20040731

MISTERYOSO

minsan wala akong magawa sa dyip pag pauwi na ako at malalim na ang gabi. minsan mga 2 hanggang 6 na lang ang pasahero ng biyaheng Quiapo na dyip na sinasakyan ko sa may Philcoa. iba ibang klase ng pasahero. kaya tuloy minsan naisipan kong magpakawirdo para matakot yung kasama kong pasahero. minsan sinasadya kong manlisik yung mga mata ko tapos kung saan saan ko ibabaling yung mata ko. kulang na lang ay bumulong ako ng kunwa-kunwariang chant para matakot sila. meron din naman cgurong natatakot.lalo na yung mga matatandang babae na iniisip cgurong rugby boy ako. wala lang talaga akong magawa. buti hindi ako yung napapagtripan.

------------------------------------

kakagaling ko lang kanina sa isang event sa CS...at sabi ni mr. genn russell katigbak abad, ilang taon mula ngayon ay siya naman daw ang magiging representative ng Geo sa Binibining Bato[tama ba ung title na to?]..hehe ayus ka tsong!

------------------------------------

eto.wala lang astig.napulot[at nadekwat] lang sa kung saang site.soundgarden.ayus!


[c/o tyler martin and rocktoons.com]


[assseeseehshizzasahasaaseeezihasaazasisshashehazihesehehazes]

20040729

LIFE AND DEATH

hayup mukhang seryoso yung title ng blog.nyahhaha

Oh, life is waiting for you
It is all messed up, but we will survive...--Life by Our Lady Peace


------------------------------

ngayon lang uli ata ako nakapanood ng TV sa bahay namin makalipas ang maraming araw.siguro linggo.ewan.
binuksan ko ang TV at isang programa sa ABC5 ang tinunghayan ko..
isang segment sa programang INQ TV...pera sa basura.
isang babae ang iniinterview habang nagpupulot ng basura sa may dumpsite sa montalban ata..

taga interview: "anu na pong ginagawa nyo?"
babae: "eto, hinihiwalay ko yung mga plastik...bote...metal...pagkain..."
taga interview: "anu na pong gagawin nyo dun sa nahiwalay ng mga ganyan?"
babae: "pagkatapos, e di isasako ko na yan kada uri tapos dadalhin ko dun mamya sa may junker"
taga interview: "ahh..nakakailang oras na po ba kayong nagpupulot at nakaka ilang sa ko na ho kayo?"
babae: "kanina pa akong alas 7 ng umaga...mga walong sako na ata ang naayos ko diyan"
taga interview: "eh anu naman po yung gagawin nyo diyan sa mga pagkain na hiniwalay niyo?"
babae: "ah yang mga yan.iuuwi ko yan.tapos iinitin..tapos kakainin namin ng pamilya ko...
taga interview: "ha?..kahit pong yang mga sira?"
babae: "di naman sira yan..di naman mabaho e..."

haaaayy.alam nyo na siguro ang naging reaksyon ko.buhay nga naman.
tsk.tsk.tsk.

--------------------------------

Lost in Translation. Kwento ng isang pagkakaibigang nabuo sa lugar na malayo sa kanilang tunay na mundo. Pinanood ko ito kasama si katty at si wina kanina. Ang kwento...ok lang. Hindi din naman siguro ako naapektuhan. Ang pagkakagawa...hmmm medyo disappointing nga naman. Pero me aspect sa pelikula na gusto ko...siguro yung ilang eksena na wala lang. yung mga sinisingit ng basta basta. di maganda sa pelikula pero meron akong weird na naiisip dun sa mga parts na yun.kaya ko ata nagustuhan.wala lang.

masaya kumain.makipag-usap.makinig.kumanta.

--------------------------------

Where does it stop?
Where does it end?
Where do we go?
Why am I always complaining?

I can be good
I can be bad
I can be loved
--Everyone's a Junkie by Our Lady Peace


--------------------------------

madaming problema ang mga tao. may kanya kanya silang lalim at babaw. buti na lang kahit papaano may mga bagay na nagpapasaya sa kanila. masyado pa lang lumiliit at lumalaki ang mundo nila. madaming dumarating.madami ring nawawala. anu ba nararamdaman nila?
anu bang pinag-iisip nila? anu bang gagawin nila?
buti na lang isa lang akong IT...sana...ehehe

[wina: ayan napa OLP na din tuloy dito sa blog ko..ehehe.]

--------------------------------

parang yosi...nauubos...

Take death for example
A great deal of our effort goes into avoiding it
We make extraordinary efforts to delay it
And often consider its intrusion a tragic event
Yet we would find it hard to live without it
Death gives meaning to our lives
It gives importance and value to time
Time would become meaningless if there were too much of it
If death were indefinately put off
The human psyche would end up
Well like the gambler of the Twilight Zone episode
--Ray Kurzweil on Death [Spiritual Machines]


[nyaknyak.naku hihiritan na naman ako ng pagka-emo.nyahaha]

20040728

SUMPA

isinumpa ako.isinumpa akong mabuhay sa piling ng mga halimaw.tatlong halimaw.at isa pang sana'y di maging halimaw.ngayon, nakayanan ko ang labing-anim na taon ng araw-araw na pakikisalamuha sa mga halimaw na ito.nakakahindik.mga halimaw na unti-unting pumapatay sa kaluluwa ko.mga halimaw na tulad ng karamihan sa mundo.nangaalipin.nangdidikta.nanglalason.tanging magagawa ko lang ay magpakabato sa tuwing sila'y umaatake.tulad lang sila ng karamihan sa mundo.nakakahindik.nangaalipin.nanglalason.nakamamatay.

------------------------------------------

sa mga susunod na araw, balak kong wag umuwi ng bahay, kung pwede lang, kaso hindi puwede, kaya uuwi na lang ako kapag maghahatinggabi na.sana.nang hindi ko nakakasalamuha ang mga tao sa bahay.magiging psycho na ako ng tuluyan kapag di ko sila natagalan.

------------------------------------------

ayoko sa bahay at pamilya ko.seryoso.

[middle child syndrome]

20040726

GRAPEJUICE AT BANANA

the sharp hint of new tears-dashboard confessionals

naglakad-lakad
nagpagala-gala
nakakatamad
naghihintay
humihithit
bumubuga
nagmamasid
nagiisip
nagpapaulan
dumidilim
naghihintay

i hate you-eleven minutes away

walang dumarating
sumilong at naupo

all star-smash mouth

buhos
bumubuhos
bumabagyo
nababasa
naghihintay
lalong nababasa
tumatagal
dumidilim
bumabagyo
walang dumarating

been a son-nirvana

sa wakas
nakalisan
kahit basang basa
nilalamig
sumusugod sa ulan

....at yan ang kwento..sa madaling salita halos na stranded na ako dahil nagpalakad lakad pa ako sa up bago dumiretsong uwi.at bumuhos ang malakas na ulan kung kailan d ko dinala ang payong ko....

---------------------------------------

you-switchfoot

SONA ngayon, and as expected classes were suspended in the afternoon...pero nagklase pa rin daw sa math17..pero d ko na pinasukan katamad..

come around-rhett miller

puntahan ko dapat si wina sa katag.kaso nakasalubong ko na din sya papunta dun.kain muna kami habang inaantay si katty.dumating si manix.tapos dumating din si katty.daan munang shopping center.tapos sa may xavierville ata.tapos robinson's east.

stir it up-bob marley

nood kami ng IMELDA.salamat pala ke manix sa panlilibre.ayus oks.benta ung part na nagdradrawing si Imelda habang nagdidiscuss ng kanyang mga philosophical ideas.ahehe.
gusto ko din ung part ng overlapping scenes ng mga

my sharona[cover]-nirvana

sinampay sa riles at mga damit ni Imelda.ayus.oks.astig.

the greatest fall[of all time]-matchbook romance

tapos uwi na.ahehhee.akala ni katty mga goons yung mga kasabay namin sa dyip.hehe.kaya bumaba na rin siya sa me vinzons.at alam nyo ba nangyari kay katty habang nanonood ng Imelda?hmmmmmmmm.yaaaak.jok lang.peace!

----------------------------------------

not enough-3 doors down

hmmm...sa patuloy na sumusubaybay sa website[kuno] na ito.ahehe.check nyo lang
  • ispaykitots
  • para sa mga kung anu mang article at
  • ispaykipics
  • para sa mga pinagtripang pix..lamats.ayus!

    sa kasalukuyan.kinakain ko ang panganim kong saging at pangsiyam na baso ng grapejuice.sarap!

    [since we can't compete with martyred saints, we'll douse ourselves in gasoline and hang our bodies from the lampposts so that our shadows turn into bright lights 'white light, white heat' we'll make as we're blacking out in the center lane, (we swerve) to the beat, (spill) all the ink (no revisions) do you hear the church bells ringing? wake up!! wake up in an outline and try to speak
    with the shattered voice of the lives we lead...have we slept too long between the bullet holes in a stained-glass window state?-Asleep in the Chapel by Thursday]

    20040725

    CAFFEINE NICOTINE ALCOHOL

    what a very unhealthy weekend...

    [saturday early morning]
    12:00mn.coffee.junkfood.cherry cola.coffee.junkfood.skyflakes.coffee.junkfood.kadiring siopao.coffee.junkfood.nag-aaral ako for my math exam.coffee junkfood.at naintindihan ko na sa wakas yung mga tinuro sa klase.coffee.junkfood.internet muna.coffee.junkfood.4:30am.zzzzzz.

    [saturday morning]
    back.side.front.shuffle.hop.cross.step.jump.toe.tapdance.natanggalan na naman ako ng taps.9:00am.me one hour pa ako para magreview kahit onti.10:00am.65 points exam.mental block.palpitate.brain drain.sa pagtitig ko sa bluebook ko, na-estimate kong 40 na lang ata ang highest possible score na makuha ko.at putcha 61.5% na un.naahh.d ako papasa.past 12.ansakit ng tiyan ko.yosi muna.

    [saturday afternoon]
    katty's house.nakakaantok.dumating na si aryan at pinasalubungan pa kami ng butterscotch.nakakaantok.masarap pala ang sotanghon at monggo.busog.nakakaantok.zzzzz.dumating si katte at allan.ikot.

    [saturday night]
    tagal ko na ding di nakakadayo sa lungga ni aryan.coke.potato salad mula sa shoppersville.drums.tv.pastries.drums.
    masarap na chicken for dinner.busog.lipat bahay. bday ng insang bodz ni aryan.kasama mga tropa nya.nakow inuman!yosi yosi muna habang umuulan.hapit na si wina.nilabas na ang emperador at red horse.umupo na.nagsimula na ang tanggero.kantahan na sila sa videoke.karneng masarap.shot.coke.dewberry.shot.coke.clover.shot coke.yosi.tutututtututtututut.

    "oy late na ko uwi.wg mo na isara ung pinto.la ako susi dun."...bat ba laging nagkakataong sabay kami lumalabas ng utol ko.

    yosi.karne.ice cream.shot.coke.dewberry.beer.ice cream.beer.teka cr wee-wee ng biglang...brwaaah.tae, kadiri pala emperaning-ice cream-beer.tuloy.shot tubig.yaak, si katty dinilaan yung plastik na takip ng ice cream..pero mas kadiri ako dinilaan ko yung dinilaan nya..eeeek.yosi.oooops! me nalalasing na.sumuka na si winapaaak.aryan and katty to the rescue sabay abot ng baso para sukahan.nyaknyaknyak!naligo ang kamay ko sa suka!d bale ipahid na lang ke katty.at pahidan na ng suka ni wina.nyaha.habang nag-gogrocery si aryan ng suka.pa-shot shot pa ng onti at yosi.sabay togoink! laglag sabay ligo sa tubig ang celfone ni wina."shiyet wala na ako load"ika niya. kwentuhan.yosi.kain.akala pa ni bodz kasama ako sa bulate gang..nyaks!wina:suka.celfone:togink.si katty busy sa pang-uuto sa pagbabasa ng mga palad ng mga tao.nyahaha.pati sa bago nya umanong prospect.ubos na empi.paonti-onting beer na lang.bumaba na si katty at nakaidlip na si wina.ang tanggero tuloy pa din sa pang-aalok.si aryan nangangarir din ata.nyaha.sabay hila si wina ng maliit na bagko sabay sinukahan...eeek.asan na ang grocery bag.bumaba na si wina ako at aryan.lipat bahay na sana pero stop-over muna sa pinto.diretso na sila sa kwarto ni aryan.ako, akyat sa sala para dun sa sofa matulog.salamat pala ke aryan sa unan at sa kumot.lamig.zzzzzz

    [sunday early morning]

    nagising.shiyet! may nakita akong long hair na babaeng nakaputi sa me pinto ng cr.nakatitig sa akin.tapos naglakad sya palapit.shiyet multo.jok lang.zzzzzz

    [sunday morning]

    ginambala ni wina ang masarap kong pag-tulog.umaga na.alis na sana.pero kape muna.waaah kape na naman.pagka-uwi akyat sa kwarto.tulog uli.

    [sunday afternoon]

    4:40 na sa pc na to.di pa ko kumakain.gutom.bored.soundtrip.
    sana wala pasok bukas.para foodtrip na naman at tambay.yehey!


    wahaha.wala lang.conceited amp!makakain na nga lang.

    [ive come to my senses that Ive become senseless,i could give you lessons on how to ruin your friendships, every last conviction,i smoked them all away,i drank my frustrations down the drain, out of the way,so i sit and wait and wonder,"does anyone else feel like me?"someone so tired of their routines and disappearing self-esteems
    --The Science of Selling Yourself Short by Less Than Jake]

    20040722

    RITWAL

    >i was wearing my "I'm going to KINDERGARTEN" ukay shirt again. uy peyborit na to!
    >di ako nakapunta sa UP ng maaga for the blockbooster..shiyet walang gumising sa kin.
    >i was doing fine in our math verbal problems exercise.pero mukhang di ko na naman kakayaning ipasa ang math exam ko this saturday.
    >wow! di ganun kaboring ang philo class ko kanina..."i think therefore i am"..."doubt is everything except doubting" hehehe o yan words from descartes...panu kaya kami mageexam sa philo, e prof na namin nagsabi na "wala pa nga talaga tayo sa topics sa course outline..im just giving you introductions..."..putcha introduction for more than a month...anak ng...nyaha
    >got an 8 on our first anthro quiz...
    >isang bagong piyesa : ritwal ng babaylan para sa kalikasan..
    >medyo boring ang araw na to..medyo lo batt...

    --------------------------------------

    ulan.dati hilig ko maglakad sa ulan.kahit hanggang ngayon.
    gusto ko ang ulan.nakakalinis ng kaluluwa at isipan.madalas pag umuulan, sinisipag pa akong gumawa ng kung anu-ano.marami akong naiisip kapag umuulan.maraming nasusulat.maraming naguguhit.basta marami.masaya nga kapag umuulan.parang bawat patak may dalang kasiyahan.pero hindi din.hindi lagi.minsan, ang paglalakad sa ulan ay dahilan ng kalungkutan.paglalakad ng walang patutunguhan.naghahanap ng kausap ngunit ulan lamang ang nandyan.basang basa.nanlalamig.dahil sa ulan.init.init lang ang kailangan...
    oops, tama na baka maging kalabasan pa nito ay intro ng isang sex scene sa isang lab story...nyahha

    ---------------------------------------

    saves the day soundtrip...

    [you don't have to try to feel alive...]


    20040721

    OLD SKUL

    pagmulat ng mata, diretso sa kubeta...magbatibot, magbatibot...nyaks...aga nga ng gising, kaso kung san san pa napapunta..mula sa paikot ikot sa kung saan saang lugar bilang chaperon ng mga kapamilya ko...punta na sa up!

    as usual, i'm with the three stooges...[ahehhe peace!]
    after observing the blockbooster matches in f.c., we decided to go to pards by just walking. [tae, f.c. hanggang kina pards?!?!? wala lang. di naman ganun kalayo...hehe] katty and wina jammed with the drummer from butterfinger.ayus.i was thinking about changing the lyrics of the song "my star"...err..cheesy..nyahaha.pero never mind.

    -----------------------------------------

    asado.mani.kikiam.gulaman.chicharong bulaklak.[yosi].footlong cheesedog[pero kalahati lang nman tlga].foodtrip

    -----------------------------------------

    kontragapi's performance was awesome. i wish i can whistle the way sir edru did. sinusubukan ko nga sa dyip kanina nung pauwi na ako.ahehhehe.walang mgawa amp!

    -----------------------------------------

    sa living room...

    sinusubukan kong sagutin ang math homework ko[na hindi ko pa rin tapos at mukhang di ko na din gagawin]...nakita ako ng mga magulang ko...kaya naman kunwari hirap na hirap ako at sobrang parang walang gana sa ginagawa ko...kaya un napunta sa usapan tungkol sa buhay kolehiyo ko...este, buhay first year math major ko...nung una ok pa, pero napunta sa usapang buhay kolehiyo ng mga magulang ko..tae! kelan pa ba yun!at nalaman kong 4 times kinuha ng ama ko yung parang math17 nila noon at astig ang cheating nila dati..tapos ung ina ko, favorite ng isang spanish teacher...pero pakialam ko! natawa lang tuloy ako sa kanila at nawala na concentration ko sa inaaral ko..tapos hiniritan pa ako ng tito, ama at ina ko na :
    "sana NAG-ACCOUNTACY ka na lang..." nyaks!!!! pero kung makatapos nga ako ng accountancy, shiyet big time! diretso sa company ng tito ko agad ako mkkpagtrabaho nun..ayus..kaso..di ko naman pangarap un..haaaaaaaaaaaaaayyyy....

    ----------------------------------------

    manic-depressive syndrome na naman ata tong nangyayari sa kin
    samahan mo pa ng onting schizophrenia
    hmmm....tsk tsk tsk.bumabalik
    na naman ang dati kong
    kalagayan...hmmm

    ----------------------------------------

    ang bagong "text formating" pakulo ng blogger ay di gumagana sa internet browser ko...shiyet ganun ba ka old skul ang pc ko.nyahaha

    [iris at remember me...hayup,jukebox!]



    20040719

    THE FIRST MATCH

    it's the start of the blockbooster competition...hmmmm
    thanks to god, at least JUKEBOX won on their first match...hopefully, they'll end up well in the upcoming games...SANA!


    muntik na akong makatulog ng tuluyan sa philo10 class ko...shiyet...kaantok at wala na akong matutunan sa prof namin...sana lang hindi ako nahalata kanina...


    kumakain naman ako ng marami at kung anu-ano pero bat lampayatot pa din ako..nyahhaa...

    [teeeeeeeeeeeeeennnnnnnnnnnnnt!!!!!!!!!!---tunog yan ng buzzer mga ulol...ahehe]


    20040718

    JUKEBOX

    mabilis ang pagtakbo ng oras.
    sa bawat oras na lumilipas may nagaganap.
    at may mga dapat maganap...


    i was with wina, katty and ria for the past days..[tae, nakakasawa..nyahaha...jok] all we did was eat anything with peanut butter and chocolate syrup...tapos sugar rush na, pakornihan at pakupalan na ng mga hirit...tsk tsk tsk bored delinquent teenagers..nyaha

    -------------------------------------

    Beatles Night: the four of us, along with mr. manix' friends were in Centro last night. Kiko Machine, Blue Stellar, Problem Child and The Mongols performed. A friend of mr. manix invited us to their house after the gig.Then we went to jollibee philcoa for some frech fries before going home at katty's.

    -------------------------------------

    i'm looking forward to our kontragapi training which is already scheduled from 6:30-7:30...ayos, at least mas onting tao pag training...tapdance hirap shiyet!...anu kaya results ng exam ko sa envisci?...putcha me exam na naman sa math17!...dumaan si yapi sa diliman nung friday,..astig! papadrawingin pa nya ako dun sa bag nya..ayos

    -------------------------------------

    hmmm..binabawi ko na muna yung sinasabi kong gusto sa probinsiya na lang ako...shiyet, saka na yun....putcha wag muna ngayon..madami pa kong gusto gawin d2 sa urban jungle ng manila..waaaahhh

    -------------------------------------

    anu na naman to...PUTANGINANG FINANCIAL PROBLEMS YAN!!!

    [how did you get to sesame street?]


    20040715

    THIS IS A PATHETIC BLOG

    hmmm...classes in UP were suspended from 10am-4pm due to the Student Summit..GREAT! my classes are from 11:30-4...but still i have to go to UP...

    on my way to UP...
    the clouds were really dark...
    i was sure 'twas going to rain...
    pero HINDI PWEDE!!!
    dahil nakalimutan kong magdala ng payong!
    at bumuhos unti-unti ang ulan...
    then i have to go up the blue and pink MMDA footbridge..
    mga over pass na walang bubong na dyahe kapag tag-ulan...
    buti na lang medyo mahina pa ang ulan kaya tinakbo ko na...
    sumilong sa isang waiting shed habang naghihintay ng jeep...
    at lumakas pa ng onti ang ulan...
    kahit nakasilong na ako...nababasa pa ako...
    ang masama pa non, ginawa pa ata akong pangharang ng 2 babae kaya lalo tuloy ako nabasa...
    ok lang sanay na...
    buti me UP-PANTRANCO na jeep na...
    at kasabay ng mabilis na pagragasa ng sinaksakyan kong dyip and mas lalo pang tuminding bagsak ng ulan..shiyet bagyo na!..bumabaha pa nga sa lansangan..
    pumapasok na ang ulan sa mga bintana ng dyip...nababasa na ang mga upuan...
    pero wala akong pakialam, ako lang naman kasi ang pasahero nung dyip...walang mga taong may mga basang payong na sasabit sa t-shirt ko, mga taong nakatakong na papatisod kunwari sa paa ko, mga taong palaka kung umupo sa dyip at higit sa lahat,mga taong sasamantalahin ang aking murang isipan at gagawin akong konduktor na taga-abot ng bayad sa drayber..pero,Pero,PEro,PERo,PERO! nangyari ang kinakatakutan...
    pagdating sa EDSA, dumagsa ang mga tao sa dyip, naguunahan pa...
    at dahil sa mga basang payong, sapatos , at katawan na dumikit sa akin...
    hindi nga ako nabasa sa bagyo, basang sisiw naman ang labas ko dahil sa pagkakaipit sa mga pasaherong binagyo...
    anlakas pa din ng ulan...
    "oy shiyet anlakas ng ulan, wala akong payong, baka ma-stuck na lang ako jan sa me waiting shed sa me kanto...daanan nyo na lang ako kung sakali...wahehe"...
    "CHECK OPERATOR SERVICES"...
    shiyet wala ng load, at paano kung ma-stranded ako sa shed na yun!
    buti na lang humina na ang ulan kasabay ng pagbaba ng katabi kong mabahong bata [nyaha]sa me philcoa...
    at nakarating ako sa bahay ni katty na kunwari ay matino pa din at parang hindi nabasa ni patak ng ulan..weheeee
    [fast forward...]
    medyo me power failure sa mall...nanood ako ng sine kasama ang mga alaga kong aso...wahahhaa..jok
    wala lang...wala pa ring bagong pelikula ang talagang nakakaakit sa akin...hmmm...pero nanood na lang...
    [fast forward...]
    sa bahay ni katty...isa na namang conference, with matching biscocho-choco-syrup-peanut-butter-foodtrip...
    [fast forward...]
    dito na ko sa bahay.yey!

    -------------------------------------

    hmmm...blogs...dami ko ng navivisit na astig na blogs na me magagaling na author...hmmm, how i pity this pathetic blog...
    nyahaha!..ulol! walang pakialaman..basta blog ko to!ayos!

    -------------------------------------

    [hetooo akooo....basang basa sa ulan..]


    20040714

    BUKO JUICE

    wow! first of all, something's new with my blog!!!
    updates and new features(nyaha!)
    --you can now post your senseless comments on my senseless blogs
    --notice the new "by line"?? --> "squeezed out of kepikups' brain!"
    --iamispayk is already linked to this page.though the page has only a gif.image of myself.wehehe.
    --i added something on the layout of the pictures page to make it more interesting
    --so far un lang...hehe

    ayos.this blog keeps getting better..nyahha!

    --------------------------------

    excited akong mag-test sa envisci..kahit pakopyahin ko pa yung mga mukhang kupal kong kaklase ok lang..kasi nakapag-aral naman ako...kaya anlakas ng loob kong sumabak sa exam na un..kaya naman pagkatapos ng math class ko, kalmado akong naglakas papuntang MSI..
    pagpunta sa room...binuksan ang pintuan...Shiyet! bat walng tao!..walang tao as in wala! imposible naman na ako ang early bird nun dahil madalas madami ng tao sa room pag pumapasok ako..kaya naisip ko baka naman nilipat sa ibang bldg. yung exam room namin..baka binalik sa villadolid...kaso tinatamad na ako magpunta pa ng villadolid, dyahe naman kasi malelate na ako kung sakali...naglakad tuloy ako kung saan saan naghahanap ng pupuntahan sa ilalim ng mainit na araw...badtrip pa! minsan na nga lang ako mag-aral para sa exam...naisip ko, kuha na lang ako make up exams...tapos nagreply yung kaklase ko sa envisci...WALA pala kaming KLASE at sa friday pa ang test..waahhh watdapak!..mali pala ang pagkakaintindi ko...it turned out na hindi ako nakapasok sa envisci last friday kasi akala ko un ung walang klase...so i missed the discussion on the last topics...badtrip, napagod pa ako sa kakalakad at kakaisip kung bat nawawala ung envisci class ko!!!arghhh...

    --------------------------------

    we're planning to join this sort of trivia quiz bee sponsored by some fraternity...nice...20,000 1st prize!!! damn!!! money!!! sana manalo!!

    --------------------------------

    kontra gapi na naman, i played the gangsa...ayos

    --------------------------------

    me nasulat sana akong poem na pwedeng gawing kanta...teka, nawawala...sana magawan ko nga...na-stuck na naman ako sa pc ngayon...dami ko sanang nagagawang astig kaso wala talaga drive...anyway, i got 2 days [no classes!]...lakas trip na naman to..hehe!!!

    --------------------------------

    according to sanya, i have to drink more buko juice...hahahaha...

    [hmmmm...teka topic...not again...]


    20040712

    MORE THAN PSYCHOANALYSIS


    mahirap talaga ang naiipit
    kung mainit pa, tiyak na malas
    ang halu-halong anghit at amoy ng pawis
    lalasunin ka at hihiluhin sa dyip

    ganyan talaga ang lagay kapag trapik
    sardinas ang mga behikulo sa daan
    ang lahat namamatay sa pagkainip
    kulang na lang ay maglakad pauwi

    parang biyaheng langit
    maraming nagmamadali
    tila isang magulong pila
    sadyang di ka makakasingit

    maraming nagiiba ng ruta o ng daan
    napapashortcut at biglaang napapaliko
    wala ng pakialam kung tama pa ang patutunguhan
    basta sa trapik ay makatakas lang

    kung sadyang malas
    at nanatiling ipit
    pagpasensyahan nalang
    tanging magagawa'y maghintay at magtimpi

    ...tulang naisip sa dyip.traffic kasi kanina sa quezon ave. , del monte ave. at roosevelt.

    --------------------------------

    salamat nga pala ke wina sa pagkokorek sa title ng previous blog ko..ayos!im trying to change the layout of some of the pages on this site especially the pictures area..still working on it.im trying to enable the comments on my blog but something went wrong with the template and i can't fix it...

    --------------------------------

    we need money!
    tama! kelangan namin ng pera upang suportahan ang mga plano
    at pangarap namin na inspired ng KASIBULAN art exhibit at ng INTRAMUROS na pinuntahan namin nung weekend.
    eto ang ilang mga astig na suhestyon para magkapera...
    *magbenta ng laman..nyaha
    *sumali sa isang quiz bee
    *mag-garage sale
    *mag BINGO!
    *etc.

    --------------------------------

    nakakasuka ang ginataan at sabayan mo ng iced mocha java

    --------------------------------

    bakit kung anu-ano na lang lagi ang napapagusapan namin ng mga taong madalas kong kasama...at bakit ayaw na namin mag-aral...at bakit ultimo gaano kaliit at kababaw na bagay, napupunta namin sa kung anu anong isyung malalalim at malalabo...shiyet philosophical..nyahhaa

    --------------------------------

    got this new pic from sanya..thanks to her!



    and i still look like a "manyak-na-adik"...nyahaha

    --------------------------------

    tae...homework and exams...toink

    ["one thing I can tell you is you got to be free, come together right now over me"--Come Together by The Beatles]

    20040710

    JUMP SHUFFLE JUMP TOE

    ganyan ang buhay ko ngaun
    tila isang nakawiwiling sayaw
    ngunit mahirap aralin
    mahirap pinuhin ang bawat galaw

    ang buo mong akala
    tila alam ko ang aking ginagawa
    ngunit tanging katotohanan lamang
    tila ako batang pariwara

    hangaring maiindak ng may katinuan
    ngunit lubha lamang pumapalpak
    nagkandadapa-dapa, nagkapatidpatid
    hanggang sa biglang lalagapak

    tulad ng sayaw ng isang baliw
    di man matino at walang sinusunod
    at di sigurado kung paano hihinto
    para sa kanya,taglay nito'y ligayang ubod




    hmmmm wala lang..tae..labo isip..haha

    [lipad...]
    CONCEITED

    uy teka, ako to a!!! waw!!! ayus!!! astig!!! haha!!!

    [bored...sleepy...aga pa ng pasok bukas...tsktsk..pero me adbentyur naman pagkatapos..kaya abangan na lang dito sa blog ko..haha astig!]



    [toink!!!]

    20040708

    RED

    waw.heaven.shiyet.ansarap talagang mag test sa math.yung tipong gusto mong ubusin yung tinta ng bolpen mo dahil sa sarap ng feeling ng pagsusulat ng mga numero at simbolo sa kulay dilaw na papel na tinatawag nilang yellow pad.tapos pagnatapos ka na at napuno mo na ng kung anu anong vandal ang papel na yun ansarap ng feeling.kala mo tama ang pinaggagawa mo.pero takta..wala pala ni isang tama.toink

    me ACLE nung philo class. talakayang SB 2587 at iba pang eduk issues.tas me tugtugan pa ng alay sining.sabay singit ng up rep.haha

    cut ng anthro10.wala naman cgurong teacher.kaya punta na lang sa abelardo para sa iranian music demo..lupet nung instrumentong bilog na parang isang buong drum set na siniksik sa isang higanteng tambourine.astig.at daf pa nga ata pangalan nun.at ang gagaling nila tumutog ng mga string instruments.ganda pa nung mga musicians.astig

    uy ayus me lakad sa weekends. ambilis tlga ng mga araw dahil sa sunod sunod na lakaran.ayus.astig.

    oy si goth me blog na: bangag_ako.blogspot

    o ayan bisitahin na para ayus.

    tae.wala lang.ayus.astig!
    FRESHIE BANGS

    ayus.astig.wala lang.toink

    20040706

    ATTACK OF THE ARTSY FARTSY BULLSHITS

    waw.ayus.astig

    ilang minuto makalipas ang pagpatak ng ika-6 ng gabi...

    "...pass the bubble on the left hand side..."

    tatlong hippie [at isang ulol na aso]ang high na high habang nagsosoundtrip ng country music...

    ng biglang...

    ARRRRGGGHHHHH!!!!!
    ASAN NA ANG ASO KO?!?!?! ASAN NA SI COCO?!?!?!

    oh no...isang halimaw ang dumating...
    at sa di inaasahang pagkakataon..bumalik muli si
    ALIYAH THE CURLY CHAKA!!!

    oras na... it's a bird! no, it's a plane! no, what the fuck?!?!
    IT'S THE ARTSY FARTSY BULLSHITS!!!

    galit na galit at nag-aamok si ALIYAH THE CURLY CHAKA at pinakitaan ang ARTSY FARTSY BULLSHITS ng kanyang makapangyariihang special power--ang DEJAVU!

    ngunit di nagpawindang ang ARTSY FARTSY BULLSHITS..lalaban sana sila gamit ang SUPERMEGAULTRAMAGNETIC
    RADIOACTIVESUPERCALIFRAGILISTICEXPEALIDOCIOUS
    LASERLIGHTSABERBEAMMACHINE
    ...
    ngunit di nila ito nagawa dahil kulang sila ng kapangyarihan at high sila dulot ng bubble-ecstacy...

    umatake agad si ALIYAH TEH CURLY CHAKA hanggang nagapi na si RIA...kaya sinubukan ni KEPIKUPS ang kanyang EMOGOGOSAGOPOWER at sinubukang idreadlocks at ibigti sa puno si ALIYAH THE CURLY CHAKA...ngunit isang kups si KEPIKUPS kaya siya ay palpak...

    ang natitira na lamang na pag-asa.. ay si KATTY at ang kanyang GOTHBAGOTHKULANGOTHATTACK... at binuhos niya ang 100 pursyento ng kanyang lakas para sa atakeng ito...

    [meanwhile.... waw astig spiderman!]

    nagulantang si ALIYAH THE CURLY CHAKA sa ipinakitang kapangyarihan ni KATTY...at nagpasiklaban sila ng kanilang mga kapangyarihan...

    TOINK! BUGHSG ..DOG! KABLAM KABOOM..ALAKAZAM..ABRA!KADABRA! POGOINK! DOG!BOG!AWAW!ARF ARF!!! WOOF WOOF!!PAK POK PEK PIK PUK!!!ARGHH!!! GRRRR!AWWWW!TOGOINK....WAAHAHHHAHAHAHA DUGSH!!!

    sa gitna ng kanilang away..isang espirito mula sa kalangitan ang isinugo...si YOYONG THE ANGEL BOYOYONG..at sa pamamagitan ng karagdagang kapangyarihang ibinigay niya kay KATTY..ay....

    ..ERRRRRNKKKKKKK.TUT.TUT.TUT.TUT.TUT....ENNNNNNNNNGGG>.....BOOOOOGSH!

    nag self destruct si ALIYAH THE CURLY CHAKA!!!
    at muli nailigtas na naman ang mundo...
    mula sa masasamang espirito, halimaw, bakulaw, gago, ulol, lasinggero, epal, kupal....
    dahil sa tulong ng...
    it's a bird! no, it's a plane! no, what the fuck?!?!
    IT'S THE ARTSY FARTSY BULLSHITS!!!

    [meanwhile...uy astig yung spiderman!]

    COCO: WOOF WOOF WOOF!


    [abangan ang mga susunod pang edisyon ng THE ATTACK OF THE ARTSY FARTSY BULLSHITS ONLINE EDITION...at abangan din ang THE ATTACK OF THE ARTSY FARTSY BULLSHITS THE SERIES sa inyong mga paboritong istasyon sa telebisyon..at maging bahagi sa nalalapit ng ARTSY FARTSY CIRCLE QUEST para sa casting ng first ever THE ATTACK OF THE ARTSY FARSTY BULLSHITS THE MOVIE...hehehehe.... ARTSY FARTSY AMPUTS!!!..ayus.astig!]

    20040704

    TOINK

    hehehe.the last post was about two weeks ago..hehe

    anu ba nangyari....

    [a perfect circle soundtrip sa background]

    kahapon ang first MATH17 exam ko...at astig!naka UNO ako...hahahha...UNO amp!..sana lang...hintayin na lang natin ang resulta.

    at bago mag MATH exams ito ang mga kaganapan...

    [flashback...tunununnnn]

    thursday night: oras na para aralin ang notes at sagutan ang sample exams..kaso di ko na ata natuloy...katamad
    friday morning: late na pumasok sa klase..review daw ng math
    friday afternoon: envisci class..napagrupo ako sa mukhang medyo mga tamad na nilalang.pero ok lang astig un..andali lang naman kasi nung pinapagawa..bahala na..la ng klase kaya kain tapos tambay...tapos diretso na sa KontraGapi praktis..tapos bahay ni katty...
    friday night:pumuntang mayric's para sa isang eheads tribute night..kain, onting inom at astig na tugtugan.
    saturday early morning:pagkatapos ng mayrics, dumaan pa ng F.A pero sa kasamaang palad, tapos na pala ang concert dun..kaya uwi na kina katty..antok na ko kaya tulog agad.
    saturday morning:tap dance ng 7 am hanggang 9..astig...shiyet bangag na ako!!!

    tapos pagpatak ng 10..math exam na!! ayus!

    wala lang.

    online walang magawa.si X nasa #upis04 na sa wakas.eto logo para dun sa undernet04 webby.



    ahehhe.shiyet boring.

    [for the father of ruth erive...may he rest in peace]