20031104

ANONG NANGYAYARI?

nagsimula lahat ng magsoundtrip ako at naghanap ng kung anu ano online...tapos tinamad na ako at nagoffline ako 2 am...kala ko insomnia na uli kaya wala na ako balak matulog...nakahiga...sinusubukan kong gumawa ng kanta...tapos tinamad ako tapusin...nagisip ako...bumabalik na naman ako sa dati, kung anu ano na naman iniisip ko!!!!...tapos nagisip na lang ako ng pwedeng gawin...mga 4:45 na nun...d ko namalayan nakatulog ako...6:30 na ako nagising e sabi ko 6:30 asa skul na ako...tsktsktsk...enrolment arghhhhh...nagbayad muna ako utang...kulay...sa skul, dami na tao...ok pila palista, bayad...short ang pera , binawasan na kasi...kinailangan tuloy manghiram ng kaunting halaga...buti na lang may mga kaibigan ...tapos tambay ...mukhang lumalaki na ang samahan...badtrip wala talagang pera, kaya nakitambay na lang sa bahay ni jeho...masarap pala ang corned beef and mayo...tulog...ansarap humiga...sunken...inabot ng ulan...aryan's haws...session...tambay...uwian time...balik ako sunken magisa...gusto ko sana kausapin ang langit habang nakahiga o kaya'y nakaupo man lang sa may damuhan...matagal ko nang d nababalitaan ang kalikasan tungkol sa mga pinagiisip ko...kaso umambon at palakas ng palakas...tsktsk...naglakad na lang ako sa may gilid ng sunken...anlamig...ansarap...ngayon lang uli ako naglakad sa ilalim ng ulan...pero tulad pa rin ng dati, may kung ano sa ulan na biglang nagpapabago sa akin...pampasenti ko ata ang ulan...me mga kung anu ano akong naalala...kung anu anong bagay ang naisip...kaya hanggang paguwi ...magulo ang isip ko...ewan ...mukhang mapapaisip na naman ako hanggang mamayang umaga...nawiwirdohan na naman ako...kakaiba na naman ako...nararamdaman ko ang dati kong nararamdaman...tsktsktsk...ano na bang nangyayari?[]

0 Comments:

Post a Comment

<< Home