20050724

TIKET

unang gabi.
tuod akong nakatayo.
mulat.
walang pakiramdam.
wala.

sa ikalawang gabi,
nagsimulang umihip ang hangin.
paulit-ulit.
paikot-ikot.
pabalik-balik.

ikatlong gabi
ng ako'y kanyang bulungan
ng mga lihim
na nais niyang aking malaman.

ang ikaapat na gabi
ang gabi ng halik.
kung kailan dinampi ng kanyang lamig
ang aking mga labi.

ikalimang gabi.
hagkan.
yapos.
akap.

sa ikaanim na gabi,
ako'y kanyang tinangay.
tangan ako ng hangin
sa kanyang paglalakbay.

hindi dumarating ang gabi sa ibabaw nitong mga ulap.
mahirap na ring bumaba mula sa langit.
ang susunod na gabi, di ko alam kung kailan.


**ang tulang ito ay isang tula ng pag-ibig, pagpapatiwakal, pagnanakaw, biglang yaman, pamilya, diyos, kahirapan, pangarap, panaginip, pulitikang pinoy, pagsisisi, digmaan, at panis na isaw. pero hindi talaga.kaya wag na piliting intindihin kasi di ito magpapaintindi.

----------


CINEMALAYA GOES UP

Nabigyang pagkakataon akong mapanood ang 8 full-length [Baryoke, Big Time, Pepot Artista, Room Boy, Isnats, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Sarong Banggi, Lasponggols...hindi ko napanood ang ICU Bed # 7] at 6 short films [Mansyon, Kultado, Blood Bank, Babae, Panaginipan, at Alimuom] na bahagi ng Cinemalaya Film festival noong nakaraang linggo sa UP.

Magagaling. May kani-kaniyang mensahe/galing na nais iparating/ipamalas sa mga manonood.

Ang masasabi kong paborito ko ay Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros sa full-length at Alimuom sa shorts. Kung bakit, ay hindi ko pa lubusang maipapaliwanag. Wala pa naman akong masyadong alam pagdating sa mga teknikal na bagay sa paggawa ng pelikula.
Siguro nasa pag-"experience" ito ng mga nasabing pelikula.

Saludo tayo sa Cinemalaya.

Sunod naman CinemaOneOriginals.

----------

Nakakatawang pansinin kung paano ang mga dating "sana...", "marerealize niya din yan"
at "maiintindihan niya rin yan" ay isinasakatuparan ng mga pangyayaring dulot ng malakihang pagbabago sa mga takbo ng buhay ng mga tao at mga pangyayaring nagiging bahagi sila.

Malapit na rin.

----------

madalas na ayoko sa araw ng Linggo.

----------

malapit na magbalik si Eros.
magtatagal naman kaya siya ngayon?
apir!

----------

sana matuloy yung labas ko kasama ang mga kids.
bibisita pa kami sa bahay-ampunang nagpalaki sa amin.
mukhang masaya yun.
kamusta naman kaya sila?

----------

andami pang dapat habulin na lesson sa mga subjects.
nakakatamad kasing pasukan yung iba.

----------

mukhang nagiging pala-bati ako sa mga kakilala ko sa campus ngayon.
ayus din. hehe.

----------

hindi dumarating ang gabi sa ibabaw nitong mga ulap.
mahirap na ring bumaba mula sa langit.
ang susunod na gabi, malapit na.


["Kain na!" -Maximo Oliveros]

1 Comments:

Blogger Kepi said...

ahehhee..
onga maximo,wahaha.
yung tula, wala lang.
haha.
sige pag nagkakopya ka ha!
hayaan mo magkukrus muli ang landas niyo ni ano.
wahahahhaa.

8:56 PM  

Post a Comment

<< Home