PELIKULA
Kasabay ng kapaskuhan sa Pilipinas, ay ipinagdiriwang ang taunang Metro Manila Film Festival. Ayon sa napanood ko sa telebisyon, ito ang mga pelikulang nakasali sa naturang festival: Aishe Te Masu, Enteng Kabisote, Lastikman, Mano Po 3, Panaghoy sa Suba, Sigaw, Spirit of the Glass, So Happy Together. Dalawa sa mga ito ang nais ko sanang panoorin. Una, ang Panaghoy sa Suba sa direksiyon ni Cesar Montano. Interasado ako sa pelikulang ito dahil sa paggamit ng diyalektong Cebuano sa kabuuan ng pelikula. Gayunpaman, wala pa akong ideya sa kuwento nito. Gusto ko ring mapanood dito ang pag-arte ni Cesar Montano. Sa mga nakaraang taon, nagustuhan ko ang mga magagandang pelikulang pinagbidahan ng nasabing aktor, lalo na ang Muro-Ami. Sunod ay ang Aishe Te Masu. Mahilig ako sa mga period film kaya gusto ko makita kung maganda ang kuwento at pagkakagawa nito. Kung matitripan ko, siguro ay panonoorin ko rin ang Enteng Kabisote o kaya ang So Happy Together na may komedya. Isa ring aabangan sa Film Festival na ito ay ang Pagpaparangal sa mga Pelikula. Inaabangan ko lang kung may lilitaw na namang isyu dito.hehe.
-------------------------
[muling pagsipat sa likha ni Lav Diaz]
Habang nag-aayos ako ng mga litrato sa kompyuter na ito, napansin ko ang mga lumang litrato na in-edit ko na at ginawang grayscale. Naalala ko sa mga ito ang napanood kong Ebolusyon ng isang Pamilyang Pilipino. Inalala ko ang bawat imaheng nakita ko sa pelikula. Inalala ko ang bawat sensasyon na nadama ko sa panonood ng pelikula. Inalala ko ang lahat ng kaya kong alalahanin.
At mismo. Masasabi kong maganda nga ang pelikulang ito. Nakita ko na ang purong sining[sa sarili kong pananaw] sa likhang ito.
Kung maaari ay gusto ko muli itong panoorin ng buo. Biruin mo, 10 oras na pelikula na 10 taon pinagtiyagaang ihulma. Di ko kasi ito nasimulan at siguro'y marami ring magagandang eksena sa umpisa ng pelikula. Gusto ko ang mga bahaging tahimik lang ang eksena. Paggalaw ng mga tauhan, natural na kilos ng kalikasan, walang bukam-bibig, tanging laman ng isipan ng mga tauhan ang tutunghayan mo. Doon pumapasok ang lalim.
Sinubukan kong magbasa-basa sa internet tungkol sa mga Likha ni Lav Diaz. Kahit papano may mga magagandang websites na kinapulutan ko ng magagandang impormasyon.
[Kayo na lang ang tumingin sa mga ito at mamangha sa mga maaari niyong malaman.]
Sana makapanood ako ng Batang WestSide[may DVD na in the making] at Hesus Rebolusyonaryo, at iba pang mga naunang obra ni Lav Diaz.
Mukhang maganda din ang kuwento ng susunod niyang proyekto, ang Heremias.
[isang screenshot mula sa Ebolusyon...
hindi ko tiyak na maalala kung saang bahagi ito.
maaaring ito yung bago makabalik si Ray Gallardo sa kanyang mga pinsan.
o yung bago yung "Dalawang Ina".]
salamat sa indiefilipino[ d best talaga to] at pinoyblog.
-------------------------
Dalawa sa mga inaabangan kong foreign movies para sa susunod na taon:
Charlie and the Chocolate Factory - Tim Burton then Johnny Depp. panoorin na lang natin kung magiging maganda ang remake na ito.yey![July 2005]
Star Wars : Revenge of the Sith - at pag napalabas na to, bibili na talaga ako ng copy ng buong Saga.yey!
-------------------------
sa isang interview kay Lav Diaz, sabi niya :
First I wanted to do music and then painting, and then writing, [then] I think before I finished college, it just came out. I just wanted to do film; I just wanted to be a filmmaker.
hmmmmmmmmm... ako kaya?
[make sure you learn fencing or squash...]

2 Comments:
astig.... gusto ko mapanood un. gusto ko na rin gumawa ng film!! ahhaha.
gusto ko rin ung kay Cesar Montano. kaso yoko sa ka-pair nya. yapos ung Aishe, Juday kse e.. napanood ko isa nyang film na pinapanood smen, kakaasar sya. ehehehehehe...
nood tayo star wars!!! 2 yrs ko nang inaabangan un! :D
waaah gusto ko na rin gumawa ng film!
yehey starwars!!!!!!
starwars!!!!
wuhooo!!!!
yung 14" na darth vader $200!!! 10,000 PhP
samantalang yung mas maliit 3,000 PhP
waaah wala lang!!
starwars!!!!
gusto ko tlaga yung panaghoy sa suba..
yun na lang siguro mapapanood ko...
hehe...
Post a Comment
<< Home