20041211

ELVIS!

astig ang performances ng tropical depression, makiling ensemble, jeepney joyride, eskabeche, pinikpikan at iba pa.
nabuhay talaga mga espirito ng lagoon.
sana mabigyan ako ng pagkakataong matutunan ang pagtugtog ng kahit anong brasswind instrument. o kaya ang pagkarir sa percussions.

------------------

nanakit din konti ang baywang, balakang at likod ko sa a la rasta na pagindak kagabi.

------------------

noong nakaraang taon, masisilaw ka sa lakas at dami ng makukulay na ilaw na nakadisenyo sa mga puno at gusaling nasa Quezon Hall. mararamdaman mo talaga ang masayang pagsapit sa Pasko sa patingin sa mga ilaw pang-krismas na mga ito.

ngayong taon, isang mala krismas tree na tatsulok na hugis at mga salitang PASKO 2004 ang binubuo ng mga simpleng ilaw na nakasabit sa Quezon Hall. isa na siguro ito sa mga patunay ng pagtitipid ng UP sa mga gastusin ng unibersidad. kaugnay nito, nagkaroon ng usap-usapan ang umano'y din pagkakaroon ng tradisyunal na lantern parade ngayong pasko. marami ang nagkaroon ng bayolenteng reaksyon. ito ba raw ay kasama sa pagtitipid ng UP? gayong, kanya-kanyang kolehiyo naman raw ang gumagastos sa kani-kanilang mga ipinaparada. ngunit sa huli, napatunayan ng UP na hindi hadlang ang pagtitipid na ito upang di magkaroon ng masayang selebrasyon ng kapaskuhan sa UP. kaya naman, tuloy pa rin ang lantern parade - isang taunang kaganapan na hindi lang selebrasyon para sa kapaskuhan, ngunit isang selebrasyon ng galing , talento, at pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa UP.

may fireworks display pa kaya?


----------------

kung marami lang akong pera ngayon.
gusto kong ilibre ang mga kaibigan ko para mag-pasko kami out-of town.
basta kung saan mang lugar na liligaya kami.
ayokong mag-pasko sa bahay.
hindi yun magiging pasko para sa akin.
tsk.
pasko lang naman yan.
sus.

-----------------

ilang araw ko pinag-iisipan ang pag-gawa ng wishlist.
napagtanto ko...

wala akong kahilingan sa paskong ito.

[AAWWWWWWWWOooooooooooooooooo]

2 Comments:

Blogger jam said...

buti naman hindi nila itinuloy ang di pagkakaroon ng lantern parade. kahit freshie ako alam kong tradisyon na talaga yan sa peyups na di dapat pinuputol. haay. sayang nga lang hindi ako makakapunta. :(

andameng alang pera ngayong pasko. sobrang onti na nga lang ng reregaluhan ko e, hehe.

wala kang wish ngayon? kalungkot naman. ako meron...yung...a...ano nga ba...hehe, wala rin pala. ewan ko ba.

sana maging merry pa rin ang xmas mo. :D

10:38 AM  
Blogger MaoLeN said...

oist, ala lang...excited na ko sa lantern parade...wish ko lng matapos na yung sa 'min...

nga pla, la ka wish list? buti pa ko...

meron nga pla me gift sau...aawww...sa iniong dalawa ni Caryl...hehe...pero di naman ata gift yun eh, basta, sa thurs na lang...

merry xmas!

12:22 AM  

Post a Comment

<< Home