20051007

LIMANG ARAW NG ITIM NA TSINELAS [PREVIEW]

seryoso. isang napakamakulay na linggo ang lumipas.
puno ng mga aral, karunungan, panaginip, misteryo,
katuparan, at libog [na hindi lang sekswal].

dulot ito ng durian_flavored_babolgam, paggasta ng weekly allowance sa humigit kumulang isang oras sa sm, madatnan ang quiapo sa umaga na hindi pa nalulunod sa mga tao, pag-amin sa isang tao ng isang bagay, maubusan ng developer, paglasap ng pinipig ice cream, kawalan ng tulog [sa wakas] para tumulong sa pagedit, pakikipagusap sa ilang tao sa isang sala tungkol sa maraming mga bagay na mababaw at malalim, pag-awit ng mga awitin ng carpenters kasama ang mga taong iyon, panonood ng birthday boy na animation, magpaliwanag ukol sa konsepto at tema ng aking photography portfolio na sumablay dahil sa isang salita, pagkagat ng dalawang langgam sa kaliwang paa ko, pagcocontinuity, pakikinig kay sigfried sanchez, pagpitas ng isang babae sa dyip ng piraso ng aking pagkatao, isang pagtititigang hudyat ng isang katuparan, pagbibilang ng mga naghahanap buhay sa circle at sa quezon ave.,pakikipagtalakayan ukol sa nagbabantang martial law, pagdekwat ng titser ko sa paborito niyang litrato mula sa koleksyon ko, pagkakatanto ng goal ng kuwentong matagal ko nang sinisimulan, pagbubukas ng payong sa maulang biyernes, etcetera, etcetera, etcetera.

inumpisahan ko sa notepad ang paggawa ng isang mahabang
entry tungkol sa linggong ito. pero inaantok na ko
kaya ipagpapatuloy ko na lang bukas. sana. o baka hindi na.


i-eedit ko na lang muli ang post na ito para sa mga aral at karunungang
tinaggap ko. astig.


sa linggong ito, isang di-inaasahang pangyayari ang
naganap. isang nilalang na nakaakit sa akin at pinuno
ko ng interes na kilalanin [mula pa noong unang semestre ko sa kolehiyo]
ang, sa wakas, ay direkta kong nakasalamuha at nakausap.
isang katuparan na balak kong dalhin sa kung saang lebel
pa ng pagkakakilala ko maaari itong dalhin.
kakaiba talaga siya.

----------


Friedrich Nietzsche
You scored a 61 in Existential wisdom!
This is the second highest category for the Existential Test, so close and yet so far away. You know more than most about existential ideas, but only enough to criticize others. Why is your sister such a royal bitch?





ginawa ko to dati nung asar ako dun, nakalimutan kong pwede ko pala itong gamitin instead of babelizer...haha
----------

bogs: ito ang durian flavored babolgam tikim na!

----------

[pero, sa ngayon, alam mong ikaw pa rin muna, kahit na...tsss]

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

psst.adik ka talaga.may bahid pagnanasa na naman to.san na si prospect 1 at 2?at sino ang nakatitigan at dadalhin sa neks lebel?aba aba losaria,libog na di lang sekswal?hmm..adik ka.
umeepal, luna.

1:04 PM  
Blogger Kepi said...

bwahahha.
biruin mo andaming nagdaan sa mabilis na panahon.
prospect na me mga numero.
all new prospect.
at ang bagong lebel.
bwahahha.
at muli.
sikreto.
bawal sa mga vines a.k.a. kulot na mga halaman. bwahahha.

9:50 PM  

Post a Comment

<< Home