20041030

ANONYMOUS

tsk tsk tsk. sa wakas magkakaroon na rin uli ako ng computer sa bahay. pero mga after 2 weeks pa daw cguro.shit! tapos aangal pa ang ina ko na ibang bagay muna yung asikasuhin. no way!hahaa

--------------------------------------------------------

malapit ng matapos ang sembreak. at ang aking sembreak, bagama't walang pera ay medyo oks naman.
kagabi nag-oktoberfest pa kami. tae magulo, ala summer slam, pero mas astig pa din summerslam. tambay na lang sa labas tapos may mga mabubuting tao na nang-alok pa ng pagkain at naging new found friends ni katty... haha.. astig. tapos andun din si caps at mga tropa nya, kaso di ko maalala mga pangalan nila[maliban dun sa 2 babae.hehe]...

-------------------------------------------------------

nakuha ko na ang 2 classcards ko. at astig tama ang hula kong grade sa english 1 ko... nawa'y tama din o mas mataas pa ang mga grade ko dun sa mga hula ko..hehehe...enrollment na naman next week, at magtatrabaho na naman ako bilang RA. sana masaya. at sa susunod na semestre ang una kong klase ay natsci2.. haha ayus

------------------------------------------------------

[trip ko lang sabihin ito..isa na naman pong kuro-kuro sa aking sariling linggwahe]

kjuyohm
mjf
xhsj
jcf
cjfmjmjqjkjuyohm
sjkd!!!


[take me up and down again - to the sly and cunning, performed by spongecola]



20041023

HAKA-HAKA, KURO-KURO, LABO-LABO
[isang paglalabas ng sama ng loob at iba pang pananaw part1]


jcf ahoud cf bfj yjd!!!

zcj, xh jopjc jy rjzzp fojkv
xhsj mjf xhsj jcf cjfrjxzcud.
cjfkjfd uhc xh rjzzp, mjojcf
cjjmvryigjc xhtj cf ujor xhuv ch jopjc.
jy msx. udc'y bjrv hxxzvx dw bv jcu
ahcj. jcu udc'y fhiv zx ygjy
"hy'x hc ygv xyjox" kzssxghy!

kjuyom uhc xh rjzzv
hcjjxjo rjbh ch ser cj kjuhcf cj
bzrgj cjbjcf hchhxhm
chjcf fjp jrd, avss h udc'y yghcr
h'b fjp. kjuyom uhc rzcf pjcf-jxjo xhsj xj bfj ydomv,
xhsj cjbjc qzbmhcf yd ldclszxhdcx sjfh.

ghcui jrd zxvo!!!
fojkv mjyh xj mjcafhchm zbjjxj
mj uhc jrd rjp rjpv....

[bahala na kayong magtranslate!!!]

---------------------------------------------------------------------

para sa isang kaibigan:
KARINA

hanggang sa susunod pang mga trekking sa mga damuhan malapit sa math bldg...
hanggang sa marami pang crop circles, banshees, jack the ripper, at mga marshmallow na tinunaw...
hanggang sa susunod na Q4...
hanggang sa susunod pang ICP projects...
hanggang sa susunod pang mga riot sa klasrum...
nawa'y lumigaya ka kung san ka man tutungo ngayun...
tandaan: sundin lang ang puso!!!hehehhe

[wag kakalimutan ang snow ko!!!! wuhoo!]

--------------------------------------------------------------------

congrats sa bagong kotse ni katty!!!
[pwede ka na kumanta ng New Black Car ng July for Kings!]
haha...

------------------------------------------------------------------

ayus ang debut ni karen!!! reunion waha!

------------------------------------------------------------------

badtrip. tae baka operahan pa ako dahil lang sa pagpapabunot ng ngipin..wahahhaa ayus yun a!
pero gastos na naman waaaaah...

----------------------------------------------------------------

tae..wirdo talaga ng mga panaginip...

----------------------------------------------------------------

anlakas ng kapit ng amoy ng aircon sa cafe na to...

----------------------------------------------------------------

wow!ayus andami ng bloggers!!!mabuhay kayo! hehee
pero tae, di na ko nakausad usad sa pagdedesign ng sariling website
badtrip hanggang blogger modifications pa lang ako tae..
kompyuter ko asan ka na !!!!!!!!!!

--------------------------------------------------------------

waaaaah tama na...

[oh my darling , oh my darling, oh my darling clementine...]

20041020

MY SEM-END REPORT

The First Day...

May freshman assembly nung hapon.pagkatapos nun, para akong isang ligaw na bata paglabas ng UP Theater. Dahil sa pagmamarunong ko sa CRS, mali ang isked na nakuha ko kaya isa ako sa mga sampid na Math Majors pero salamat sa FOPC at siningit nila ako sa BlockM9 kung san me nakilala akong bagong kras...



CURRICULAR



MATH17 - ito ata ang 1st class na pinasukan ko sa unang taon ko sa kolehiyo at ang matindi pa, kay Hermosilla ako pumasok. Habang naghihintay sa afternoon sched ng Freshman Assembly, nag-decide akong pumasok muna sa klase [kahit excused naman talaga ang freshies]. Na-meet ko si Hermosilla at ang kapal ng mukha kong mag-recite sa klaseng yun. Sabay nagpasa ng attendance. Wala ang pangalan ko. Pagsilip ko sa Form 5 , nakita kong 301 pala and room ko sa MATH. Nasa 304 ako ng mga panahong iyon. Huli na dahil tapos na ang klase. Pero buti nalang at hndi pala talaga yun ang klase ko. Kaya kinabukasan at sa mga sumunod pang araw, kahit madalas akong late [at kahit yun ang first subject ko araw-araw], ay sa 301 na akopumapasok. Medyo mabilis magturo si Ma'am Mia. Surprise pa ang quizzes. Pero kumpleto lagi ang notes ko. May Leithold din ako. At dahil isa akong Math Major, pinag-aralan kong mabuti ang subject na ito.

HATOL - DRP . Dahil sa mga faling grades ko na...
  • LT1 : 42.31 %

  • LT2 : 16.15 %

  • LT3 : 40%

  • MIDTERMS : 52.22%

  • ...nag-drop ako [ang condition ko kasi ay magdodrop ako kung parehong bagsak ang LT3 at Midterms ko]. Wala man lang nakalapit sa 60%.

    PHILO10 - isa ito sa mga pinaka-inaabangan kong klase noon. Kala o sobrang saya at astig ng mga magiging class discussions namin. Pero nagkamali ako. Na-bore ako a Prof. At dyahe minsan ang mag-paphotocopy ng sobrang daming readings na hindi niya naman dinidiscuss lahat. On 2nd thought, madami akong natutunan sa mga readings na sobrang nakaimpluwensya sa pilosopiya ko. Kahit papaano, may mga discussions din na medyo nakakabuhay. Di tulad ng minsan akong nahalatang natutulog ng Prof. ko at buti na lang di nya ako sinita.

    HATOL - 1.5 man lang sana. Dahil astig siya mag-bigay ng exam [na may passing na 10%]. At nawili akong mag-library para magawa yung philosophical paper ko. Madami talaga akong natutunan dito kahit na about 1/4 ng readings ang hindi ko pa talaga nababasa.

    ANTHRO10 - Madali lang ito kng si Prof. Dalisay and teacher mo. Medyo ordinay lang naman ang discussions kaya madaling sakyan. Daming upperclass sa klase kong ito at me isa pang nakakabadtrip na dahil sa sobrang walang kwenta ng mga hirit niya. Swerte din kami dahil andaming absences ni Prof. dahil sa Convention niya sa Netherlands, Workshop tungkol dun sa Sex and Society[ata], tsaka dun sa mga meeting para sa Chairman ng department nila. Pero hindi niya kami binigyan ng make-up classes.

    HATOL - 1.5 man lang. Oks naman ang short quizzes ko. Kahit olats ako dun sa report.Ehehe.

    ENVISCI1 - badtrip ako dati sa klaseng ito dati dahil hindi ko naiintindihan ang pananalita ng Burmese Prof. ko. Medyo boring pero oks lang. Easy! Pwede kang magpa-attendance lang at lumabas na lang ng klase dahil lagi namang me handouts na makukuha sa Photocopying Area sa 2nd flr ng FC. Badtrip nga lang minsan dahil hindi ko alam kung sa MSI o sa Villadolid yung klase ko. Tae, e magkalayung-magkalayo ang mga buildings na yun!

    HATOL - 1.75 [final na yan!]. Dahil easy lang siya magpa-exam basta aralin mo ang handouts. Tapos puro long test lang...
  • LT1 : 82 %

  • LT2 : 88 %

  • LT3 : 84.5 %

  • ...ang finals optional na lang kung gusto mo pang pataasin grades mo. At salamat sa kagrupo naming taga CHK sa paggawa niya ng Term Paper namin [80/100] at sa mga iba pa naming kagrup na pareho kong mukhang mga tamad.haha

    ENG1 - kung grammar lang din, wag ka ng umasa dito. Kay Ma'am Cel, parang CW10 ang klase. Pero oks lang sa kin. Ok siya mag-discuss tungkol sa mga pinapabasa niya samin. Medyo nakakarelate naman kami [maliban dun sa iba naming goodylicious na kaklase]. Nakakatamad nga lang, kasi pagkatapos kong maglakad mula Villadolid o MSI ay kelangan ko pang umakyat ng 5th flr ng CAL para lang salubungin ng mga kaklase kong parang taga PUNCHLINE. At sana wag na kong tawaging Mr. Emo Himself ni Ma'am. Waaah.

    HATOL - 2.0 . Dahil sa walang kwenta kong pagsusulat at sa mga writer's block kuno.

    TAPDANCE3 - badtrip minsan ang gumising ng sobrang aga kapag Sabado. Pero para kakaiba ang trp, in-enjoy ko ang tapdance. Bangag pa ako madalas na nagkakataong may practical exam. Pero ayus lang. Kakaririn ko nga to minsan para makasayaw na ako sa A.S. steps sa isang maulang gabi.Nyahaha.

    HATOL - 1.75 para makapag TAP4 ako. Pero mukhang 2.0 lang dahil bangag ako sa mga exams. Waah.

    [hahaha.parang antataas ng mga pangarap kong grades a..wahaha]


    EXTRA-CURRICULAR



  • the best ang freebies para sa mga freshies

  • ayus ang mga free concert at iba pang events sa UP

  • mukhang indi ganun ka-successful ang NFF hunting ko

  • nakakawili manood ng samu't saring pelikula sa Film Institute kahit mag-isa ako

  • medyo nagka-regret din ako ng mag-quit ako sa training ng KONTRA GAPI

  • badtrip ang sunken.basa lagi

  • badtrip sa bahay.walang PC.badtrp gumawa ng requirements

  • mahirap mag-ipon ng pera

  • kahit madalas magfood-trip sa kung saan-saan at ng kung anu-ano.payatot pa din ako

  • mukha akong adik

  • sabog at wirdo ng humahaba kong buhok

  • dahil sa ka-emo-han, hindi maganda ang tapos ng sem na ito
    at marami pang ibang pangyayari na badtrip at astig.

    HATOL - 2.5 TSK TSK TSK. Pagbubutihin na lang uli next sem!

  • [wuhoo at hehe!]

    20041017

    MORE THAN MILLION DOLLAR QUESTIONS

    upis

    UPIS is still the same UPIS...hmmmm... Naaaahhh
    Batch 04 is still the same Batch 04...hmmmm...Naaaahh

    Hindi man lang ako umabot sa piktyuran sa skul.nyaha.oks lang papalagay na lang ako ng solo pics wuhoo!!!

    -------------------------------------

    adik

    the adik tree is still the same adik tree...hmmmm...Naaaahh
    people are still the same...hmmmm...Naaaahh...hmmmm...Yeaahh...hmmmm...arghhh...

    ansarap humiga muli sa tuyong damo ng sunken sa ilalim ng gabi kasama ang mga kung sinuman...masarap pero parang kulang... parang dati lang din...laging kulang...lagi

    -------------------------------------

    the beerday

    the people who we used to drink with are still the same...hmmmm... Naaaahh
    everyone's still the same...hmmmm... NAAAAAhhh

    masarap minsan makipag-inuman. lalo na kapag ok yung mga taong kainuman mo. maraming pwedeng mangyari sa inuman.maraming pwedeng maisip habang nag-iinuman....

    [tulad ng mga pausong tanungan na sinimulan ni noe!!nyahaha]

    sayang...pero ayus lang...astig

    [kung may masasabi ka ngayun...anu yun?]

    20041015

    NOTHING

    NOTHING.

    [nothing]

    20041014

    SEMBREAK

    SEMBREAK, AT LAST WUHOOO!!!!!

    [nakanang]

    20041012

    COLORING BOOK

    sa pagbuklat ng bawat pahina
    pawang mg guhit ng itim na tinta
    mga larawang kapos sa kulay
    balintuna at walang buhay
    sa pagbuklat ng bawat pahina
    sila ang humuhusga
    sa bawat timplang lumalapat
    at paunti-unting pagkalat
    sa pagbuklat ng bawat pahina
    larawa'y tila nag-iiba
    sa pagpahid ng bawat pinta
    na desisyon ng mga humusga
    sa pagbuklat ng bawat pahina
    anu pa man
    nananatili
    mga guhit ng itim na tinta

    -------------------------------

    my henna tattoos...

    here's one...



    and another...



    nyahaha fuzzy...

    -------------------------------

    di na talaga ako magkukuwento tungkol sa mga you-know-what...hehe.pramis akin na lang yun..hahahaha

    [not another...]

    20041008

    OUT OF MIND

    shiyet.hoy ikaw malungkot ka na naman...

    ngayun pang sembreak na....

    tama na.masyado ng malungkot ang mga lumipas na araw.hoy anu ba kayo, anu bang balak nyo...tara na trip tayo!!!!

    pakasaya uli tayo parang last year.para namang andali nyong makalimot.tsk tsk tsk..minsan na nga lang...hehhe
    game...

    para masaya ..
    parang ganito [kaso nung summerslam to..hehehe...pasalamat ka aryan hindi ko inalis yung mukha mo, para di ako ganun ka conceited...wahehehe]



    [tenenenen tenenenen tenenenenen tenen ten!]

    20041007

    IMAGINATION

    read this from a book....

    Man is this night, this empty nothing, which contains everything in its undivided simplicity; a richness of an infinite number of representations, of images, of which none comes precisely to his spirit or which are not in so far as really-present. It is this night, the interiority which exists here: -the pure personal self. In the fantasmagorical representations it is night all aorund, here arises sudenly a bleeding head, there another white apparition, and they disappear just as suddenly. It is his night that is seen in looking into a man's eyes, looking into a night which becomes terrible; it is the night of the world w/c is presented to us. the power of drawing from this night images or of letting them fall: position of autonomy, interior consciousness, acion.

    -a romantic expression of Hegel on his ideas on imagination

    20041005

    LACK OF BEING