20041115

MGA BAGONG KLASE [at isang take 2] ATBP

una sa lahat, pagpasensyahan po ang delayed na post. ito po ay sa kadahilanang naging busy [kuno] ako sa pag-aayos [pakikisali sa pag-aayos] ng computer at dahil nasira pa ang modem.maraming salamat sa patuloy na pagbabasa sa mga walang kwentang post [walang kwenta daw o? pero may kwenta naman sa akin lahat ng napopost ko].

---------------------------------------------------------------------

bagong semestre.bagong mga klase.mukhang masyado pang maaga para husgahan ko yung mga klase ko ngayon.pero sa ngayon, ito muna ang masasabi ko...



PanPil19 -- Ito ang pinakamaagang klase ko. Pero sa tingin ko naman, sa pagka-interesante ng subject na ito, maiiwasan ko ang ma-late sa klase. Nung unang araw ko sa PanPil, nagkaroon kami ng parang diagnostic test. At sa mga tanong ni Sir, narealize ko na hindi ko pala naitanim sa isipan yung mga titles ng mga literary pieces na naging paborito ko. Hindi ko rin maalala yung mga erotic films na narinig ko na at gusto kong mapanood. Sinubukan din na isa-isa naming sabihin sa klase ang mga sumusunod: tite, puke, at suso. Sa kinasamaang-palad, itinigil ito bago pa man umabot sa akin. Pero sa totoo lang, kung sa isang konbersasyon o diskusyon, pinakasanay siguro ako sa etits, pussy, at boobs. Pero pwede ding etits, keps, at boobs. Ngunit dahil sa ako'y binansagan nang KEPS, aba'y wag na lang. Ahehe. At pagkatapos kong gawin ang post na ito ay sisimulan ko na ang assignment sa subject na ito.

Socio10 -- Nung first sem, nakakaintriga ang makinig sa mga kuwento ng kaklase ko dati na kumuha ng Socio10 kay Lanuza. At dahil doon, pinakauna kong hinanap na GE sa CRS Enlistment ang Socio10. Aba'y kahit first week pa lang ng CRS ay umaapaw na ang mga estudyanteng nagpa-enlist dito. At umaapaw na nga [hindi naman, pero metaphorically speaking, ahehe] ang mga estudyante sa PH318 ng dumating ako sa unang araw ng Socio10. Akalain mong mas marami pa atang pre-rog na nakaupo na sa loob kaysa sa mga talagang enlisted na nakatayo sa pintuan. Swerte na lang sa mga draw lots na napili. Maiisip mo nga talaga si Ma'am Manzano kapag nagsalita na si Lanuza. Siguradong marami talaga akong matututunan sa kanya. Gayunpaman, mukhang hindi ako magiging recitative sa klaseng ito. Syempre kailangan dito may paninindigan ka sa bawat katatayuan mo. Asa pa akong malakas ako pagdating sa paninindigan. Pero isa lang ang masisiguro ko, kaya kong i-suspend ang mga biases ko [natutunan ko ata yun sa pag-aaral ko sa Philo10]. Sa wednesday bibili na ako nung libro para sa klaseng ito.

NatSci2 -- Pinaka-unang klase sa 2nd sem. Madami kami sa klaseng ito. Humigit kumulang 160 siguro. Madami din kaming UPIS dito, mga 9 siguro [hindi pa kasama ang higher batches]. Kinuha ko ang NatSci2 dahil mas interesado ako sa earth science at bio [pero sa animal behavior at ecology ang gusto kong bio] kaysa sa chem at physics. Dahil malamig ang CS Audi, medyo inaantok ako dito. Pero magaling yung teacher kaya nakakabuhay. Isipin mo na lang kada meeting may mga hirit siyang panghopeless romantic. Mga pampa-impress daw sa date sabi ni Sir. Haha. Siguro kailangan ko na rin maglista ng wishes para sa night class namin sa December. Wahahha.

MPs10 -- Kinuha ko ang klaseng to para malinang ang kakayahan[yung kakapiranggot] at interes ko sa pagsusulat. Nagkataon namang kaklase ko dito ang isang taong kaisang-utak ko sa ganitong bagay noong mga unang taon ng hayskul. Nagpakilala kami isa-isa sa klase. Kailangan sabihin ko ang isang bagay na sa tingin ko ay ako lang nakakagawa. Wala akong maisip. At pagtayo ko, binanggit ko na lang ang unang pumasok sa isip ko. Iyon ay ang pag-inom ng Coke na may kasamang coffee powder [nagsimula lang yun dati sa aksidenteng pagbuhos ng Milo sa Coke, tapos pagsubok naman ng Kape]. Pero sa totoo lang matagal ko na namang hindi ginagawa yun. Mabait naman si Sir at sana ay hindi siya yung tipong naninindak kapag palihan[isang bagong salitang aking natutunan na nangangahulugang workshop]. Inaabangan ko na ang unang pagsasanay sa Biyernes.

Geol1 -- Saktong kasunod ng MPs10 ko kaya kailangan kong takbuhin[hindi naman] mula AS papuntang NIGS. Andami ko pang kaklase sa subject na ito [pati yung crush kong taga FA]. Yung teacher ko dito, parang kaugali lang ng teacher ko last sem sa EnviSci1. At sana madali magbigay ng exams at mataas mag-grade. Buti na lang may NatSci2 ako sa umaga, kaya kung sakaling hindi ako nakapagbasa para sa Geol1, sisilip na lang ako sa Natsci2 notes ko. Ampangit ng pwesto kong upuan, pero oks na din kaysa naman sa harap. Tiyak na idadaan na naman ng teacher sa photocopied powerpoint presentation slides ang notes para dito. E di ayus.

Math17 -- Nagsama-sama kaming mga nag-drop dito na UPIS. Andito din yung dati kong kaklase na math major din pero hindi nagdrop[unfortunately bumagsak]. Sa subject na ito, ito lang ang mahihiling ko: ang mataas na pag-grade ng teacher, ang malinaw na pagtuturo ng teacher, at ang madaling exams ng teacher; in short, PUMASA nawa ako! Akalain mo nga namang yung Math instructor sa SUMMA dati yung teacher namin ngayon. Medyo nawiwirduhan ako sa pagtuturo ng teacher namin. Mahilig din siya mag-english. At medyo trivial magturo. At sabi nila medyo tamad. Ewan.

Orienteering -- Dapat kukuha ako ng TAP4. Pero mas gusto ko na muna ng outdoor na PE. Kaya eto, ewan ko pa kung anu-ano mga gagawin namin sa PE na to.



----------------------------------------------------------------------

tungkol dun sa ika-isandaan...
hmmmmm
nakakatamad talaga...
saka na lang...
sa ika-150 na lang siguro...
wahahahhaa...

----------------------------------------------------------------------

sana hindi nagseselos ang blog ko sa minsan minsang pagkarir ko sa lj..wahahha

----------------------------------------------------------------------

pagkatapos ng ilang taon ay nakita kong muli ang mga pinsan ko.
mas bata sila sa akin...pero mas malalaki sila sa akin.
malapit ako sa kanila dati nung bata pa sila.
yung pangatlo sa magkakapatid ginaya pa ang spikey hairstyle ko pagbalik niya sa ibang bansa.
siya yung pinakahuli kong nakabonding sa kanila.
medyo may hawig ang ugali niya sa akin.
siya yung mas madalas na gustong mag-isa pero malambing pa din sa iba.
hindi ko na siya nakamusta ng makita ko silang muli kahapon.
ang nakalaro ko na lang uli ay ang pang-apat sa kanila na baby pa nung huli kong makita noon.

sana makabalik uli ako sa orphanage para makapag-alaga ng bata.

-----------------------------------------------------------------------

medyo hindi pa rin ako marunong lumangoy. mabagal ang usad ko sa tubig. waaaah

-----------------------------------------------------------------------

naisip ko na rin ang paliwanag tungkol sa pananaw ko sa patuloy kong pagblog...

mula sa mga salita ni lagsh?...
...ayokong magsulat totally for myself. i find it senseless on my part. kung gusto kong for myself lang, sa isip ko na lang ire-remain, huwag nang pa-blog-blog pa na kasayanagan pa ng oras, kuryente, at internet...

parang yung usaping expression and entertainment...

-----------------------------------------------------------------------

pero kailangan ko na talaga ng camera. wakekekke

tuldok na muna.


[tutunawin ng lagim ang luha ng dugo]

2 Comments:

Blogger Ria Verdolaga said...

ahahah talagang wala kang paninindigan!!! wahahhaa

7:50 AM  
Blogger Kepi said...

hmmm.naisip ko nga, tungkol dun sa taong nasa daan, mas masasagasaan daw ang hindi marunong bumaling sa kaliwa o sa kanan....

tunay bang masaklap kung masasagasaan?
o may mananagasa nga ba?

.

9:05 PM  

Post a Comment

<< Home