have to finish my report on Socio10 but all my research is in the computer. So I started all over again and researched everything while renting in an internet cafe. Fortunately, I finished early. So I went back home to study more on Math and read the rest of my readings for Panpil19.

monday

Our group in Socio10 was a bit nervous because we haven't prepared enough for our report, but fortunately, Sir Lanuza found our report very comprehensive and interesting. Wow! We thought our report sucks! He even said that we were the first group to make a clear connection between our topics. WOw. AYus!

Next came our 2nd Long exam in Math17. It was easy. But it's me who sucks in math. Waaah! My highest possible score would be 35 [that's according to me]. But probably, I'll fail this time! Waaah...

Actually, I missed the afternoons with the Koreans. Awww.
Nothing special happened today.

Hmmm. Edit. Except for the Tsil-Tsil-Bang Waaah Games! Wow! COol!

[IM NOT GOOD IN ENGLISH. HAHA. THIS POST SUCKS! HEHEH. Just ignore typo errors. Hehe]

[this post is written in english, so that if in any case my korean friends visit my blog, they'll understand at least one entry. haha]

20050126

SAKEEEET

Masakit ang ulo ko!
Ayoko na ng ganitong weather!

Sa lumipas na dalawang linggo, nagpabalik balik ang sipon, ubo, sore throat, head ache, lagnat, body pains at asthma sa aking sistema.
Pero kung anu-ano pa din ginagawa ko.
Trangkaso na siguro dapat ang sakit ko kaso hindi naman natutuloy-tuloy.
Dinedeny ng utak ko na may sakit na nga ako.

At dahil lang naman ito sa wirdong panahon.

-------------

Gusto kong makasubok na makapaglaro ng PainStation.
Isang kakaibang hi-tech game.
Para siyang yung tennis sa cellphone.
Pero kapag naglalaro ka, may mga pananakit na gagawin sayo yung machine.
Yung isang kamay daw nakahawak dun sa button na iniikot-ikot.
Tapos yung isa, nakalapat sa isang pad.
Tapos dalawa kayong taong magkalaban.
Kapag nag-miss ka ng bola.
Sasaktan ng machine yung kamay mo.
Tatlong uri ng pananakit: whip, kuryente, at intense heat.
Mukhang masaya.
Tapos ang matatalo, yung unang taong magaalis ng kamay dun sa pad.
Pang masokista tong larong to.
Hayup.
Wala lang.

-------------

Nagkasunog daw sa Boracay. Ewan ko kung gaano kalala. Anu na kaya hitsura nun ngayon.

-------------

Si Spongebob daw ay na-ban sa ilang catholic communities sa ibang bansa dahil siya daw ay isang badingkiwinky. Pero ayun sa creator nito, siya daw ay hindi homosexual/hermaphrodite at iba pa. Si Spongebob daw ay sexless or genderless. Pero hindi rin siguro.

[chismis courtesy of pulot-gata from LJ]

-------------

Madami pa akong requirement na dapat asikasuhin.

[hindot]

20050122

IBA

Malamig ang mga gabi ng Enero. Tiyak na magpapatuloy pa ito sa susunod na buwan.
Sa nakalipas na linggo, pag-uwi ko sa bahay, kama na ang una kong pinupuntahan.
Nakakaantok kasi napakalamig. At ang mga araw, kahit papano'y nakakapagod.

---------------

Hindi na ako nakikinig sa Math. Kahit na natake-up na yung lesson sa mga dating klase, wala pa rin ako sa focus para intindihin muli ang mga ito. Samantalang sa ibang klase, ganun pa din, wala masyadong espesyal na kaganapan. Wala din masyadong bagong natututunan. Malapit na ang exams sa Natsci2 at Geol1. Madali lang siguro ang exams sa Natsci2, at last day na ata yun. Pero sa Geol1, wala akong notes maliban dun sa mga nakalagay na sa module. Lagot kung bumagsak. Sa Panpil19 at Socio10 naman, group reports na ang pinagkakabalahan ko. Mukhang mahihirapan ako pakisamahan yung mga kagrupo ko sa Socio10, wag na itanong kung bakit. At sana magawa namin ng group ko sa Panpil19 yung mga plano sa report. Sa wakas may natapos na akong akda sa MP10. Dapat lang kasi malapit na workshop. Isang super ikling kwento lang ang sinulat ko. Di ko nga alam kung makokonsider yun bilang kwento. Ngayon, medyo nakakatamad mag-aral.

---------------

Nakakaanim na hapon/gabi na ako ng pakikisalamuha sa mga Koreano [mula nung ika-13 ng Enero]. At marami naman akong natututunan sa kanila at sa sarili ko kapag nakakausap ko sila. Kung anu-ano ginagawa namin kapag kasama sila. Paglilibot sa mall na puro usap lang ang nagagawa, pagkain sa mamahaling kainan, paglalakad at pagpapasakit sa mga paa sa paligid ng UP, at ang latest ay ang pagpunta sa Eastwood.
Naglibot. Nag-shopping. Kumain. Magkuwentuhan ng mga wirdong bagay [wirdo talaga]. Sumayaw [oo! tama ka ! rave!nyaha]. At uminom. Basta masayang experience din ang makasama sila. Mababait pa kahit na ginagago na namin sila minsan. Hehe. Saka na ko maglalagay ng larawan nila dito.
Yung isa matalino at maingay na nakakatawa.
Yung isa maganda at mabait.
Yung isa tahimik at medyo mahirap kausapin.
Yung isa matalino at kasundo ko ng mga hilig.
Yung isa maingay at makulit.

---------------

Biruin mo mukhang nakakita na ako ng katapat ko.
O baka coincidence lang. Waha. May kinalaman ba naman kasi kay tooot.
Tapos ganito ganyan pa. Waha. Di ko nga alam kung bakit nagsusulat ako tungkol dun. Wahahah. Parang yung karakter sa maikling kwento. Waha.

---------------

Mahirap ipaintindi ang mga bagay bagay sa iilan.
Lalo na kung tinatangay sila ng emosyon nila.
Buti kahit papaano marunong akong tumingin sa bigger picture kahit iba ang pahiwatig nila dito.
Wirdo lang talaga sila.
Parang mga bagong karakter.

---------------

benta yung okrayable profiles. wala lang.

---------------

siguro isa sa mga pinakamagandang bagay na narinig kong sinabi ng isang tao tungkol sa kin, yung sinabi ni tooooot dati. tapos kagabi may nagsabi uli sa kin na parang ganun. at ganun naman talaga [siguro] ako. wala lang. ito yung mga tipong nakakatouch. wahhaha.

---------------

Iba ang mga gabi. Ibang pandama. Ibang muni-muni. Basta Iba.

Haaay. Sa wakas nakapagpost. Tama na to. Pagod na ako magsalitype. Hehe

[tick tock]

20050119

SOME CAMPING PHOTOS

c/o bene.



ito ang orienteering class group DOG.



mula sa tuktok ng Mt. Tangisan...



sa ibabaw ng probinsya ng Tarlac.

[don't let me high, don't let me dry]
NANG BIGLA NA LANG

lumabo ang mga pandama.
may siklo.
wala.

------------------------



si dao ming si.
detalye sa susunod na post na lamang.

[i've seen so much, i'm going blind, and i'm brain dead virtually - coffee and tv by blur]

20050112

WATDAPAK

di ko alam kung ngayon lang to, pero ngayon ko lang napansin to...
anung meron sa TV?!?!


PUTANG INA!BAKIT MAY PORN NA IPINAPALABAS SA CHANNEL 13?!

20050111

ROBOT

HASH(0x8c2e7e8)
You are Vlad the Impaler. The man behind the legend
of Dracula. You hanged your victims, stretched
them on the rack, burned them at the stake,
boiled them alive, but mostly impaled them.
Most of your killings were politically targeted
but sometimes you killed just because you were
bored. Your "reign of terror" lasted
from 1456 to 1462. Estimated numbers of victims
vary between 30,000 and more than 100,000.Evil Evil man. Fie on you!

20050108

SINO KAYA SIYA?

May nakita akong isang tao kanina.
Mukhang interesante.
Interesado kaya ako.
Hmmmmm.
Ewan.

[lingon]

20050107

ANG MUNDO KO



....................

ang sarap maglakad sa isang malawak na lupain.
lupaing binabalot ng tuyong mga damo.
mga damong gumapang sa mga nabubulok na kahoy.
mga kahoy na kinitil ng payapang ihip ng hangin.
ang sarap humiga sa mga natuyong damo.
ang tumitig sa ligalig ng mga ulap.
ang sarap umeskapo sa pag-iisip ng malalim.
sabay kain ng pork and beans at laklak ng pakwan juice.
solb na ako sa ganyang bakasyon.

.....................

pasada...

una - masaya ang pagsalubong sa bagong taon. kahit na may mga nalalasing na tao at pinag-iinitan ang mga batang nag-foot spa sa garahe. ewan ko ba kung bakit. samantalang may mga nanahimik sa isang baso ng coke at brandy. masaya.

ikalawa - isang munting salu-salo sa damuhan. tulad din ng nakaraang taon. pero siguro di rin tulad ng dati. pamimigay ng mga tsokolate sa mga malayang [ngunit ligaw] kabataan sa lansangan. pakikipagsapalaran sa iba't- ibang mga tao. panonood ng pelikula ni juday, pwede na kaso kulang.

ikatlo - pagbabalik sa silid-aralan ngunit wala pa ang mga kakaibang pangyayari. sa wakas nakamtan na ng mga kamay ko ang The Killers.maganda.

ikaapat - isang parangal ang ginanap para sa mga piling obrang video. naroon ako upang saksihan.

ikalima - ginanap ang ilang paghahanda para sa aming nalalapit na kamping. at panonood muli ng mga pelikula sa UP. The Naked Eye. pinilit kong tapusin ang isang takda, sinubukang mag-salin at mag-imbento. sabay wala pala daw klase kinabukasan.

ika-anim - dahil sa puyat, nakatulog muli ako pagkatapos kong mag-almusal. sa kinasamaang palad, di ako nagising muli. nang maalimpungatan ako ay napatingin na lang ako sa relo at nakitang huli na ako sa aking mga klase. math na lang ang napasukan ko. at dahil sa kasipagan sa pag-aaral[ows?~] , naka 74% ako sa unang exam.wahahaa. pagtambay. pinanood ko ang Imagining Argentina. maganda. lahat na lang maganda.nyaha. pagpapakanerdo sa pagbabasa ng mga readings para sa mga klase bukas. puyatan.

.....................

nagkaroon ako ng mga prediksyon para sa taong ito.
ito yun : DALAWANG UPIS04 na TAGA UPD ANG MABUBUNTIS NGAYONG TAON.
wahahahha.
balak ko sanang gumawa pa ng mga prediksyon.
kaso di na kinaya ng aking mahiwagang kapangyarihan.

.....................

madami akong napapansin sa paligid ng eskwelahan na mga long-hair na nagpagupit na.
gusto ko na rin sana magpagupit bago sumapit yung nakaraang bagong taon.
namimiss ko na magshampoo ng manipis na buhok.
pero mukhang mahal ko na ang buhok ko. awwww.
wahahhaha.

.....................

kinilabutan na naman ako sa pagsapit ng alas 3 ng umaga dito sa sala.
ang biglang pagdilim ng monitor.
ang biglang pagalulong ng aso.
ang biglang pagtakbuhan ng mga daga sa hagdan.
ang biglang paglabas ng mga wirdong pop-ups at windows sa monitor [di ito porn no!].
hmmm.imahinasyon lang ito.
nyay.

.....................

manood kayo ng mga programa mula sa IdealMinds
na ngayon ay ipinapalabas sa IBC13 tuwing Miyerkules ng gabi.mula alas 7 hanggang 9:30 ata.ewan.basta. ayus to. ideal minds e. interesting!

.....................

ay teynk u ol por bisiting dis blog op mayn.
ABCnews sed we ar da pipol op da yir. apir!

.....................

di na ako nakakatapos sa pagsusulat ng maikling kuwento... haaaaaay.

[sasama ka?]