ANG PINAKAMATAGAL NA PAGKURAP
Hindi mo alam ang gusto mong makita. Maglalaro ang isip mo habang nalulunod sa kadiliman ang mga nakapinid mong mga mata. Sa isang iglap, mamumulat.
Di mabilang na mga hubog ang maaaring makita. Iba't-ibang katawan ang makikipaghabulan sa mga mata mong lumilibot. Sa iyong paghahanap, may mapagmamasdan.
Isa lang ang nais mong makita. Ang natatanging kaanyuang di-sinasadyang nabuo ng kanyang kakulangan. Sa isang pitik, magkakahulugan.
Wala ka nang maari pang makita. Tutunghayan ang biglaang pagkalusaw ng mga anyo pabalik sa kaitiman. Sa iyong pagpikit, mamamangha.
--------------------
ANG PINAKAMATAGAL NA PAGKURAP
masisilayan ba
ang paglitaw
ng damdamin
ng mga
anyong
nasa dilim?
minsan makakapagsulat ka talaga ng mga tulang kalahati lang ang galing sa puso
***para sa mga naging bahagi ng nakaraang semestre...mga naging inspirasyon, mga naging kaisang-utak [at mga sumalungat], mga nagbahagi ng karunungan sa klasrum at sa buhay, mga ka-puyatan, mga pinagpitasan ng pagkatao sa dyip [na ninakawan din ako], mga nakaone-way-chicken, mga naging kalaro sa dilim, mga di na maisusulat, at sa mga nakatitigan.
----------
[edit.edit]
p.s. salamat kay bebs sa pagpopromote ng uring halaman sa kanyang recent blog post at pageespesyal-mensyon sa pangalang KEPI LOSARIA (kamusta naman?!). Correction: di ako halaman sa paso [si mortel un originally], ako ay cactus, remember?!?!
BWAHAHHA!
[tinatawag silang mga tess bwahhahaha]