20050730

DYIP NGA NAMAN, MINSAN SITAK PA

Madami sana akong nais sabihin at i-post ngayon dito.
Pero nakakaantok na, kaya next time na lang.
Basta masaya at swerte ang lumipas na dalawang araw.

Mahiwaga ang dyip. Daming pinagtatagpo.

[letter D pala. ayus]

[in-edit ng sabado night]

Hindi ko na pala ikukuwento. Akin na lang yun.
Nadagdagan pa ng isang araw. Sana sa susunod na linggo may mga tipong ganoon uli.
Wahahaa. Ayus. Sana tamang tiktak na to, anak ng...
Wahaha.

[TikTak]

20050728

ISPAT

sumasarap ang simoy ng hangin a.
pero me sipon pa rin ako.



tumitingkad din kulay ng ilang bagay a.
pero mas maganda pa rin ang blakenwayt.



sayang masarap magkuwento kaso nakakatamad dito.
pero pero pero....



panalo pa rin ako sa fencing. 5-2
kahit na talo ako dati sa iskor na 2-5.
hahahaha.

ayus yung mga postcards.
nakakalungkot man.
nakakainspire pa din.
ganyan talaga.

eksayted na ko sa mga workshops. astig!
mukhang masaya yun! ayus!

malapit na agosto.
malapit na rin setyembre.
tapos a-ocho.
ayus.
mukhang di na talaga uuso sa kin ang bertdey.
dats mor layk it!

salamat pala uli dun sa mga anonymous. wahaa. ayus.
magkikita-kita tayong muli.
apir!

----------

hilig talagang magkuwento ng litrato.
ansarap kasama ng mga repaks.
laging makulay.
laging masaya.
ganyan pag kasama mo mga repaks mo.
para ka lang nalulunod sa kung ano.
wahahhaha.
eto tignan mo me piktyr sila o!


si jojo


si ispayk


si francis


si kepi


sino to?

WAHAHAHAHAHA. ULOLS.

[shite!]

20050726

MAILAP NA MAGANDANG PAGBABAGO

SONA na naman ni Gloria kanina. Gusto ko sanang pumunta sa may Komonwelt kanina, makisama sa mga taong nagpoprotesta, at makinig sa mga opinyon at nalalaman nila.
Pero dahil sa kung anumang lakad, di ako nakapunta. Gayunpaman, sinubukan kong makinig sa mga balita [kahit na biased naman ang mga ito kung tutuusin] kinagabihan.
Hindi ko napakinggan ang buong SONA ni Gloria ngunit napag-alaman kong nilalaman nito ang panawagan niya sa isang Charter Change. Ang Charter Change ang maglilipat sa pamahalaan mula presidential patungo sa parliamentary federal. Di ko pa ito naiintindihan. Iyan siguro ang mga dapat kong alamin sa mga susunod na araw. Isama mo pa ang sinasabi nilang constituent assembly.

Sa ngayon, sumasangayon ako sa sinasabi ng ilan na kulang ang mga pinagbabanggit ni Gloria sa SONA niya ngayon. Sa kabila ng maraming mabibigat [at paulit-ulit] na isyu tungkol sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa at sa mga isyung pulitikal na gumugulo sa pamahalaan at mamamayan, mas ninais ni Gloria na iharap sa mga mambabatas ngayon ang kanyang panawagan sa isang Charter Change. Sa tingin ko, sadyang mali iyon.
Dapat ay nagsalita siya tungkol sa mga isyung kinakaharap niya at ng pamahaalan sa ngayon. Dahil iyon na man talaga ang malaking salik sa kung ano ang tunay na State of the Nation. At ano ang gusto niyang mangyari sa ngayon? Palampasin ng mga mambabatas at ng mamamayan ang mga isyu laban sa kanya at sa halip ay magpokus sa sinasabing Charter Change? Bakit hindi isa-isahin ang mga problema.

Ang paninindigan ko sa ngayon, dahil mukhang hindi basta bababa si Gloria, idaan siya sa isang impeachment case [awa na lang ng kalikasan na maging malinis ang prosesong ito] dahil sa isyu ng pandaraya. Ang magiging problema naman sa susunod ay kung makalusot siya sa kaso o kaya ay kung makakaya ba ng papalit sa kanya. At kung magkagayon, sana'y mapalapit na sa isang malinis na sistema ng pamahalaan ang pamumuno sa ating bansa. Kung paano? Pagtutulungan nawa nating mga Pilipino iyan.

Malaya sana.

P.S.
Sana magkaroon na ng isang pinuno
na magiging priority ang
Edukasyon sa bansa.

[di ko alam kung malinaw ba ang pagkakasulat ko sa ilang saloobin ko]

----------




Isa ito sa mga panalo pic mula sa nakaraang summer.
Mukha akong ulolonghair.

----------

May ilang tao talaga na kahit di mo naman talaga kakilala ay nakaka-inspire pa rin sa'yo sa maraming mga bagay.
Salamat sa mga tulad nila.
Haypayb!

----------

Madalas kong suyudin ang highway dati.
Ngayon, minsan-minsanan na lang.
Minsan, sa diwa na lang.

["Kuya, request pa-picture naman kami dito." - batang manininda sa Q.Ave]

20050724

TIKET

unang gabi.
tuod akong nakatayo.
mulat.
walang pakiramdam.
wala.

sa ikalawang gabi,
nagsimulang umihip ang hangin.
paulit-ulit.
paikot-ikot.
pabalik-balik.

ikatlong gabi
ng ako'y kanyang bulungan
ng mga lihim
na nais niyang aking malaman.

ang ikaapat na gabi
ang gabi ng halik.
kung kailan dinampi ng kanyang lamig
ang aking mga labi.

ikalimang gabi.
hagkan.
yapos.
akap.

sa ikaanim na gabi,
ako'y kanyang tinangay.
tangan ako ng hangin
sa kanyang paglalakbay.

hindi dumarating ang gabi sa ibabaw nitong mga ulap.
mahirap na ring bumaba mula sa langit.
ang susunod na gabi, di ko alam kung kailan.


**ang tulang ito ay isang tula ng pag-ibig, pagpapatiwakal, pagnanakaw, biglang yaman, pamilya, diyos, kahirapan, pangarap, panaginip, pulitikang pinoy, pagsisisi, digmaan, at panis na isaw. pero hindi talaga.kaya wag na piliting intindihin kasi di ito magpapaintindi.

----------


CINEMALAYA GOES UP

Nabigyang pagkakataon akong mapanood ang 8 full-length [Baryoke, Big Time, Pepot Artista, Room Boy, Isnats, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Sarong Banggi, Lasponggols...hindi ko napanood ang ICU Bed # 7] at 6 short films [Mansyon, Kultado, Blood Bank, Babae, Panaginipan, at Alimuom] na bahagi ng Cinemalaya Film festival noong nakaraang linggo sa UP.

Magagaling. May kani-kaniyang mensahe/galing na nais iparating/ipamalas sa mga manonood.

Ang masasabi kong paborito ko ay Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros sa full-length at Alimuom sa shorts. Kung bakit, ay hindi ko pa lubusang maipapaliwanag. Wala pa naman akong masyadong alam pagdating sa mga teknikal na bagay sa paggawa ng pelikula.
Siguro nasa pag-"experience" ito ng mga nasabing pelikula.

Saludo tayo sa Cinemalaya.

Sunod naman CinemaOneOriginals.

----------

Nakakatawang pansinin kung paano ang mga dating "sana...", "marerealize niya din yan"
at "maiintindihan niya rin yan" ay isinasakatuparan ng mga pangyayaring dulot ng malakihang pagbabago sa mga takbo ng buhay ng mga tao at mga pangyayaring nagiging bahagi sila.

Malapit na rin.

----------

madalas na ayoko sa araw ng Linggo.

----------

malapit na magbalik si Eros.
magtatagal naman kaya siya ngayon?
apir!

----------

sana matuloy yung labas ko kasama ang mga kids.
bibisita pa kami sa bahay-ampunang nagpalaki sa amin.
mukhang masaya yun.
kamusta naman kaya sila?

----------

andami pang dapat habulin na lesson sa mga subjects.
nakakatamad kasing pasukan yung iba.

----------

mukhang nagiging pala-bati ako sa mga kakilala ko sa campus ngayon.
ayus din. hehe.

----------

hindi dumarating ang gabi sa ibabaw nitong mga ulap.
mahirap na ring bumaba mula sa langit.
ang susunod na gabi, malapit na.


["Kain na!" -Maximo Oliveros]

20050717

HINDI DAW TYPICAL

Pinanood ko ang Pinoy Blonde ni Peque Gallaga noong Miyerkules.
Noong una kong marinig ang tungkol sa pelikulang ito noong mga nakaraang buwan,
medyo mataas ang expectations ko.
Isang pagbabalik pelikula ni Peque Gallaga, na maaaring magbigay bagong buhay sa Pinoy Films sabi nga nila.
Pero ng mapanood ko ang trailer at lumilipas pa ang mga promotion nito, parang napansin/naisip kong hindi ito magiging kasing ganda ng aking inaasahan.
Kaya nang mapanood ko.
Yun nga.

Sabi nga sa isang film review na natanggap ko sa email,
"the filmmakers had so much fun in the movie that they forgot about the audience"

sayang.

wala lang. wala lang masulat.
at alas-3 na naman at maaga pa ang sibat ko bukas.
ehhehehe.

[oh well papel]

20050713

HOPE


makalipas ang 2 oras mula ng ako'y pumila...


maghihintay ng 2 pang oras...


pagod na siya, pero para sa mga tumatangkilik/sumusuporta/humahanga sa lahat ng kanyang nagawa...sige lang.


sa wakas.
D R E A M.

***para kay kaibigang Bimbo [kahit di nya naman siguro to mababasa], ingatan mo lang ang koleksyon mo, sigurado mapapakita mo din yang lahat sa kanya sa susunod.

Isang espesyal na pasasalamat pala kay Sanya. Apir!

Kudos sa mainit na pagtangkilik ng mga Pilipino kay Gaiman. Iba talaga humanga ang Pinoy.

Kudos kay Neil Gaiman at sa kanyang endless craft.

Hanggang sa muling pagkikita sa dreamworld.

[DREAM]

20050711

No. 585

"From dreams I conjure a handful of yellow grain...
I throw the grain into the air.
And I hear it.
The sound of wings..."

-Dream



"...a little night music from me to you...
Pleasant dreams."

-Neil Gaiman



Nakipag-shake hands ako kay Neil Gaiman ng 9:30 pm ngayong gabi.
Si Dream come true.
At signed na rin ang SANDMAN : Preludes and Nocturnes ni Sanya.
At nakakilala pa ako ng limang bagong kaibigan.
Pictures to be posted soon.

Inspired.
I'm sure may next time.

May nakita nga pala akong bagong elements na magagamit ko dun sa poreber-in-da-works kong short story.
Ayus.

***credits to Arianne Pullarca for the upcoming photos and for the photos previously posted. To Lani Vasallo for the photos from her party.


["Soon." - Dream]

20050710

SARCASM

di ko alam kung bakit.
pero natatawa ako sa kanilang lahat.
wahahahhaa.

di pa rin ako makapag-tag sa sarili kong tagboard.
kelangan na ng bagong lahat.

balik research-basa-aral.
wuhoo sipag.

she's blonde
and she sucks blood.
now she doesn't have to chase me.
i'll be watching the whole city.
my hands tucked
in sleek black.


[subtitles nga.]

20050709

ALAS-OCHO

isang buwan din ang lumipas ng huli kong paglagda sa blog na ito.
gayunpaman, wala ring pagbabago.
hayaan nating mga litrato ang magkuwento ng ilang mga kaganapan.


kasilyas murders kanselado.


ala orange and lemons sa fete ngayong taon. [kaso blakenwayt sori ka na lang.]


iskabenjer ng astig na headgear.


adbentyur sa quiapo at sa kaligiran ng the place to be.


isang gabi ng katatakutan at porno-pornohan.


ala brandon flowers kasayaw si kaibigang lani.


kaibigang lani at ang unang star wars theme debut sa pilipinas
na may star wars karakters. [bragging rights ika nga ni lani! haha.]


para ka lang don.


maki-freshie.


nasagasaan ng let's do the funk.


shoot me.


kindergarten iskul boy, emo still.

***maraming hindi naikukuwento at nababakat sa mga larawan.
hulaan na lang.

----------

ano na naman bang mangyayari sa pilipinas ngayong magulong-magulo na naman ang
sitwasyong pulitikal sa bansa?

naniniwala akong nandaya si gloria. sinong pulitiko ba ang hindi. [oo, alam kong may malilinis ang kalooban na talagang hindi na makapandadaya.]
hindi ko alam kung makikiisa ba ako sa pananawagan na siya ay mag-resign o kaya ay idaan na lang sa isang impeachment trial[dahil hindi naman siya legitimate na presidente kung sakaling mapapatunayan sa isang malinis na proseso na nandaya siya.]
pinangangambahan ko lang ay anu ang mangyayari kapag wala na sa puwesto si gloria.
si noli ba ay makakaupo sa puwesto ayon sa batas kahit na tutol din sa kanya ang mga taong nag-aala people power ngayon sa ayala?
kailan ba magsasawa ang tao sa paghahalal at pagpapatalsik ng mga pulitiko sa isang nabubulok na sistema ng pamahalaan?
sana lang ay mabago na nga ang sistema ng pamahalaan sa Pilipinas.
ngunit kailan ba maiintindihan ng mga Pilipino na hindi rin naman ganun kabilis ang ganoong proseso?
siguro tama nga ang sinabi ng isang kaibigan, "isang generation lang ang magbabago ng government ng bansa".
sana sa lifetime ko ay matunghayan ko naman ang ganoong pagbabago.
hindi ko na naman alam ang pinagsasabi ko.

----------

nasa Pilipinas ngayon si Neil Gaiman, sana makatuloy ako sa Lunes.

----------

di biro ang mag-reel at madevelop ng matino ang film.
buti na lang nagawa ko iyon ng maayos sa una kong rolyo.
kahit na underexposed naman ang mga kuha ko.
o well.

masayang mag-aral.

----------

onting bawas ng yosi.
onti pang ipon.
effort lang.
haaaay.

----------

mga naunsyaming kuwento.
ngayo'y putol na yugto.
ilang pagbabago
sa mga iginuhit na tao.
hanap na lang uli ng sakto!
ye!

para sa dalawang nilalang
turon at coke.

di matapos tapos.naman.

-----------

you got a reaction
you got a reaction didn't you
you took a white orchid
you took a wihte orchid and turned it blue


yeah white stripes.
ganda ng vid.

-----------

coming up: plates from f110
:)

-----------
Sayang nga naman!

[sabi nga ng narrator sa isang pelikula, para malaman mo kung nagtutulug-tulugan o natuluyan, buhusan mo ng tubig]